DHIANA
"NO!!!" agad kong usal habang tinitignan ang resulta ng Pregnancy test na hawak ko!
At nakasaad dito na positive! Malinaw na malinaw ang dalawang red lines!
"No! Hindi dapat!" umiiyak na usal ko.
Hindi pwede! Maliit pa ang ipon ko at lalo na hindi ko alam kung nasaan ang tatay nitong pinagbubuntis ko.
"Bakit kasi pumatol ka, Dhiana?!" humahagulgol na iyak ko. Habang sinasabunutan ang sariling buhok ko.
Naalala ko kung paano ako napunta dito! Kung bakit ako nandito?! Paniguradong sisisihin ako ni Nanay!
Kahit pa gaano na kalaki ang napadala ko sa kanila ay sasabihin pa din na hindi ako nakatulong.
Kahit pa dugo at kaluluwa ko na ang naibenta ko ay sasabihin pa din nito na kulang pa ang nagawa ko!
Napapikit na lang ako at inalala kung paano ako humantong sa ganitong sitwasyon…
ISANG buntong hininga ang napakawalan ko nang imulat ko ang mata ko.
Isa na naman araw ng pagbabanat ng buto ang dapat kong gawin para makabili ng mga gamot ni Tatay at Divine.
"Magandang umaga ho, Nanay Linda! Si Didi?" rinig kong usal ng kaibigan kong panigurado ay may raket na naman na ibibigay.
"Ay baka tulog pa iyon, Regina. Gabi na kasi nakauwi galing sa sideline niya ata diyan sa restobar ni Nato," rinig kong tugon ni Nanay dito.
Habang nag uusap naman sila ay kumilos na ako at nag ayos ng sarili ko.
Matapos kong mag ayos ay lumabas na ako dahil mukhang tama ang hinala ko.
"Ay eto na pala si Didi e!"
Tumuro pa ito sa akin bago naglakad para salubungin ako.
"Ano na namang problema mo?" kunot noo'ng tanong ko dito.
"Problema ka diyan! Gaga! May raket ako! Sama ka? Catering! Kailangan iyon ngayon doon kasi may malaking event! Ano sama–"
"Oo naman! Tinatanong pa ba iyan?!" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad na sumagot.
Aba! Lahat ng pwedeng pasukin ay papasukin ko para lang makapag ipon ng pera pampaopera ng kapatid ko at pambili din ng gamot ni Tatay.
"Oh sige! Tara na at pupunta tayo doon para maipakilala kita," saad nito kaya naman mabilis akong tumalima at pumasok ng bahay. "Wag ka na maligo! Maganda ka pa din naman at mabango," rinig kong sigaw pa nito.
Ganon naman talaga ang gagawin ko! Mamaya na lang ako maliligo dahil alam kong saglit lang kami doon.
"BOSS! Nasaan si Madam Grasya?" tanong ni Regina nang makarating kami sa opisina ng catering service.
"Nandoon sa opisina niya, pasok ka na lang doon," saad ng lalaking bantay sa labas.
Tumango lang si Regina dito at muli akong inakay papunta sa loob.
Dire-diretso kaming nagpunta doon sa sinasabi niyang Madam Grasya.
"Madam! Ay kasama akong kaibigan, pwede kami sa gatering na sinasabi mo!" masiglang usal ng kaibigan ko dito.
Hindi naman ako nag sasalita at pinapakinggan lang ang pinag uusapan nilang dalawa.
"Nag titimpla ka ng alak?" tanong pa nito sa akin na siyang mabilisna tinanguan ko.
"Yes po! Vocational graduate po ako at may lisensya," buong pagmamalaki ko.
Tumango-tango ito sa akin..
"Sige, maasahan ka pala sa mga alak. Pasok na kayo!" saad niya kaya naman napatijgin ako kay Regina na nakatingin din sa akin at kumindat.
Ipinaliwanag lang nito kung saan ang una naming raket at mabuti na lang at bukas agad. May maitatabi ako at may maipambibili ng gamot ni Tatay.
"OH! Bukas na lang tayo magkita, puting polo shirt at hairnet na lang ang kailangan natin dahil may pants naman tayo na itim," saad ni Regina sa akin habang naglalakad na kami sa lugar namin.
"Oo! Meron din naman ako ng mga iyon dahil iyon ang ginagamit sa resto ni Mang Nato!" saad ko dito.
"Ayon! Sige na! Dito na ako at may raket din ako dito kila Aling Maria! Papalinis ng kuko!" saad niya.
"Sige, bukas na lang. Daanan mo ako sa bahay," saad ko dito na tinanguan niya lang.
Ako naman ay dumiretso na sa bahay.
Pagdating ko doon ay nakita ko si Nanay na sinusubuan na si Tatay ng pagkain.
"Oh! Nandiyan ka na pala, kumusta?" tanong agad nito sa akin.
"Ayos naman po, natanggap po kaming dalawa. Dagdag extra din po iyon," saad ko at nagmano dito. "Si Divine ho ba kumain na?" tanong ko.
"Oo, tapos ko na pakainin iyang mga kapatid mo, ikaw? Kumain ka naman na 'di ba?" usal nito.
Agad kong naisip na mukhang wala na kaming pagkain na natira para sa akin kaya naman kahit kumakalam ang sikmura ko ay ngumiti ako kay Nanay.
"Opo, tapos na. Kayo ho?" tanong ko dito.
Tumango lang naman din ito at muling ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain kay Tatay.
Pumasok na lang ako sa kwarto naming magkakapatid at kumuha ng kendi sa bag ko ay isinubo iyon.
Makakaahon din kami sa hirap! Makakakain din kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw! Gagaling din sina Tatay at Divine.
Kailangan kong pagkakitaan ang napag aralan ko sa vocational.
Mag apply kaya ako sa ibang bansa para makapagtrabaho doon at makapag ipon! Tama! Hahanap ako ng pwedeng maging backer!
"DHIA! Isang margarita at isang daiquiri!" sigaw sa akin ng kasama kong waiter na agad ko namang sinunod.
Agad akong nag mix ng alak sa harap ng ibang customer na aliw na aliw ginagawa ko.
Matagal ko na itong ginagawa… simula nang makapagtapos ako ng vocational sa isang libreng government programs bilang isang bartender ay ginawa ko na ito.
Hindo naman talaga ito ang pangarap ko… mangarap ko talagang magdoctor para mas maalagaan ko ang sakit nila Tatay pero dahil hirap kami at magastos ang kursong iyon ay hindi ko na ipinagpatuloy.
Pagkatapos ko ng high school ay namasukan ako bilang bantay sa palengke para makatulong kay Nanay dahil si Tatay ay hindi na nakakapagtrabaho simula ng mastroke ito kaya kahit nasa murang edad ako ay nakapagbanat na ako ng buto.
Panganay ako kaya ako ang inaasahan ni Nanay na tutulong sa kan'ya.
Nang tumuntong ako sa tamang edad ay sinubukan kong pumasok sa mga fast food chain ngunit hindi ako natatanggap dahil ang gusto ng mga ito ay college graduate o mga nakatundong manlang ng kolehiyo.
Kaya naman nang magkaroon ng program ang gobyerno dito sa lugar namin ay agad akong kumuha ng alam kong mapagkakakitaan ko.
Nang matapos ako doon ay dito na ako dumeretso sa resto bar ni Mang Nato dahil bukod sa sikat ito dito sa amin ay para na rin mabayaran ang utang namin noong nahospital si Tatay, samahan pa ng madiagnosed ang isa sa mga kapatid ko ng Kidney Failure at kailangan niyang madialysis every month.
Kaya nagkapatong patong ang utang namin.
Wala akong kinikita dito kun'di dahil nga pambayad lang iyon ng utang namin dito kaya napipilitan akong rumaket para may maipon. Minsan sa tip lang din ako umaasa.
Kapag maraming tao, malaki ang tip. Lalo na kung pakikitaan mo sila ng gilas.
Natapos ang shift ko at katulad ng inaasahan ko ay may uwi akong tatlong libo galing lang sa mga tip.
Alas dos na ako ng madaling araw nakauwi… kailangan ko pang labhan ang damit na suot ko din dahil gagamitin ko naman mamaya para sa raket namin ni Regina.
Alas tres na nang makahiga ako at makatulog agad.
Pag gising ko bukas, ibang pagsubok naman… ibang raket naman ang kakaharapin ko para sa pamilya ko…
Bahala na basta makapag ipon para sa pagpapagamot nila Tatay.
-------------