HINDI MAGAWANG lingunin ni Soffie ang lalaki sa gawi ng passenger's seat nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng sasakyan at maupo sa tabi ng driver's seat. Namamasa ang mga palad niyang nakapatong sa kaniyang mga binti. Kaagad namang nagmenaho ang lalaking nagpakilalang Luke paalis ng parke. Madalim na sa buong paligid ngunit tila yata mas madilim ang awra ng lalaki sa gawing likuran na upuan. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso, kinakabahan siya at sa isip ay napadarasal na sana ay walang mangyaring masama sa kaniya. Makailang ulit siyang napalunok ng sariling laway. Hindi niya malaman kung bakit bigla na lamang siyang pumayag. Nasisiraan na yata siya ng ulo. Trenta minutos silang nasa byahe nang iparada ng lalaki ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Dahil sa kabang nararamdaman ay hindi siya kaagad bumaba ng sasakyan. Naunang bumaba si Luke, binuksan ang pintuan para sa among nasa likuran bago nagtugo sa kaniyang gawi at pinagbuksan siya ng pintuan.
“Maari na kayong bumaba, Ms. Soffie,” magalang na wika ng lalaki.
“S-salamat,” bahagya pa siyang nautal sa naging tugon. Nakahinga siya nang malalim nang tuluyang makababa ng sasakyan.
“Dito ho.” Sinamahan siya nitong pumasok sa entrance ng restaurant kung saan nauna nang pumasok si Mr. Alvarez. “Have a sit, Ma’am.” Ipinaghatak siya nito ng upuan.
Tumango siya at muling nagpasalamat. Malalim na bumuntong hininga at hinubad ang backpack upang ipatong sa kaniyang binti. Nanatiling nakatayo sa kaniyang likuran si Luke. Hanggang ngayon ay namamasa pa rin ng pawis ang kaniyang mga palad. Hindi lamang ito dahil sa pagiging pasmado niya kundi sa hanggang ngayon ay pagdagungdong ng kaniyang didbib sa hindi niya malamang dahilan.
“Wait us outside.”
Namilog ang kaniyang mga mata nang marinig ang isang malamig na boses ng lalaki mula sa kaniyang likuran. Napayakap siya nang mahigpit sa kaniyang backpack.
“Yes, sir,” tugon ni Luke at lumabas ng gusali.
Nag-iwas siya ng tingin nang maglakad papalapit ang lalaki at maupo sa kaniyang harapan. Pinilit niyang abalahin ang mga mata sa kagandahan ng buong restaurant, ngunit hindi niya magawang mag-focus doon dahil sa lalaking ngayon ay titig na titig sa kaniya. Napalunok tuloy siya ng sariling laway nang maramdaman ang pagtitig nito. Walang salita ang lumabas sa kaniyang mga labi.
“Soffie Santameta…”
Tila ito na ang huling araw niya nang banggitin nito nang buo ang kaniyang pangalan. Mariin siyang napapikit at nanatiling nakatingin sag awing kanan.
“Alright.” Diretsong naupo si Nick at pinagsalikop ang palad sa ibabaw ng lamesa. “Why were you related to Paolo Henderson?” Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Tila insulto ang tinanong at ginawa nito. Dahil sa pagkakaalam ni Nick ay isang mayamang tao si Paolo at hindi basta-basta makikipaglapit sa isang mahirap na babae katulad ni Soffie. Kaya naman nagtataka ito sa kung papaanong naging konektado siya kay Paolo. Ngunit ganoon pa man, kung tunay ngang may halaga si Soffie sa lalaki ay hindi na ito palalampasin pa ni Nick.
Napaharap siya rito nang nakakunot ang noo at nagsisi siya sa ginawa. Nawindang siya sa seryosong awra nito at tila kakain ng buhay. “P-Paolo Henderson?” bulalas niyang inulit ang binanggit nitong pangalan. Tumaas ang kanang kilay ng lalaki kaya naman mas lalo siyang binundol ng kaba. “H-hindi ko siya kilala at mas lalong hindi ako related sa kaniya, Sir.”
Napaisip si Nick sa kaniyang sinabi. Hindi ito kaagad nagsalita. He was just staring at her as if studying her action whether she is lying or not.
Kinagat niya ang ibabang labi at yumuko upang iwasan ang mga titig nito.
“Then you have your picture in his pocket?” tanong muli ng lalaki. Mabilis na iniangat ang palad nang tangkang lalapit ang isang waiter. Tumango naman ang waiter at tumalikod.
Nagtataka siya sa mga itinatanong nito. Muli siyang nag-angat ng tingin. “Sinabi ko na ho, hindi ko siya kilala.”
Umiling ito. “Impossible.”
Sumimangot ang kaniyang mukha. Naghugot siya ng malalim na hininga upang magkaroon ng lakas ng loob. “Kung iyon po ang dahilan kung bakit n’yo ako pinapunta rito, baka nagkamali po kayo ng taong nilapitan.” Nagkibit balikat. “Baka kamukha ko lang.” Hindi siya makapaniwalang nagawa iyong sabihin. Great, Soffie, great! Go, Girl! Tumayo siya. “Mauuna na po ako.” Isinukbit ang bag sa balikat at nagtangkang tatalikod nang hawakan ng lalaki ang kaniyang braso. Namilog ang kaniyang mga mata. Takot na takot na siya. Nais niyang sumigaw ngunit napakaraming mayayamang tao ang nasa loob at tiyak na walang pakialam sa kaniya dahil sa kaniyang simpleng suot. Hindi naman mukhang masamang tao ang lalaking kaharap at walang maniniwala na masama itong tao, dahil sa suot, angking kakisigan at kagwapuhan.
“We’re not yet done.”
Humarap siya rito. Ano ba naman kasi ang problema nito?
Humakbang ito papalapit sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata! Nais niyang umatras ngunit tila siya naging tuod sa kinatatayuan. Inilapit ng lalaki ang lab isa kaniyang tainga. “If I found out you are lying. You will regret everything. I’ll ruin you with him.”
Napalunok siya habang bilog na bilog ang mga mata.
Lumayo si Nick sa kaniya at tiim bagang siyang tinitigan.
Mas lalo siyang natakot dito. “Sinabi ko nang hindi ko siya kilala. Hindi! Hindi!” Hinatak niya ang palad mula sa pagkakahawak nito at tumakbo palabas ng restaurant. Naabutan niyang may kausap sa telepono ang driver ng lalaki kaya naman kaagad na siyang nagtatakbo kung saan upang hindi nito makita. “Kainis!” Inayos niya sa pagkakasukbit ang kaniyang bag sa likuran. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito ngunit magtatanong na lamang siya hanggang sa makauwi.
…
LUMABAS si Nick sa restaurant nang nakasuksok sa dalawang bulsa ng suot na pantalon ang mga palad. Nanatili ang inis sa kaniya dahil sa nasayang na oras. Pinipilit ng dalaga na hindi nito kilala si Paolo Henderson na siyang may malaking utang na dapat bayaran sa kaniya. Lumapit siya kay Luke.
“Good evening, Mr. Alvarez.” Lumingon ito sa kaniyang likuran. Tiyak siyang hinahanap nito ang babaeng kanilang kasama kanina lamang.
“She left and you didn’t notice. Tsk!” Umiling siya sa pagkadismaya. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at sumunod ito. “I got nothing from her. You need to do something for me, Luke. She kept on insisting she didn’t know Paolo. I know she’s lying. When I saw her, I know she was exactly the person on the picture we got. If she was that important to Paolo, get her no matter what.” Naniniwala si Nick na talagang mahalaga ang babaeng iyon sa dating kaibigan dahil kung hindi, paano naman mapupunta sa wallet nito ang larawan ng dalaga? He knew she was someone that is special to Paolo.
Tumango si Luke. “Yes, Sir.” Binuhay nito ang makina at kaagad na nagpatakbo paalis.
“Hindi biro ang perang mawawala sa ‘kin kung hindi ibabalik ni Paolo ang flash drive. I will surely kill him and that woman.” Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin sag alit. Naikuyom din ang kamao. “I want that woman tomorrow. Get her or you’ll die next, Luke.”
Napalunok si Luke at malalim na bumuntong hininga. “Bukas na bukas din.” Sinimulan na nitong pag-isipan ang dapat gawin upang makuha ang babae. Hindi naman nila ito pupwedeng dukutin at gawing bihag na lamang basta-basta. Tiyak na babalikan sila ni Paolo kaagad upang bawiin ito.