Chapter 3

1477 Words
DHIANA LUMIPAS ang ilang linggo ay patuloy ang raket naming dalawa ni Regina sa catering business na pinasukan namin. Kahit paano ay nakakaipon ako doon dahil bukod sa bayad sa amin ng aming amo ay may tip din kaming nakukuha sa customer lalo na pag need mag timpla ng alak. Tuwing gabi din ay patuloy pa din akong magtatrabaho sa resto bar ni Mang Nato para lang makabayad ng utang doon. "Didi! Hindi ka ba napapagod kasi ako, pinapanood pa lang kita napapagod na ako," saad ni Regina na ikinatawa ko. Nandito kami ngayon sa labas ng office ng catering at umiinom ng softdrink, inaantay lang namin na umalis kami dahil meron na naman kaming wedding na pupuntahan. "Napapagod syempre pero anong magagawa ko panganay ako kaya dapat akong kumilos at magtrabaho!" saad ko sabay higop ng softdrink. "Bakit kasi kailangan mo pang magtrabaho doon kay Mang Nato? Dito na lang kaya sa catering! Magregular ka na lang dito!" saad niya pero umiling lang ako. "Hindi pwede, sira ka! Nagbabayad ako ng utang doon kay Mang Nato kaya hindi pwedeng huminto," usal ko at nagpahuling higop bago itinapon sa basurahan iyong plastic. "Sa bagay, pero bakit hindi ka mag apply sa ibang bansa?! Mas malaki ang kita ng mga nasa bar doon! Tapos malay mo makakuha ka ng boylet! Nandoon na pala ang poreber mo!" saad nito na parang kinikilig kilig pa. Nahampas ko ito bigla dahil sa sinabi niya. "G*gi ka! Wala akong planong maghanap ng forever doon kung hindi pa ayos sila Tatay dito!" "Mismo! Malay mo makahanap ka ng lalaking mayaman, edi solve ang problema!" saad niya sabay tapon din ng plastic ng softdinks sa basurahan. "Ewan ko sa iyo! Basta mag iipon ako para kila Tatay at Divine! Tara na! Naglalagay na sila ng gamit doon oh! Tulong tayo," saad ko dito at nag umpisang maglakad. Habang inilalagay ang mga gamit doon ay bigla akong tinawag ni Madam Grasya. "Dhia! Halika muna saglit!" saad nito kaya naman biglang isang masunuring rakitera ay mabilis akkng lumapit sa kan'ya. "Ano ho iyon, madam?" tanong ko dito. "Doon tayo sa opisina at may sasabihin ako sa iyo," saad niya at tumalikod na para mag umpisang maglakad. Tumingin muna ako kay Regina na nakathumbs up lang bago sumunod kay madam. "May problema po ba, madam?" kinakabahan na tanong ko. Mukhang naramdaman naman nito na kinakabahan ako kaya natawa siya bahagya. "Walang problema! Aalukin lang sana kita ng trabaho, baka sakaling gusto mo!" natatawang usal nito. "Iyong anak ko kasi ay nasa L.A. ngayon! Manager soya ng isang sikat na bar doon! Malaki ang kita at pag nagustuhan ka ng mga VIP ay malaki din ang tip! Naghahanap siya ngayon ng bartender at waitress! Una kong inalok si Regina pero sabi niya ay hindi niya daw porte ito at ikaw ang tinuro, naalala ko din naman na marunong kang magtimpla ng alak kaya ikaw ang inaalok ko ngayon," mahabang paliwanag nito. Halos magliwanag naman ang mukha ko dahil sa inalok nito! Gusto kong makatulong at mas makaipon ng malaki para mapagamot sila Tatay at Divine. Kailangan ko din ng malaking kita para mapaayos ang bahay namin kahit paano para maging komportable ang hinihigaan at tinitirhan namin. "Ano pong kailangan doon na requirements, Madam? Tatanggapin ko po!" masayang usal ko. "Osige! Sasabihin ko sa anak ko at itatanong ko na din kung anong mga kailangan para makapaghanda ka. May passport ka ba?" tanong nito. Tumango lang ako kahit wala pa naman talaga. Madali lang makakuha noon! "Sige ho! Salamat ho!" saad ko dito. Tumango lang ito at sinabing magtrabaho na ako ulit. Masaya akong lumabas ng opisina at nagpunta kay Regina na siyang dahilan para maalok sa akin ang trabaho. "Bruha ka! Salamat!" saad ko dito sabay hampas. "Maliit na bagay! Basta 'pag nakakuha ka ng afam doon! Wag mo akong kakalimutan!" saad nito na ikinatawa ko lang pero muling nagpasalamat sa kan'ya. Muli kaming tumulong doon sa mga kasama namin. Lumipas ang araw at linggo muli akong kinontak ni madam. Pinapunta ako nito sa opisina niya dahil may sasabihin daw siyang muli. "MADAM?" bati ko dito nang makapasok ako sa opisina niya. "Dhia! Halika, pasok ka! May sasabihin ako!" masiglang bati nito na agad ko namang sinunod. "Ani ho iyon, madam? Mukhang good news po ah," saad ko dito na nakangiti dahil halata sa mga mata niya at ngiti. "Ay! Oo naman! Yung alok ko sa iyo noong nakaraang dalawang linggo?! Nasabi ko na sa anak ko at okay daw siya! Ibinigay ko iyong number at email mo na ibinigay mo sa akin, siya na lang daw ang kakausap sa iyo! Galingan mo kasi binida kita doon… sabi ko magaling ka magtimpla ng alak! Tapos sabi ko maganda ka din!" usal niya kaya naman natawa ako. Natawa naman ako sa sinabi nito dahil hindi naman ako ganoon kaganda at bukod doon petite ako at hindi sexy katulad ng iba pero maganda naman ang dibdib ko dahil nga mataba ako, malaman din ang dibdib ko. "Ayusin mo na agad ang mga requirements mo tapos sila na ata ang bahala sa nonimmigrant visa mo! Basta kayo na lang ng anak ko ang mag usap, mabait naman iyon kaya wala kang problema," saad niya. Todo pasalamat ako dito dahil sa sinabi niya at sa inalok niyang trabaho. Kailangan ko na lang kausapin sila nanay about sa trabahong ito. Masaya akong umuwi ng bahay. Mabuti na lang at nakuha ko na ang passport ko nitong nakaraan lang. Agad talaga akong kumuha ng passport ng sinabi iyon ni madam kasi gusto ko talaga itong trabaho na ito! Iba na ang handa. "Nanay!" masiglang pasok ko sa bahay namin. "Oh! Bakit masaya ka? Anong nangyari?" tanong ni nanay na parang excited at tumitingin sa mga kamay ko. Akala yata niya ay may dala akong pera. "Wala ho akong dalang pera, 'nay. Pagkakaperahan pa lang po," usal ko kaya naman bahagya itong nalungkot. "Yung nakwento ko sa inyo na trabaho'ng inaalok ni madam, natanggap po ako! Kakausapin na lang daw alo ng anak niya!" pilit kong pinasigla ang boses ko kahit pa medyo nainis ako sa naging itsura ni nanay. "Anong ibig mong sabihin? Yung doon sa ibang bansa?! E baka naman kapag nakaalis ka na dito ay hindi mo na kami balikan! Dhiana! Ikaw lang ang inaasahan dito!" saad nito sabay pagpag ng kamay niya sa binti niya. "'Nay! Hindi naman ako ganon! Kaya ko nga ito gagawin para makaipon tayo e! Sayang din iyon! Mabilis na tayong makakausad oh!" sagot ko dito. Wala namang nagawa si Nanay sa pag uusap namin at nagbilin na lang na wag ko silang pabayaan dahil maliliit pa ang mga kapatid ko kaya ako na lang talaga ang aasahan nila. Wala din naman akong magawa, ako naman talaga ang makakatulong sa amin ngayon. Ayoko din namang umalis dahil natatakot akong mag isa at walang kausap pero tinatapangan ko lang para makaraos kami sa hirap. Ang araw na din na iyon ay nakausap ko agad ang anak ni Madam Grasya na si Ma'am Gudeth. Sinabi niya lang sa akin ang mga dapat kong kunin at gawin pati na ang mga requirements ko ay tinignan nito. [Sige, ayusin mo na iyong iba para by next month makalipad ka na! Ako na muna ang bahala sa titirhan mo. Wala namang problema iyon] saad nito. "Ay salamat po, ma'am! Sige po at aayusin ko na agad! Ipapadala ko din po sa inyo iyon pag kumpleto na," usal ko na ikinatango nito. Nagpaalam din siya dahil may gagawin pa daw ito. Ibinalita ko kay Regina ang pagkakatanggap ko na ikinatuwa nito. Tinulungan din ako nito na ayusin ang mga requirements ko pati na ang paghahanap ng mga gamit ko. Sa ukay lang kami bumili ng mga damit ng pwede kong dalhin. Nang matapos kong ipasa kay Ma'am Gudeth ay agad itong nagpadala ng confirmation ng ticket ko by next month at tuloy na tuloy na ang pag alis ko. "BESHY! Bukas na alis mo! Hindi na talaga mapipigilan!" maktol ni Regina na nandito sa bahay. "Hindi na, may ticket na ako noong nakaraan pa!" saad ko sa kan'ya. "Basta, Dhiana! Mag ingat ka doon! At wag mong kakalimutan magpadala para sa pang gamot at dialysis ni Divine at tatay mo," saad ni Nanay. "Nanay! Hindi pa nga nakakaalis padala agad! Wala pa nga pera e! Dapat ingat muna doon at tumawag pag nakarating na," biglang usal ni Regina na agad kong kinurot. Taklesa din ito minsan e! "Opo, 'nay! Hindi ko po kakalimutan basta po sa unang sahod ko doon, ipapadala ko agad ng buo," sagot ko kay Nanay na tumango lang at umalis sa tabi namin ni Regina na nakasimangot. "Ang bait mo, dai!" saad niya. Hindi ko na lang pinansin at itinuloy ang pagchecheck ko ng gamit ko kung kumpleto na. Kaya ko to! Para sa pamilya ko! Kakayanin ko! ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD