MAGKASABAY silang bumaba sa sasakyan. Hindi na hinintay pa ni Soffie na pagbuksan siya nito dahil sigurado namang malabong mangyari iyon. Siguradong may sakit lamang ito kagabi kaya pinagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan. Sumunod siya rito papasok sa isang malaking gusali, kung saan nakasulat sa labas ang malalaki ring letra ng S A R T E. Kaagad na binati si Nick ng mga empleyadong nadaraanan nito, samantalang nakasunod lamang siya sa likuran nito. Pumasok si Nick sa isang silid at sumunod siya rito. Sa kaniyang palagay ay ito na ang opisina ng lalaki. Masiyado itong malaki para sa isang tao. Mayroong dalawang mahabang upuan sa gitna at isang itim na babasaging lamesa. Sa dulo naman nito ay ang isang mamahaling study table. Inilibot niya ang mga mata sa paligid, napaka-classy ng silid a