Paid 17

1015 Words

PAGGISING ni Soffie ay kaagad siyang naligo. Sinuot ang mga damit na binili sa kaniya ng lalaki. Hindi man niya nais na suotin ang mga mamahaling damit na iyon ay wala naman siyang magagawa. Hindi niya naman nais na ulit-uliting isuot ang nag-iisang pares ng kaniyang damit panlabas at panloob. Nilinis niya ang kaniyang silid bago tuluyang bumaba sa sala. Si Nick kaagad hinanap ng kaniyang mga mata. Ngunit hanggang sa makarating siya sa kusina ay hindi niya ito nakita. “Magandang umaga, Ms. Soffie,” bati ng kasambahay na si Susan. Naghahain na ito ng pagkain sa lamesa katulong ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Inday at Rosie. Ngayon niya lamang napansin na halos lahat ng kasambahay ni Nick ay may edad na. Tumunog ang door bell ng bahay at si Inday ang lumabas upang tignan ang kung si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD