Paid 8

1094 Words
ILANG SEGUNDONG naupo si Soffie sa sahig at doon nagmukmok. Maya-maya lamang ay naramdaman niya ang pagkulo ng tiyan. Hindi pa nga pala siya nagtatanghalian simula nang umalis sa bahay ng kaibigan. Ngayon niya lamang naalala ang pagkain nang maramdaman ang pagkulo ng tiyan. Tumayo siya at nagtungo sa pintuan. Napahinto siya sa tapat nito. Nagdadalawang isip kung saan at paano siya makakukuha ng pagkain. Pinihit niya ang seradora upang buksan ang pintuan, ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang hindi niya ito mabuksan dahil tila naka-lock ito mula sa labas. “S-sandali! Tulong!” Nagpanik siya at sinimulang katukin ang makapal na pintuan. “Tulong! Palabasin n’yo ‘ko dito!” Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkatok ngunit tila walang nakaririnig. Hinampas niya ang pader at pwersahang binuksan ang pintuan subalit hindi sapat ang kaniyang lakas. Mula sa labas naman ay narinig ni Luke ang kaniyang ginagawa. May bitbit na itong isang tray ng pagkain at inumin. Malalim itong bumuntong hininga at humingi ng tulong sa isang kasambahay na nakasalubong upang buksan ang padlock na nakasabit sa pintuan ng silid kung nasaan siya. “Calm down, Ms. Soffie,” mahinahong wika ng lalaki. Bumukas ang pintuan at nakahinga nang maluwag si Soffie. Pinagmasdan niya si Luke na pumasok sa loob ng silid at marahang inilapag sa lamesa ang dalang tray ng pagkain at inumin para sa kaniya. “Nagdala ako ng pagkain para sa ‘yo,” nakangiting wika nito at naupo sa sa nag-iisang couch sa loob ng kaniyang silid. “Kumain ka na.” Hindi na siya tumanggi pa dahil nagugutom na. Hindi niya naman nais na mamatay. Marami pa siyang plano sa buhay. Kailangan pa niyang balikan ang dalawa niyang kapatid at pag-aralin ang mga ito. Naglakad siya papalapit kay Luke at naupo sa sahig. Sinimulan niyang galawin ang mga pagkaing ito at sunod-sunod na kumain. Wala na siyang pakialam kung may lason man iyon o wala, dahil talagang nagugutom na siya. “S-salamat,” wika niya nang hindi tumitingin sa lalaki. Ipinagpatuloy niya ang pagkain habang seryoso itong pinagmamasdan siya. Luke was amazed of how Soffie handled everything. Namaga man ang mga mata niya sa kakaiyak ay nagagawa niya pa ring magpatuloy. Pagkatapos itong abandunahin ng sariling ina, ipagtabuyan sa kanilang bahay at ipagbili. She still had the guts to stand and continue her life. Dahil kung ibang babae siguro iyon ay hindi na magagawa pang bumawi ng kain sa ganitong pagkakataon. Tumango si Luke at ngumiti. “Gusto mo ba ng yelo?” tanong nito. Nag-angat siya ng tingin at kumunot ang noo. Nakita niyang pinagmamasdan ng lalaki ang kaniyang pisngi na bahagya pang namamaga at ang kaniyang labi na punutok dahil sa malakas na pagkakasampal ng ina. Tumango na lamang siya. Tumayo si Luke at lumabas ng silid upang kumuha ng yelong ilalapat sa kaniyang pisngi. Malalim siyang napabuntong hininga at ipinagpatuloy ang pagkain. ... KAPAPANIK lamang ni Nick sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay nang madaanan niya ang silid kung saan dinala ang babae. Bukas ang pintuan kaya naman hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nakuha nito ang kaniyang interest. Nag-isa itong kumakain sa loob habang malalim ang iniisip. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maawa rito o hindi. Sa iisiping konektado ito kay Henderson ay nag-iinit ang kaniyang ulo, lalo pa at hanggang ngayon ay nakahinto ang kaniyang transakyon. Gagawin niya ang lahat upang mabawi ang kaniyang pag-aari at pakakawalan niya lamang ang babaeng ito sa oras na nasa kaniya na ang flash drive. Hahayaan niya itong umalis, maging ang perang ibinigay sa ina nito na pawang napakaliit na halaga lamang sa kaniya. Bariya lamang ito kay Nick kaya naman kaagad itong pumayag sa suhesyon ni Luke. Ang totoo ay maari naman niya itong ipadukot at pagkatapos ay ipapatay kapag maayos na ang lahat, ngunit hindi niya ginawa dahil gaya ng sagot niya sa tauhan ay hindi niya idinadamay ang kahit na sinong inosenteng tao pagdating sa ilegal na negosyo. Nick is a big boss in an underground organization called Black Knight, he bid, he kill, he transact. He can do everything he wanted, but he still had his principle, he does not want to hurt innocent people. Ang isa si Soffie sa maswerte tao na iyon hanggat napapatunayan nitong inosente ito at hindi isa sa mga taong nagtatago kay Henderson at tumutulong. “Sir.” Ang pagtawag ni Luke sa kaniya ang nakapaputol sa kaniya sa malalim na pag-iisip. Hinarap niya ito. May hawak na itong cold compress. “What's that?” Alam niya naman kung para saan ito ngunit nagawa pang itanong. “Never mind,” dugtong niya at humakbang paatras upang bigyang daan ang tauhan. Pumasok ito sa pintuan at iniabot sa babae ang dala-dala. Tumingin sa kaniyang gawi si Soffie at hindi niya iyon inaasahan. Nagtama ang kanilang mga mata at tila may nais itong sabihin. Hindi niya ito kilala at wala siyang balak na kilalanin ito. Namamasa pa rin ng luha ang mga mata ng babae at nanatiling namumula ang namamagang pisngi. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at naglakad paalis. Nagtungo siya sa kaniyang kwarto at inabala ang sarili sa tapat ng screen ng computer. Malalim siyang bumuntong hininga sa hindi malamang dahilan. Hindi siya makapagpokus sa gawain dahil bigla na lamang namalagi sa kaniyang isip ang mga mata ni Soffie. There was something in her eyes he could not explain but caught his interest. Narinig niya ang dalawang beses na pagkatok sa kaniyang pintuan. Nasa batas niya sa sariling bahay ang dalawang ulit lamang ng pagkatok. Tumayo siya at pinagbuksan ang kung sino man sa pintuan. Isa sa kaniyang mga tauhan ang bumungad. Si Levi. “Mr. Alvarez, nakatanggap kami ng balita,” bungad nito sa kaniya nang may seryosong ekspresyon ng mukha. “What is it?” Tila may kakaiba rito. Iniabot ng tauhan ang isang dyaryo. Kinuha niya naman ito at binuklat. “Fvck!” mariin niyang mura nang mabasa ang nakaulat sa dyaryo. Nagtangis ang kaniyang mga bagang sa galit at hindi kaagad nakapagsalita. Nakasaad sa balita na natagpuang patay at nanlalamig na ang bangkas ni Paolo Henderson sa loob ng silid nito. “He was killed inside his room. Magulo rin ang buong condo unit na tinutuluyan nito at sinira ang lahat ng CCTV na maaring makatulong para sa pag-usad ng kaso nito.” Umiling siya at umigting ang kaniyang mga panga. Umuusok siya sa galit. “This can't be happen!” Itinapon niya sa sahig ang hawak na dyaryo at tinapakan. Naalala niya ang babaeng dinala sa bahay. Napatakbo siyang upang tunguhin ang silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD