HABANG nakatuon sa labas ang tingin ni Soffie ay nakita niya ang isang gotohan sa gilid, pagkalabas nila ng tulay. Bigla siyang natakam kumain nito, lalo na at paborita niya iyon, lalo na ng kaniyang ama. Sabay pa nga silang kumakain noon, pagkatapos magtrabaho ng ama sa construction site. “Sandali, Nick. May nakita na ‘ko!” Malapad siyang ngumiti at humarap sa lalaki. “Ihinto mo sa gilid.” Nagtataka man si Nick kung bakit ay inihinto pa rij nito ang sasakyan sa gilid. Tila batang bumaba si Soffie sa sasakyan at nagpatiunang magtungo sa gotohan. Mayroong dalawang lamesa roon at tanaw pa rin ang tubig dagat na makikita sa ilalim na tulay kanina. Hindi niya namalayang sumunod si Nick sa kaniyang likuran. Balak niya sanang tawagin ito kaya agad siyang humarap ngunit bumungga siya sa malap