Chapter 4

1392 Words
DHIANA SERYOSO akong nakikinig kay Ma'am Gudeth na nagpapaliwanag ng mga gagawin ko, paumpisa lang ito dahil kahapon lang ako dumating at sinabi nito na mag oobserve muna ako sa mga kasama namin. "So for now just stay at the counter, no need for you to go outside. Observe! Got it?" tanong nito na mabilis ko namang tinanguan. May alam naman ako sa english kaya kahit paano ay makakacommunicate ako sa kanila. Malapit na magbukas ang bar kaya naman ipinakilala ako ni Ma'am Gudeth sa isang kasama namin na ang pangalan ay Beiley. Si Beiley ay isang professional bartender at siya daw ang makakasama ko lalo na dito sa bar counter. "So what's your name, lady?" tanong nito sa akin. "I'm Dhia! I'm also good at bartendering…" saad ko sabay iwas ng tingin. Tama kaya ang english ko? Limited lang kasi iyon! "You mean bartending?" pag aayos nito sa sinabi ko kaya naman napapalakpak ako sabay turo sa kan'ya. "Yes! That's it! Good job!" usal ko na ikinatawa nito ng mahina. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa pag eenglish ko! Dapat pala lagi akong may dalang dictionary para hindi ako mabobo dito! Nakarinig ako ng mahinang tawa dito kaya naman napatingin ako sa kan'ya. "You're funny," nakangiting saad niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kan'ya dahil sa pagngiti nito at pagtawa na din. Ang ganda ng blue eyes niya, parang umaalon 'pag tumatawa siya. Matapos namin magpakilala sa isa't-isa ay siya na din ang sumama sa akin para ipakilala sa iba. Tapos no'n ay dinala na ako nito sa bar counter. "So here are the drinks we used to mix, since you said that you are into bartendering, may you name the alcohol here." Tumuro ito sa mga shelf kung saan nandoon ang mga alcohol drinks na ginagamit o gagamitin namin. Bahagya pa akong nahiya dahil inulit nito ang sinabi kong 'bartendering'! Alam ko namang mali! Kailangan ulit-ulitin?! Isa-isa kong sinabi sa kan'ya ang mga alam kong alak maliban sa masyadong imported na ngayon ko lang nakita. "I don't know the name of this alcohol. I'm just new to this," saad ko sabay turo sa iba pa. "It's okay, we're in Los Angeles! There's always a new brand of alcohol here," nakangiti muli nitong usal sa akin kaya napangiti na din ako. Habang nag-uusap kami ay may ilang mga waitress na tumitingin sa amin sabay iirap. "Why are they rolling their eyes on me? Girlfriend mo sila?" tanong ko kay Beiley na biglang nagtaka. "Pardon?" saad niya. "Ano?" tanong ko din kaya mukha kaming tanga pareho na nakangiwi sa isa't-isa. Hanggang siya ang unang tumawa! "No! What I mean is, I didn't understand what you said earlier. Pardon means sorry! Got it?" paliwanag nito kaya napatango tango ako. "Ah! Okay! Okay! Ang sabi ko—I mean what I said is, the girls! Girlfriend you!" nahihirapang paliwanag ko. "Ah! You mean, if they are my girlfriend?" palilinaw niya kaya napatango tango ako! "Yes! Yes! Ang galing mo!" saad ko sabay hampas sa kan'ya. "Ay sorry! I'm overreacted!" saad ko kaya napatawa lang ito. "You're cute, Dhia…" saad niya habang hawak ang jigger glass at shaker. "You also! You're cute too!" usal ko na may pagtaas pang dalawang daliri. Hindi naman nagtagal ay sinabi sa amin na magbubukas na ang bar kaya naman binigyan ako ni Beiley ng apron na hanggang tiyan lamang. Hindi ko pa alam kung paano isuot iyon dahil mahaba kaya siya pa ang nagsuot sa akin. "BEILEY! The Vicente are here! You know what to do with their drink! They want it to be hard but smooth this time!" sigaw ng isang waitress kay Beiley na busy magmix ng margarita ng isang customer. "I'll take note of that!" saad ni Beiley sa seryosong paraan. Wala namang sinagot iyon babae at tumingin sa akin bago lumapit. "Don't be such a burden to Beiley. Get up your @ss there and help him!" singhal nito. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni Beiley na tapos na pala sa ginagawa niya. "Hey! Stop threatening, Dhia! She's new here!" saway nito sa waitress sabay hila nito sa akin papalayo sa babae. Ngumisi lang naman iyong babae bago pairap na umalis. Humarap sa akin si Beiley. "I'm sorry for that, Dhia. Are you okay?" tanong nito kaya naman tumango. "But she's actually right, I need to help you. Maybe I can serve the other customer if they just want brandy or tequila," saad ki dito. Tumango naman siya at sumang-ayon kaya ayon na nga ang ginawa ko. Tumulong ako kay Beiley sa bar counter habang siya ang nag mimix ng mga alak. LUMIPAS lang ang ilang linggo ay hinayaan na ako ni Beiley na mag mix ng drinks. Dalawa na kaming nagtitimpla kaya hindi na kami natatambakan katulad ng unang linggo ko. Nakakatanggap na din ako ng tip para sa entertainment na ginagawa ko para sa kanila. Kaya bukod sa unang sahod ko na masayang masaya ako na natanggap ko na ay may nalaki pa akong tip. Tama nga si Madam Grasya na ang mga amerikano ay malaki magbigay ng tip. Biruin niyo! Isang margarita at sunrise lang ang oorderin nila pero mag bibigay sila ng tip na 20 dollars! Pero meron din namang mga kuripot na 1 to 5 dollars lang magbigay. May mga naging kaibigan na din ako dito bukod kay Beiley kaya naman nalaman ko na bukod pala sa pagiging bartender ko ay pwede akong mag sideline bilang waitress basta magpapaalam lang ako kay Ma'am Gudeth. Bukod doon sinabi pa nila kung sino ang magandang bigyan ng serbisyo ng pagiging waitress dahil malalaki magbigay ng tip! Kaya naman goal ko ngayong buwan ay matutong magserve sa mga VIP namin. "'nay! Naipadala ko na po ang unang sahod ko, kunin na lang po ninyo sa remittance. Nasend ko na din po kay Regina iyong number," saad ko kay Nanay na tumawag na para ipaalala sa akin ang padala ko. [Sige! Kukunin ko na lang sa kan'ya] saad nito at basta na lang pinatay ang tawag at hindi man lang ako kinamusta o sinabihan na mag ingat. Napabuga na lang ako ng malalim na hanggin. Baka need lang no'n na bumili ng gamot ni Tatay kaya nagmadali. Nag ayos na lang akong muli papasok dahil kailangan kong pumasok ng maaga para magtrain paano magwaitress. Pagdating ko doon ay mga nakaayos na ang ilan. "Dhia! Here!" sigaw ni Ma'am Gudeth habang hawak nito ang mga damit na ipapasuot sa akin. "Are you really sure that you will work today?" tanong nito nang makalapit ako at iabot sa akin ang mga uniform ko. "Yes, ma'am! I still need to work hard for my sister and father's medication," saad ki dito Tumango lang ito at pinaalalahanan ako about sa mga gagawin ko. Ibinigay niya ako sa isang kaibigan ko dito para sabihan ako ng mga gagawin. Kahit paano ay natututo na akong mag english lalo na at tinuturuan ako ni Beiley na mag english para mas makacommunicate ako sa kanila. Hindi nga nagtagal, nagbukas ang bar at isa isang nagsidatingan ang mga parikyano ng bar na ito. Sa isang buwan na tinagal ko dito ay lagi kong naririnig ang pangalan na 'Vicente Cousins' Isa sila sa pinakamalaking magbigay ng tip at talaga naman ang mga natatanggap ng mga waitress na mapupunta sa kanila ay parang nakakatanggap ng jackpot. Kami din naman minsan ni Beiley ay nagkakaroon ng tip pero hindi katulad ng sa kanila. Isang beses yung waitress na napunta sa kanila ay binigyan nila ng 250 dollars. Kung sa akin mapupunta iyon ay isang session na iyon ng dialysis ni Divine! Pwede ko na agad ipadala iyon para makapag dialysis siya. Minsan kasi ay hindi siya nakakasipot sa session niya dahil kulang ang pera kaya imbes na 3x a week ay nagiging 2 times, minsan pa nga ay isang beses lang. Kaya malaking bagay iyong 250 dollars na tip na iyon at pag nakaipon pa ako ay pwede na siyang makapagpaopera para mapalitan ang kidney niya. At kapag nangyari iyon ay makakaluwag luwag na kami dahil hindi na namin kailangan na gumastos ng sampung libo para sa isang araw. At baka palarin din ako na makabalik sa pag aaral kahit matanda na ako. Gagalingan ko para ako naman minsan ang mapunta sa VIP waitress at makakuha ng malaking tip. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD