NAGULAT si Soffie nang pagbuksan siya ng pintuan ni Nick pagkatapos itong maunang bumaba sa sasakyan. Kararating lamang nila sa hotel ng naturang venue at hindi niya inaasahang pagbubuksan siya nito ng pintuan dahil simula makilala niya ito ay hindi naman iyon ginawa ng lalaki. Masiyado itong malamig makisama at tila walang pakialam sa ibang bagay bukod sa bagay na makikinabang ito. Subalit ganoon pa man kaagad iyong inalis ni Soffie sa isip. Bumaba siya ng sasakyan at inilibot ang kaniyang mga mata sa napakagandang paligid. Madilim na, subalit napakaliwanag ng napakalaking gusali mula sa labas dahil sa mga pailaw nito. Napangiti siya. Mula pa lamang sa labas ay maamuha mo nang mamahalin ang naturang hotel. Though, Soffie had worked in a fancy hotel before as a crew, she could not stop h