MAKAILANG ulit nang bumuntong hininga si Soffie habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Palihim siyang umalis ng kanilang bahay ngayong umaga at sa kapatid lamang na si Sally nagpaalam. Ito kasi ang katabi niyang matulog sa maliit na sala ng kanilang bahay. Tutungo siya ngayong sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Laking pasasalamat niya na rin dahil kahit papaano ay nakaipon sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ngunit hindi iyon sasapat. Sa tingin niya ay isa't kalahating buwan lamang ay siguradong pupulutin na sila sa kangkungan ng kaniyang mga kapatid at ina.
“Soffie?”
Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig niya ang kung sino na tumawag sa kaniyang pangalan. Nakita niya ang isang dating kaibigan na si Cella sa kabilang gawi ng kalsada. Kasabayan niya ito sa pag-aaral ngunit ngayon ay graduated na ito at may magandang trabaho. Ngumiti siya at tumawid sa kabila upang lapitan ito.
“Wow! Nakauwi ka na?”
Tumango siya. “Oo, eh.” Malalim siyang bumuntong hininga. “Nagkaroon ako ng problema sa Kuwait. Ipinatapon ako pabalik sa Pinas kaysa kasuhan ako. Pero hindi ko masabi kila mama. Baka may alam kang trabaho na puwede kong pasukan? Second year college naman ako Agribusiness.” Napansin niyang nakasuot na ng uniporme si Cella pang opisina. Kay ganda nitong pagmasdan sa suot. Nakaramdam siya ng inggit. Iniisip niya kung siya ang magsusuot ng ganoon damit, ano kaya ang pakiramdam?
“Gusto sana kitang tulunamin. Kaya lang wala pang bakante sa kumpanya at sa pagkakaalam ko rin, kung may hiring man kami ngayong buwan, college graduated ang hinahanap namin.” Lumungkot ang mukha ng kaibigan. Noon pa man ay naawa na ito sa kaniyang kalagayan. “Hayaan mo sasabihan kita kapag mayroong bakante.”
“Salamat, hindi naman ako maarte sa trabaho.” Malapad siyang ngumiti sa kaibigan. Sandali pa silang nag-usap ni Cella ngunit hindi na nagtagal pa dahil papasok na ito sa trabaho. Kaagad nang byumahe si Soffie patungo sa Maynila. Bitbit niya sa suot na backpack ang kaniyang mga dokumento na gagamitin sa paghahanap ng trabaho. Nagbaon din siya ng tubig at ilang piraso ng biscuits. Inabot ng ala sais ng gabi ay wala siyang napala sa ginawa. Bagsak ang balikat nang maupo siya sa isang bakal na upuan sa isang parke. Madilim na at pagod na pagod na siya. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba ng kaniyang katawan na byumahe pauwi, ngunit wala naman siyang pagpipilian.
Nag-unat siya ng mga braso. Isang lalaki ang lumapit sa kaniya, at kaagad niya itong napansin dahil bahagya pa rin namang maliwanag sa parke dahil sa mga poste ng ilaw na nagkalat sa paligid.
“Ms. Soffie Santameta?” wika ng lalaki. Nakasuot ito ng itim na amerikano, itim na kurbata at pares ng black shoes. May hitsura ito at hindi naman mukhang gagawa ng masama.
Nagdadalawang isip siyang tumango. “A-ako nga po, b-bakit po?”
“Ako si Luke, personal bodyguard ni Mr. Alvarez.” Ngumiti ito. “Nasa loob siya ng sasakyan.” Inilahad nito ang palad sa gawing kaliwa kung saan nakita niya ang isang mahaba at kulay itim na sasakyan na siyang nakaparada sa gilid. “He’s waiting for you since the morning.”
Kumunot ang kaniyang noo. “Pasensiya na, pero hindi ko siya kilala pati na rin ‘yang Mr. Alvarez na sinasabi mo.” Hindi siya umalis sa kinauupuan. Bigla ang pagbigat ng kaniyang pakiramdam. Sa isang iglap ay nakaramdam siya ng kaba. Napatingin siya sa paligid. Wala nang gaanong tao.
“Hindi ho ako masamang tao.” Napakamot ito sa batok ngunit hindi naalis ang ngiti sa labi. Singit ang mga mata nito at mas lalo pang naningkit dahil sa ginawang pagngiti. “Kung hindi n’yo kilala si Mr. Alvarez, why don’t you search his name on google.”
Dahil sa sinabi nito tila yata rumehistro sa kaniyang isip na pamilyar ang apelyido ng lalaking ito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone. Isa ito sa kaniyang naipundar sa ilang taon na pagtatrabaho at paghinto sa pag-aaral noon. Magdadalawang taon na ito mahigit. Binuksan niya ang internet. “A-anong pangalan niya?”
“Nick Alvarez po, the one and only CEO of the famous Sarte,” Luke was so proud to tell her about this man named, Nick Alvarez.
Nakagat niya ang ibabang labi. “S-Sarte?” ulit pa niya. Hindi niya na kailangan pa ang kaniyang cellphone. Kaagad niyang nakilala ang lalaki. “Oh my, God!” Napatakip siya ng palad sa labi.
“He’s inviting you for a dinner.”
Napasampal siya sa kaniyang pisngi. Sinisigueo lamang niya na hindi siya nananaginip. “Dinner? B-bakit? Bakit ako?”
“I know you’re doubting me,” wika ng lalaking nagoakilalang Luke. Kumuha ito ng isang papel sa loob na bulsa ng suot na coat. “Here.” Inilahad nito sa kaniya ang isang business card.
Nick Alvarez ang nabasa niya kaagad nang tanggapin ang card.
“You know how I hate waiting.”
Napalunok si Luke nang marinig sa suot niyang earpiece ang sinabi ni Mr. Alvarez. Nasa loob ito ng sasakyan at naiinip na sa matagal na usapan ni Luke at Soffie.
“Please, give us a chance to talk to you. Ipaliliwanag ko ho sa loob ng sasakyan.”
Nakagat niya ang ibabang labi. “S-Sarte?” ulit pa niya. Hindi niya na kailangan pa ang kaniyang cellphone. Kaagad niyang nakilala ang lalaki. “Oh my, God!” Napatakip siya ng palad sa labi.
“He’s inviting you for a dinner.”
Napasampal siya sa kaniyang pisngi. Sinisigueo lamang niya na hindi siya nananaginip. “Dinner? B-bakit? Bakit ako?”
“I know you’re doubting me,” wika ng lalaking nagoakilalang Luke. Kumuha ito ng isang papel sa loob na bulsa ng suot na coat. “Here.” Inilahad nito sa kaniya ang isang business card.
Nick Alvarez ang nabasa niya kaagad nang tanggapin ang card.
“You know how I hate waiting.”
Napalunok si Luke nang marinig sa suot niyang earpiece ang sinabi ni Mr. Alvarez. Nasa loob ito ng sasakyan at naiinip na sa matagal na usapan ni Luke at Soffie.
“Please, give us a chance to talk to you. Ipaliliwanag ko ho sa loob ng sasakyan.”