"Good morning, hija..." nakangiting bati ni Bernadette kay Diana nang makasalubong niya ito sa pasilyong patungo sa kanyang opisina. Agad na lumapit at nakipagbeso sa kanya ang babae. Akmang may sasabihin pa sana ito nang maawat na sapagkat nabaling ang atensyon nito kay Rafael na nasa likuran niya lamang.
"Good morning, Tita," saad niya rito.
"W-Who is he?" tanong nito. Puno ng kuryosidad ang mukha nito habang nakatitig kay Rafael.
Diana cleared her throat. "This is Rafael, Tita," pakilala niya sa binata. Sinulyapan niya pa si Rafael at ito naman ang binalingan. "Rafael, meet Tita Bernadette, my mom's best friend."
"Good morning, Ma'am," magalang na bati rito ni Rafael. Inilahad pa nito ang isang kamay na agad namang tinanggap ni Bernadette. Nagkamayan ang dalawa ngunit sa halip na kausapin ito ng kaibigan ng kanyang ina ay siya ang inusisa ng matandang babae.
"Ngayon ko lang yata nakita ang lalaking ito, Diana. Who is he and where did you meet him?"
"I said he is Rafael, Tita. And I hired him as my bodyguard."
"Bodyguard?!" bulalas nito sabay titig ulit sa lalaking katabi niya.
Nagkibit lamang ng mga balikat si Diana ay muli nang itinuloy ang kanyang paglalakad patungo sa kanyang opisina. Maagap naman siyang sinabayan ni Bernadette na agad siyang pinaulanan ng ilang katanungan.
"Why did you hire a bodyguard, Diana? And from where did you hire that man? Nakasisiguro ka bang mapagkakatiwalaan iyan?"
"Tita," aniya sa nananaway na tono. "I hired him from a well-known security agency. Triple Security... you can check it if you want."
Napapalingon pa rin si Bernadette kay Rafael na ngayon ay marahan na ring naglalakad sa kanilang likuran. Nakasunod lamang ito sa kanila at alam niyang naririnig nito ang palitan nila ng usapan ni Bernadette kahit pa sa paligid nakatuon ang paningin nito. Iginagala nito ang tingin sa pasilyong nilalakaran nila na wari ba ay sinusuring maigi ang kinaroroonan nilang lugar.
"Where is Tito Alex?" pag-iiba na niya sa usapan. Nakita niya pa ang marahas na paglingon sa kanya ni Rafael nang banggitin niya ang pangalan ng nobyo ng kanyang ina.
"Nasa opisina niya," tugon ni Bernadette. "W-Why are you looking for him?"
"Ipapakilala ko lang si Rafael. I just---"
"Is there a need to do that?" mabilis nitong putol sa ano pa mang sasabihin niya.
"Of course, Tita. I also need to talk to him about the report that he made the other day," imporma niya kasabay ng pagbukas niya sa pinto ng kanyang opisina. Hanggang doon ay sinundan siya ni Bernadette habang si Rafael naman ay nanatili na lamang sa labas.
"Why do you need to hire a bodyguard, Diana?" tanong nito na hindi pa rin tinatantanan ang tungkol kay Rafael.
"Nabanggit ko na sa iyo ang tungkol sa nangyari sa akin nitong huling seminar na dinaluhan ko, hindi ba? Tita, it wasn't an accident. Pareho naming iniisip ni Kyrene na baka may nagtatangka sa buhay ko."
"At sino ang makakaisip na gawin iyan?"
"I-I... I don't know."
"Diana, walang rason para---" Agad din naman itong nahinto sa pagsasalita nang wari ay may biglang naalala. Paglipas ng ilang saglit ay muli na itong nagwika. "Could it be... Could it be because of your wealth?"
"Hindi imposibleng iyon ang dahilan," aniya sa mahinang tinig. "Actually, iyon ang naiisip namin ni Kyrene na motibo ng kung sino mang gumagawa nito. I even have this feeling that it also has to do with Mama's death."
Dahil sa mga sinabi niya ay agad na napatayo nang tuwid si Bernadette. Mataman itong napatitig sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
"Hindi ba't aksidente lang ang nangyari, Diana? What do you mean na konektado sa pagkawala ni Stella ang lahat ng nangyayari sa iyo ngayon?"
Diana let out a frustrated sigh. Humakbang pa siya palapit sa salaming dingding ng kanyang opisina at tumanaw sa labas. Nakaharap ang parteng iyon sa napakalawak na espasyo ng kanilang solar kung saan nakikita ang mga empleyado nilang abala sa iba't ibang gawaing konektado sa aviation. Tanaw niya rin ang ilang sasakyang panghipapawid na ginagawa ng mga ito. Doon nakatingin si Diana pero napakalayo ng takbo ng kanyang isipan.
"Diana..." untag ni Bernadette sa pananahimik niya.
"It's been two years, Tita. Until now, wala namang nangyari sa kaso ni Mama." Pagkawika niyon ay marahas siyang lumingon dito. "Wala bang impormasyon ulit mula kay Mr. Reyes?" usisa niya pa na ang tinutukoy ay ang imbestigador na ito mismo ang kumuha. Si Bernadette kasi ang umako ng imbestigasyon tungkol sa nangyari sa kanila sapagkat lugmok siya sa pagdadalamhati nang mga araw na iyon dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.
"I'll talk to him, Diana. Tatawagan ko siya."
Tumango lang siya at muli nang lumapit sa kanyang mesa. "I was thinking, paano kung konektado ang nangyari sa amin ni Mama sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon? I survived, Tita. Paano kung binabalikan ako ngayon ng taong sakay ng van na iyon?"
"Don't be paranoid, Diana," awat nito sa kanya. "Baka aksidente lang talaga ang nangyari sa inyo noon ni Stella."
"Aksidente man o hindi, dapat pa ring managot sa batas ang nagmamaneho ng sasakyan na iyon," mariin niyang saad. "I want to give my mom justice, Tita Bernadette. Hindi lang si Mama. Remember, may iba pang nadamay sa aksidenteng iyon."
Hindi maiwasang bumalik sa kanyang isipan ang nangyari dalawang taon na ang nakararaan. Sa kabila ng mga pinsalang natamo niya rin nang araw na iyon ay malinaw pa rin sa kanya ang lahat. Dahil sa lakas ng pagkakabunggo sa kanila ng van na iyon ay tumama ang sasakyan nila sa isa pang kotse. Base sa impormasyong nalaman niya, patay ang sakay niyon. Isa pa iyon sa mga rason kung bakit nais niyang mahuli kung sino ang nagmamaneho ng pulang van na naging dahilan ng mga nangyari.
*****
MATAMANG pinagmasdan ni Rafael ang lalaking nasa kanilang harapan. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa singkwenta na ang edad nito. But despite his age, masasabi ni Rafael na makisig pa rin itong tingnan kumpara sa ibang kaedaran nito. Si Alex Villanueva--- ang sinasabi ni Diana na kasintahan ng ina nito noong nabubuhay pa.
Matapos ngang makipag-usap ni Diana kay Bernadette na best friend naman ng ina nito ay inaya na siya ng dalaga na magtungo sa opisina ni Alex. Agad siya nitong ipinakilala sa matandang lalaki na kinabakasan ng labis na pagkabigla nang malamang bodyguard siya ni Diana.
"What do you mean bodyguard? Do you need to hire one, Diana?" tanong nito na napapasulyap pa sa kanya.
"Yes, Tito Alex. He is my bodyguard. Is there a problem with that?"
"Bakit kailangan mo ng bodyguard, hija?"
Diana shrugged her shoulders and walked towards Alex' table. Kinuha nito ang folder na nakapatong doon at binuklat upang tingnan ang nilalaman. Ginagawa iyon ng dalaga kasabay ng pagsagot nito sa matandang lalaki.
"I just need one, Tito Alex. Madalas ay mag-isa lang ako, hindi ba?" anito habang sa hawak-hawak na dokumento nakatingin. "Ito na ba ang report tungkol sa proposed project na pinag-usapan ng board?"
"Yes," sagot ni Alex habang sa kanya nakatitig. "Do you know this man? From where agency did you hire him?"
Sunod-sunod ang pagtanong nito tungkol sa kanya. Ni hindi pa alintana nito kung naroon lamang siya at naririnig ang mga pang-uusisa nito. Nakaringgan pa ni Rafael ng pagtataka ang tinig nito. Waring labis itong nagtataka kung bakit kumuha si Diana ng bodyguard.
"Triple Security Agency, Sir," wika niya. Siya na ang sumagot sa tanong nito.
"Why do you need a bodyguard, Diana? May problema ba?"
For a moment, Diana looked at the old man intently. Alam niyang pinag-aaralan ng dalaga ang bawat emosyong lumalarawan sa mukha ng kanilang harap, katulad sa kung paano niya rin pag-aralan ang bawat kilos ni Alex.
Ayon kay Diana ay si Alex ang naiisip nitong maaaring magtangka sa buhay nito. Hindi man kasi ito legal na asawa ng mama ni Diana pero mayroon nang access sa bahay ng mga Baltazar ang matandang lalaki. Maaaring ang yamang mayroon si Diana ang dahilan kung bakit may banta itong natatanggap.
"I told you, I just need one, Tito," wika na ni Diana pagkaraan ng ilang saglit. "Madalas ay ginagabi ako sa labas. Idagdag pa na lagi akong mag-isa."
"It is what you want, right? Gusto mong bumukod ng tirahan, kaya nga umalis ka sa bahay ninyo. And now, you hired a bodyguard because you're thinking that you are living alone? Bakit hindi ka na lang bumalik sa bahay ninyo kung ganoon, Diana?"
Disimuladong umangat ang isang kilay ni Rafael. Hindi pa maiwasang magkatinginan sila ni Diana na katulad niya ay parang hindi inaasahan na iyon ang sasabihin ni Alex.
"It's final," wika ng dalaga sabay kuha ng dokumento na kanina ay pinasadahan na nito ng basa. "Anyway, naparito lang talaga ako para hingin na ito. I will study this in my office."
"S-Sure," saad ni Alex na bakas pa rin ang hindi pagsang-ayon sa presensiya niya. "If there is anything that you want to change, just tell me."
Tumango lamang si Diana bago tuloy-tuloy nang naglakad palabas sa opisinang kinaroroonan nila. Maging si Rafael man din ay tinanguan na lamang si Alex at mabilis nang sinundan ang dalaga. Hanggang sa makarating sila sa sarili nitong opisina ay hindi man lang ito umimik. Nakita niya pang halos pabagsak nitong inilapag sa ibabaw ng mesa nito ang folder na kinuha mula kay Alex.
"Iyon ang kasintahan ng mama mo?" tanong niya.
"Obviously," mataray nitong sagot. "Did you hear what he said?"
"Obviously," panggagaya niya sa pagsasalita nito. "Kasama mo ako kanina, hindi ba?"
Pinanliitan siya nito ng mga mata sanhi para bumalatay ang kaaliwan sa kanyang mukha. Dama niya ang inis nito ngunit sa halip na patulan pa siya ay muli na itong nagwika. "He's the one I am suspecting, Rafael. Pero bakit niya isusuhestiyon na umuwi ako sa bahay namin?"
"Two reasons, Diana," wika niya sabay hakbang palapit sa visitor's chair na nasa harap ng executive desk nito. "It's either mali ka ng iniisip at hindi siya ang naghahangad ng masama sa iyo. Or..." Sadyang ibinitin niya muna ang pagsasalita at pinakatitigan ang magandang mukha nito. "Baka gusto niyang umuwi ka sa bahay ninyo kung saan din siya nakatira upang magkasama kayong dalawa. If that happens, magiging madali para sa kanyang gawin ang kung ano man gusto niyang gawin sa iyo."
Dahil sa mga narinig nito ay agad na rumihestro ang pagkabahala sa mukha ni Diana. Hindi man ito magsalita ay alam niyang labis na gumulo sa isipan nito ang mga sinabi niya. And Rafael couldn't help but to stare at her intently. Mula pa kanina ay kababakasan ito ng katarayan. Inisip niya pa nga na snob ito sa mga empleyado ng sarili nitong kompanya. She's a woman yet, Rafael could see authority on her.
Pero iba sa mga sandaling iyon. Because of what he said, Rafael was able to see the vulnerable side of Diana. Bakas na bakas iyon sa mukha nito ngayon. Nasa mga mata nito ang takot at pangamba.
"I want to know the truth, Rafael. Gusto kong malaman kung totoong may nagtatangka nga sa buhay ko."
"That's my job, Diana. I will help you," saad niya.
"So," anito sabay hamig na ng sarili nito. Alam niyang pilit lang itong nagpapakita ng katatagan sa kanya. "I'll just see you tomorrow?"
"Tomorrow?" kunot ang noo na balik niya rito.
"You can just report tomorrow, Rafael."
Hindi niya maiwasang marahang matawa dahil sa mga sinabi ni Diana. Ang ginawa niya ay naging dahilan pa para magdikit ang mga kilay nito.
"What's funny?" paasik nitong tanong.
"Ikaw," mabilis niyang sagot. "Saan ka nakita ng bodyguard na mag-rereport lang kung kailan kailangan ng kliyente niya? I am your bodyguard, not your on-call employee."
"W-What are you trying to say?"
Rafael stood up. "Give me your car's key. From now on, I'll be your driver s***h bodyguard. At bilang bodyguard mo, trabaho kong bantayan ka bente-kwatro oras, Diana. Kahit sa mga nauna kong kliyente ay ganoon ang ginagawa ko. So meaning, from now on until your case is solved, I'll be staying in your place."
"Y-You'll be... what?!"