HABANG nasa byahe ay hindi maiwasang isipin ni Soffie ang tungkol sa pagpapakilala ni Nick sa kaniya bilang girlfriend nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis, lalo na nang sabihin nitong nakatira siya sa bahay ng lalaki. Totoo naman iyon at hindi niya maitatanggi, subalit ano na lamang ang iisipin ng ginoo sa kaniya? Isa pa ay si Nick naman ang dahilan kung bakit ngayon ay nakatira siya sa bahay nito. Malalim siyang napabuntong hininga dahil sa kung ano-anong iniisip. Napansin iyon ni Nick. “Why?” Nakatuon ang paningin nito sa kalsada ngunit nahahagip pa rin siya ng peripheral vision nito. “What’s with that sigh? Is that about the thing I introduce you as my girlfriend?” Tila nabasa nito ang nasa kaniyang isip. Pinamulahan siya ng pisngi at nakagat ang ibabang labi.