MALAKAS na hinatak si Soffie ng ina palabas ng bahay. Hawak-hawak nito ang kaniyang buhok at itinulak siya sa labas. Hindi niya na napansin pa kung gaano karami ang taong naroroon at pinagtitinginan siya. Sakto namang dumating ang sasakyang minamaneho ni Luke at lulan ang amo nitong si Nick Alvarez. Kasunod nilang pumarada ang sasakyan ng ilan pang taugan ni Mr. Alvarez.
Bumaba si Luke at malalim na napabuntong hininga sa kasalukuyang nakikitang kalagayan niya. Hindi nito nais na makita ang babae sa ganoong kalagayan ngunit wala siyang magagawa. Tagasunod lamang siya.
“Ayan, kunin n’yo na siya!” sigaw ng ginang.
Tila nagising siya sa narinig na sinabi nito. Mabilis siyang tumayo mula sa kinalulugmukan na lupa at lumapit sa ina. Hinawakan niya ito sa braso. “Ma! Please! Ayoko po! Ayoko!”
Tinabig nito ang palad niyang nakahawak sa braso nito. “Hindi mo ba ‘ko naiintindihan, Soffie? Ibinenta na kita, at wala ka nang magagawa para mabago pa ang isip ko. Kailangan ko ng pera at hindi ikaw,” mahina lamang ang boses nito dahil hindi nais marinig ng mga tao ang ginawang pagbebenta sa anak.
“Bakit ninyo ako ibenta, Ma?! Hindi ko ‘yon maiintindihan!” Sunod-sunod ang luhang pumapatak sa mga mata ni Soffie habang kaharap ang ina. Hindi niya na alintana pa ang mga taong pinanonood at piangchichismisan sila. “Bakit, Ma?! Bakit! Hindi ko naman kayo pinabayaan, ‘di ba? Bakit?! Bakit ninyo ako ibinenta?!” Nanginginig ang buong katawan niya sa galit. Napakaraming katanungan ang gumugulo sa kaniyang isip, ngunit kahit na isa ay wala siyang sagot na makuha mula sa ina.
Tumalikod ito sa kaniya at pumasok sa loob ng bahay.
“Ma! Sandali lang!” sigaw niya at tangkang hahabulin ito nang maramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak ng kung sino sa kaniyang braso. Hinarap niya ito. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang lalaking kagabi ay kausap niya lamang, si Nick Alvarez. Samantala sumunod naman si Luke sa loob ng kanilang bahay upang ibigay ang nasabing pera sa kaniyang ina.
“Let's go,” malamig na wika nito at sinimulan siyang hatakin patungo sa gawi kung nasaan ang sasakyan.
“Hindi ako sasama sa ‘yo! Ayoko! Hindi, Mr. Alvarez! Hindi! Bitawan mo ‘ko please!” Nagpupumiglas siya subalit hindi iyon sapat. Sinenyasan ni Nick ang ilang tauhang nasa likuran upang hawakan siya sa magkabilang braso. Walang nagawa ang pagpupumiglas nang sapilitan siyang ipasok ng mga ito sa loob ng sasakyan. “No!! Bitawan n’yo ‘ko!! Ma! Tulong!!” Napahagulgol siya ng iyak. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari, ipinapanalangin niyang panaginip lamang ang lahat ng ito subalit bakit hindi siya nagigising?
Bahagsak siyang naupo sa loob ng sasakyan ng itulak siya ng mga ito. Isinara ang pintuan magkabilang gilid at ini-lock ito sa loob ng kasalukuyang driver. “Parang awa n’yo na! Pababain n’yo ‘ko, please!!” Kinalampag niya ang pintuan. Sumakay ang isang lalaki katabi ng driver. Isa ito sa mga humatak sa kaniya papasok sa sasakyan. Kaagad namang umandar ang sinasakyan kaya mas lalo siyang naiyak at nagwala sa loob. Subalit kahit anong gawin niya ay wala na siyang magagawa pa. Paunti-unting nawala sa abot ng kaniyang paningin ang kanilang bahay hanggang sa tuluyang hindi na ito matanaw. It's final. Wala na siyang nagawa pa kundi ang umiyak nang umiyak sa loob ng sasakyan habang patuloy na iniisip kung sa paanong paraan ay nagawa ito ng kaniyang ina. Saan siya nagkulang? Ang tanging bagay na magagawa niya na lamang sa oras na ito ay tanggapin ang katotohanang tuluyan na siyang itinakwil ng ina at ibinenta sa isang lalaking hindi niya kilala.
Patuloy ang kaniyang pag-iyak hanggang sa huminto ang sinasakyan, bumaba ang dalawang lalaking kasama niya sa loob at binuksan ang pintuan sa gawi kung nasaan siya. “Bumaba na po kayo, Ms. Santameta.”
Tumingin siya sa kaniyang paligid. Bago sa kaniyang paningin ang lugar na ito. Isang malaking fountain ang nasa gitna at napakalawak na paligid. “A-ayoko! Please, iuwi n'yo na ‘ko. Babayaran ko na lang kung magkano ba ang tinaggap na pera ng mama—”
“Five million?”
Naitikom niya ang bibig nang marinig muli ang nakatatakot na boses ng lalaki. Naglakad ito papalapit mula sa likuran ng dalawang lalaking kasama niya sa sasakyan kanina lamang. Bumungad ito sa kaniyang harapan. Madilim ang mukha at walang emosyon sa mga mata. Tila mahihigit mo ang hininga sa bawat pagtitig nito.
“Pay me back then. Now.”
Hindi siya nakasagot. Saan niya kukunin ang ganoon kalaking halaga? Halos sasampung libo na nga lang ang laman ng kaniyang bangko.
“If you can't then get out of that car and get inside of my house. Don’t waste my time, Silly.” Mabilis itong tumalikod at naglakad papasok sa napakalaki nitong bahay. Tila ka aabutin ng ilang minuto mula sa itim na gate patungo sa bukana ng bahay. Nasa tatlong palapag ang taas nito at ang modernong-moderno ang pagkakadisenyo.
Yumuko si Luke upang tignan siya. Ngumiti ito at inilahad ang palad sa kaniya. “Lumabas ka na, Ms. Soffie. Hindi natin gugustuhin pareho kung magagalit si Mr. Alvarez. Halika na.”
Kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam dahil sa ginawa ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit ngunit nabawasan ang poot sa kaniyang dibdib nang makita ang ngiti nito at maglahad ng palad. Pakiramdam niya ay mabuting tao ito.
“Huwag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan. May kailangan lamang kami sa ‘yo, pagkatapos nito ay maari ka nang makaalis.”
“Hanggang kailan po?” Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi at nagningning ang mga mata sa narinig.
“Hindi ako sigurado, pero kung magpakakabait ka, baka si Mr. Alvarez na mismo ang magpaalis sa ‘yo nang hindi mo binabayaran ang limang milyong pera na tinangap ng mama mo.”
“Pero, Sir—”
“Come on, Ms. Santameta.” Muli nitong inilahad ang palad na kanina ay hindi niya tinaggap. Sa pagkakataong iyon ay napatango siya at tinanggap na lamang ang palad nito. Wala naman na siyang magagawa pa. Narito na siya at ngayon ay nagpapakasaya na ang ina sa hawak na pera. “Great. Sundin mo lang si Mr. Alvarez at pinapangako ko sa ‘yong hindi ka niya sasaktan.”