Chapter 5

1811 Words
DHIANA "DHIA! Dahil makulit ka at ayaw mong magpapigil. I'll assign you to Vicente Cousins! Basta sinasabi ko sa iyo! Be polite and professional! Ayusin mo ang trabaho mo dahil mas doon sila hahanga sa iyo! Act natural!" Nakangiti akong tumango kay ma'am Gudeth sa mga paalala bito sa akin. Ilang buwan na din ang lumipas at matagal na akong nag practice para payagan ako maging waitress ng magpipinsan ngunit ayaw ni ma'am dahil kailangan ko pa daw ng ibang practice para doon. Napupunta naman ako sa ibang VIPat nakakatanggap din ng malaking tip pero iba ang tip ng Vicente Cousins. Ang laki ng difference. At katulad ng naunang buwan ko ay halos lahat ng sahod ko ay pinapadala ko kila nanay dahil mas dumalas daw ang pag ihi ng dugo ni Divine. May matitira man sa akin ay kakarampot na lang at sakto lang para sa isang buwan. Malaki na lang ang pasasalamat ko dahil hinayaan ako ni Ma'am Gudeth na doon muna tumuloy sa kan'ya lalo na nang marinig nito ang tungkol sa kapatid at tatay ko. Pero kahit papaano ay tumutulong ako sa kan'ya lalo na sa pagkain namin at ibang needs sa bahay. Libre naman ang pagkain ko dito sa bar kapag gabi kaya wala akong problema. "Let's go! I will introduce you to Lester Vicente. He's the eldest among those cousins and he's in charge of picking waitress," saad nito sa akin sabay talikod at naglakad. Malapad naman ang ngiti kong sumunod sa kan'ya. Hindi ko lang mapigilang mapangiti lalo ba at naiisip ko pa lang na sa isang bagsakan ay makukuha ko na ang pang dialysis ni Divine! Paglabas namin sa crew room ay bumungad sa akin si Beiley na kunot ang noo. Noong nakaraan niya pa ako tinatanong kung bakit gusto ko mapunta at maging waitress ng mga Vicente. Sinabi ko naman sa kan'ya ang totoo at akala ko maiintindihan niya iyon pero agad siyang pumigil. Sabi niya pahihiramin na lang daw niya ako ng pera kesa pagurin ko ang sarili ko sa mga iyon. Gusto ko sana dahil tinuturing ko na din naman siyang matalik na kaibigan pero ayoko dahil utang na naman?! Tinatakasan ko na nga ang ganoong salita dahil hanggang nagbabayad pa din ako ng utang kay Mang Nato. At'ska mas magandang galing sa puso at pawis ko ang maipapadala ko sa kanila. "Mr. Lester Vicente," Nalipat ang tingin ko sa harap ni Ma'am Gudeth nang marinig ko ang binati nito. "Gudeth, I hope you find me a good waitress tonight. It's been 1 month since the last time we got here," malalim ang boses na usal nito. Hindi ko pa man siya lubusang nakikita pero boses pa lang gwapo na. Pero oo nga ano?! 1 month din silang wala dito at hindi ko naririnig. "Of course! You know me, I always got you back in finding a good waitress," buong pagmamalaki ni ma'am. Masaya ako na kinakabahan pero naeexcite din ako at para sa pamilya ko! Gagawin ko ito! Napaayos ako ng tayo at agad na ngumiti nang mapunta sa akin ang tingin ni ma'am. Sinenyasan ako nito na lumapit sa kan'ya na mabilis ko namang sinunod at doon ko nakita ang kausap niya na nag ngangalang Lester Vicente! Shuta! Ang gwapo! Yung abong mata niya at yung awra na seryoso pero alam mong mabait! Nasa kan'ya! Bakit?! Bakit ang gwapo?! Sabi ko hindi ako lalandi pero putik! Kung ito naman ang lalandi sa akin pwede na! Napaayos ako ng tayo nang makaramdam ako ng kurot galing sa manager namin. "Good evening, sir…" mahinahon na saad ko at bahagyang yumuko. Nag angat din naman ako ng ulo at nakita ko itong tinignan ako mula ulo hanggang paa bago ngumiti. Ang gwapo niya talaga?! Paano nakakaya ng mga waitress na tumagal sa kanila? "Good evening too. Your name?" nakangiting tanong nito. "Diana, sir," mabilis kong sagot. Isa iyon sa sinabi ng mga kasama kong waitress at waiter dito. Kapag nasa VIP ka, hangga't maaari ay wag na wag babanggitin ang tunay na pangalan sa mga ito. Hindi naman nila sinabi kung bakit pero sumunod na lang ako dahil iyon ang training sa akin. Tumango ito at tumingin sa manager ko. "I really can rely on you. Thank you, Deth," saad niya sabay harap ulit sa akin. "Follow me, Diana," saad niya. Mabilis ko naman iyong sinunod at pagkatapos kong magpaalam sa manager ko. Halata sa lakad ni Sir Lester na sanay na sanay na siya dito. Bukod doon, parang nandoon na ang iba niyang pinsan sa usual nilang pwesto. Hindi naman ako nagkamali dahil meron na ngang mga kalalakihan doon at mukhang sila nga ang Vicente cousins! Pare-pareho ang kanilang mga mata na kulay abo. Pati ilong nila pare-pareho! Matatangos, bukod doon! Mababango sila! Pero sa totoo lang, mas crush ko si Sir Lester, siguro dahil matured! Muli kong kinompose ang sarili ko nang lingunin ako ni Sir Lester. Baka sabihin pa niya pinagpapantasyahan ko sila. Palitan pa ako ng iba, sayang ang tip na malaki. Minsa iniisip ko, mukhang pera na talaga ako! Pero kailangan ko iyon para sa pamilya ko at pangarap ko. "Kean is still not here?" tanong ni Sir Lester sa tatlo niyang kasama doon. Nakatayo lang ako sa gilid ng upuan niya at nag aantay ng ipag uutos niya. "Still not here! He's actually in a bad mood earlier when I went to his office," sagot ng isa na may katabing babae na halos kita na ang dibdib. Hindi ko alam na may ganito pala dito, sa mga napupunatahan ko kasi—kung hindi puro babae, mga business casuals. Kaya siguro kailangan ng more practice dahil makakakita ka ng ganito dito. "Oh! But he will come here, right?" tanong ulit ni Sir Lester na tinanguan lang ng lalaki bago nakipaghalikan doon sa kasama niyang babae. Marahan naman akong umiwad dahil doon. Ang hindi ko gaanong birhen na mata ay muling nakakita ng hindi kanais-nais. "Diana," Agad napalingon ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Sir Lester. "Sir?" tugon ko at tinuon na ang atensyon sa kan'ya. "We're not yet complete but I'll order the usual drink we have. I guess the bartender knows it very well. Hard but smooth, 5 drinks," saad nito na mabilis ko namang tinanguan. "I'll take care of it, sir. I'll get back here once it's done," nakangiting turan ko sa kan'ya. Ngumiti lang din naman ito bago muling humarap sa mga pinsan niya. Mabilis akong naglakad papunta sa bar counter kung saan nandoon si Beiley at ang isa pa nitong kasama. "Beiley! Vicente's usual drink. Hard but smooth," nakangiti kong usal sa kan'ya. Hindi naman ito sumagot at ginawa ang sinabi ko. Hindi ko alam kung anong mix noon dahil siya talaga ang magtitimpla no'n bukod doon. Hindi ko schedule magtimpla ng alak ngayon kaya hindi ako pwede pumasok sa bar counter. Masugid ko siyang tinignan sa ginagawa niya habang nakanguso. Hindi pa din kasi ako nito kinakausap, galit pa ata. Minuto lang ang lumipas ay isa-isa na nitong nilagyan ang mga baso na inihanda niya din para sa order ko tapos nilagay sa tray. "Still mad at me. I really need this, I hope you understand…" saad ko at muling tumalikod para bumalik sa pwesto ng Vicente. Pagbalik ko doon ay mukhang kumpleto na sila at may mga kan'ya-kan'ya na silang babaeng katabi, maliban doon sa isa na nakakatakot. Yung nakikipaghalikan kanina ay dalawa pa ang katabi habang hinihimas ang kan'yang dibdib. Isa-isa kong inilapag ang mga inumin nila at muling tumingin kay Sir Lester. "Anything else, sir?" nakangiti kong tanong sa kan'ya. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti… ang gwapo talaga! "Nothing, we're good for now. We just call you if we need anything. Thank you, Diana," saad nito sa akin bago muling tumingin sa katabi niyang babae. Bigla naman akong nailang dahil parang may nakatitig sa akin kaya inilipat ko ang tingin ko doon sa bagong dating at hindi nga ako nagkamali! Nakatingin siya sa akin habang may ngisi sa mga labi. Yung katabi niya todo himas sa dibdib niya. Nakakaloko lang na, hindi ko nagawang iiwas ang tingin ko sa mga abo nitong mata. Halos kilabutan naman ako nang halikan siya ng katabi niya pero sa akin pa din siya nakatingin. Pinilit ko na lang na ialis ang sarili ko doon dahil hindi ko ata kayang manood ng live show nila tapos sa akin pa nakatingin! Lumapit akong muli sa counter bar at pinanood sila Beiley magtimpla ng alak. Nakita kong tumingin sa akin si Beiley saglit bago tinuloy ang ginagawa niya. Matapos noon ay marahan siyang lumapit sa akin at naglapag ng isang glass ng tequila pero tinanggihan ko dahil may gagawin pa ako. "Are you mad at me?" tanong niya pero umiling lang ako. "I still have a job to do so I can't drink!" malakas na saad ko sa kan'ya, tumamgo naman ito at siya na ang uminom. Nag-usap lang kami doon ng casual at parang walang nangyari. Panaka-naka din akong tumitingin sa table nila Sir Lester dahil baka bigla akong tawagin na hindi naman ako nagkamali. Mabilis akong nagpaalam saglit kay Beiley at mabilis na pinuntahan ang customer ko. "Sir?" usal ko at bahagyang lumapit sa kan'ya para marinig ko ang sasabihin niya. Bahagya akong nakiliti nang maramdaman ko ang hininga nito sa akin tenga. "Bring us 2 glass bottle of whisky," saad niya, mabilis naman akong tumango. Kinindatan ako nito at bumalik sa kausap na babae. Sinunod ko ang sinabi nito at nagdala nga ako ng whisky doon pati na yelo para sa kanila. "Anything else, sir?" tanong ko ulit. Akala ko ay sasabihin nito na wala na pero nagulat ako ng tumuro siya sa pinsan niya na nakatingin sa akin kanina na hanggang ngayon. "He wants something. Go ask him!" saad nito. Alangan man ay dahan-dahan akong lumapit doon at katulad ng ginawa ko kay Sir Lester, yumukod ako at ramdam na ramdam ko din ang hinga niya. Gusto ko naman maglupasay sa lapag nang maramdaman ko ang labi nito sa tenga ko. Lumupasay sa inis at hindi sa kilig! "I'm okay now. That's what I want, Diana… I still want more but I'll do that later," bulong nito matapos ang halik na ginawa niya sa tenga ko. Gigil na gigil man ako ay humarap ako dito at binigyan siya ng ngiti. "Magpasalamat ka po at kailangan ko ng pera, kung hindi ginombag na kita!" saad ko sa wikang tagalog. Alam ko namang hindi niya maiintindihan iyon dahil amerikano sila kaya kampante ako mag salita ng tagalog. "What did you say? Speak in english, Diana," saad niya habang may mapaglaro pa ding ngiti. Muli akong ngumiti sa kan'ya at umayos ng tayo. "I said, just call me if you still have anything you want," saad ko at tumalikod at naglalakad papunta sa bar counter. Bwisit iyon! Napakabastos! ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD