BINALOT ng pait ang dibdib ni Soffie matapos marinig ang sinabi ni Ellise. “M-magkasama kayo kahapon?” tanong niya na inulit lamang ang sinabi nito dahil tila siya nabingi. Bigla ang pagsama ng kaniyang loob. Maganda si Ellise, maputi, matangkad at mayroong magandang pangangatawan. Sa kinis ng balat nito at magandang pisikal na kaanyuan ay hindi niya maiwasahang hindi makaramdam ng insecurities. Tumango si Ellise. “Yes. In fact we went out for a dinner—oh, don’t get me wrong ah. It’s for business. Let’s go?” Mapait siyang ngumiti at tumango. Nagsimula silang maglakad papunta sa isang coffee shop. Mabigat ang mga hakbang ni Soffie at masama talaga ang kaniyang loob. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang bigat ng dibdib. “I called him last time for business purposes pero nasa bakas