IRITABLE si Nick nang bumalik sa loob ng sasakyan. Nakaalis na ang mga truck maging ang ilan sa kaniyang tauhan. Naiwan silang dalawa ni Luke sa loob ng kaniyang sasakyan. Kanina niya pa iniisip kung sino ang maaring caller na iyon. It could not be a prank call, it was meant to be true and the person was determined. “She’ll die next,” wika niyang inulit ang sinabing salita ng tumawag na lalaki kanina lamang. Nanatili siyang nakaharap sa kalsada at ganoon din si Luke na nakaupo sa shotgun seat. Nagpalit sila ng puwesto ngayong gabi. “I have left no one can be consider ‘she’ in my life but Soffie. There's no doubt it was her. Gusto rin siyang kunin ng gunman noong nasa burol tayo ni Henderson. I can’t figure out what’s happening.” Tumango si Luke. Hindi na nila nahanap pa ang lugar ng call