SUMUNOD si Soffie sa lalaking nakilala niya sa pangalang Luke. Hindi nito binitawan ang kaniyang palad hanggang sa marating nila ang isang bukas na silid. Hindi niya magawang mailang sa lalaki dahil ramdam niyang may mabuti itong kalooban. Nanatiling malalim ang kaniyang isip. Ni minsan sa kaniyang buhay ay hindi niya naisip na hahantong sa ganitong punto ang kaniyang ina, kung saan nagawa siyang ibenta sa lalaking kahit na kailan ay hindi niya nakilala. Nakausap niya lamang ito saglit at halos pagsisihan niya iyon. Hindi niya halos gusto itong tignan sa mga mata dahil sa tila kakainin siya nito ng buhay. Madilim ang awra nito at bahid sa mukha ang lupit. She could not explain it, but there was something in him that frightening her. Nagising siya mula sa malalim nap ag-iisip nang maramdaman niya ang pagbitaw ni Luke sa kaniyang palad.
“Pumasok ka na sa loob, Ms. Soffie. Ito ang magiging silid mo.”
Lumukot ang kaniyang mukha at humakbang patungo sa bukas na pintuan. Ang nakasimangot na mukha ay napalitan ng pagkagulat at pagkamangha. “M-magiging silid ko?” takhang tanong niya at tumingin kay Luke. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, dahil napakalaki ng silid at napakaganda. Hindi ito ang inaasahan niyang silid na tutuluyan, ang akala niya ay sa isang maliit na silid lamang siya patutuluyin at inaasahan niya rin na aalipinin siya ng nakakatakot na lalaking iyon dahil sa malaking halaga na tinanggap ng ina. It’s all what she expected but the first one was completely opposite of what she thought.
Tumango si Luke.
Lalo tuloy hindi siya makapaniwala. Naglakad siya papasok sa silid at hinawakan ang pintuan. Kinurot niya rin ang pisngi dahil sa pag-aakalang nananaginip siya ngunit nang masaktan ay saka lamang naunawaan ang lahat. Totoo ang nakikitang silid, halos puti ang kulay ng mga kagamitan sa loob. Hindi siya makapaniwala. Tila isang prinsesa ang titira sa ganito kalaking silid at kahit na sa panaginip man lang ay hindi niya naisip na maari siyang magkaroon ng ganitong silid. Naglakad pa siya papasok at pinagmasdan ang malaking kama. The room was absolutely neat and beautiful.
“Mauna na ako,” wika ni Luke, “magpahinga ka, Ms. Soffie.” Ngumiti ito at hinawakan ang saradora ng pinto. Hindi na siya nakatanggi pa nang isara nito nang tuluyan ang pintuan. Malalim siyang bumuntong hininga at napatangin sa isang malaking salamin na nasa pader. Lumapit siya roon at pinagmasdan ang sarili. Namumugto at namumula ang gilid ng kaniyang mga mata. Namasa ang kaniyang pisngi dahil sa ginawang pagsampal sa kaniya ng kaniyang ina. Hindi maipaliwanag ang kaniyang hitsura, tila siya pinagsakluban ng langit at lupa. Nalungkot siya at naupo sa malamig na sahig. Sa tuwing maalala niya ang nangyari ay sumasama ang kaniyang loob. Paano nasikmura ng ina ang ginawang pagbebenta sa kaniya? Saan siya nagkulang dito? Buong buhay niyang inalay sa kaniyang pamilya ang buong pagkatao, nagtrabaho siya nang maaga upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito ngunit hindi pa pala iyon sapat. Minahal niya ang ina sa kabila ng mga pananakit nito sa kaniya noon pa man. Bata man siya ay ramdam niya nang hindi siya nito minahal ngunit kahit ganoon ay mahal na mahal niya ito. Walang katumbas ang pagmamahal niya rito at kahit na sa nagawa ngayon ay hindi niya magawang magalit dito. Lumamang pa rin ang malawak niyang pang-unawa sa mahirap nilang pamumuhay kaya ito nagawa ng ina at ang pagmamahal niya rito. Muling pumatak ang kaniyang mga luha. Mahigpit niyang niyakap ang mga paa at itinungo ang noo sa kaniyang tuhod, doon niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Aanhin niya ang malaking silid na ito kung wala ang kaniyang pamilya? Kung sa bawat oras na daraan ay maalala niya ang ginawa ng ina?
…
NAUPO si Nick sa sofa at nagsindi ng sigarilyo. Sinimulan niya itong hithitin. Ngayon ay sinisimulan niya nang planuhin ang mga susunod na hakbang na gagawin sa dalagang hawak. Kailangan niyang mapalabas si Paolo Henderson sa kung saan mang lungga nito ito nagtatago. What he did to him was serious. Sa loob ng limang araw ay kailangan nang mabalik sa kaniyang mga kamay ang flash drive na kinuha nito. Sa oras na makita niya ito ay siguradong gigilitan niya ito ng leeg gamit ang kaniyang mga kamay. Hindi niya akalaing ang dating kaibigan pa ang sasabotahe sa kaniyang kasalukuyang ilegal na transacksyon kasama ang ilan pang naglalakihang mayayaman tao sa Pilipinas. Kinuha niya ang maliit na kampana na nasa ibabaw ng center table. Pinatunog ito. Kaagad naman na lumapit ang isang kasambahay. “Dalhan n’yo ng pagkain ang babaeng pinatuloy ni Luke sa guest room. And tell Luke to get here,” utos niya rito na kaagad namang sinunod ng kasambahay.
Maya-maya lamang ay nagpunta si Luke sa kaniya. Galing ito sa labas at nagpahangin. Hindi kasi nito makalimutan ang nakaaawang kalagayan ng babae. Kahit sino naman kung ibinenta ng magulang ay talagang nakaaawa.
“Sir, ipinatawag n’yo raw po ako.”
Tumango siya at itinapon sa ashtray ang upos ng sigarilyong nakaipit sa kaniyang mga daliri. “Maupo ka.”
Kaagad na tumalima ang tauhan at naupo sa single couch na nasa kaniyang harapan.
“Gusto kong simulan n’yo nang ikalat at ipadala sa lahat ng taong maaring may koneksyon kay Henderson ang tungkol sa babaeng hawak natin ngayon. I want him to show up within this week. But it would be better if within twenty-four hours he will appear to get her from us.” Malalim siyang bumuntong hininga at idiniin ang dulo ng sigarilyo sa ashtray upang patayin ang sindi nito.
“Masusunod po.” Tumayo ang lalaki at tangkang aalis nan ang may maalala. “Mr. Alvarez, puwede ho ba akong magtanong?”
Nagkibit balikat siya at tumingin dito.
“Bakit himbis na ipadukot natin siya ay pumayag kayo sa suhesyon kong bayaran ang kaniyang ina upang sapilitang dalhin siya rito sa mansion?” Lumunok si Luke ng sariling laway. Nilakasan na nito ang loob sa nasabing tanong. “Hindi naman ho sa nangingialam ako—”
“I don’t touch innocent. Si Henderson ang may utang sa ‘kin, siya ang kailangang magbayad sa ‘kin,” seryoso niyang tugon. Tumayo at naunang lisanin ang sala kung saan sila nag-usap.