Paid 4

1048 Words
MAAGANG tinungo ni Luke ang tahanan nila Soffie. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na barong-barong. Hindi siya makapaniwalang sa ganito kaliit na bahay nakatirang ang magandang babae na nakita at nakilala kagabi. She was attractive and absolutely beautiful. Bumaba siya ng sasakyan bitbit ang isang briefcase, lumapit sa pintuan ng bahay at marahang kumatok. “Tao po.” Makailang ulit siyang kumatok bago narinig ang ilang kaluskos sa loob ng bahay. Maya-maya lamang ay pinagbuksan siya ng pintuan ng isang ginang. “Anong kailangan mo?” wika nito nang hindi maipinta ang mukha. “Ikaw po ba ang ina ni Soffie?” Tumango ito. “Bakit? Ano nanamang ginawa ng anak ko? Hindi pa siya umuuwi simula kagabi. Wala siya rito.” Isasara na sana nito ang pintuan nang pigilan niya. “Sandali po.” Hinawakan niya ang pintuan. “Bakit ba?!” Napakasungit nito. “Sinabi nang wala siya rito. Ano bang kailangan mo?” “Ikaw po ang kailangan ko.” Ngumiti siya. “Pero patungkol din ito sa anak ninyo. Maari ba akong pumasok? May nais akong ialok sa inyo.” Iniangat niya ang hawak na briefcase. Kumunot ang noo nito. “Ano naman ‘yan? Pera? Kung pera ‘yan, aba sige pumasok ka.” Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pintuan upang papasukin siya. Tumango siya at diretsong pumasok sa loob. Naupo siya sa lumang upuan na gawa sa kahoy. “Ano bang kailangan mo? Siguraduhin mo lang na may pera ‘yan.” Tila naghahamon ang ginang na marahang naupo sa kaharap niyang upuan. “Well, hindi na ho ako magpapaligoy-ligoy pa.” Inilapag niya sa binti ang briefcase at binuksan. Tumambad ang napakaraming pera sa loob na purong tig-iisang libo. Wala na kasing maisip na paraan si Luke kung paano makukuha si Soffie at madadala sa bahay ni Mr. Alvarez nang hindi ito pinipilit. Kaya naman sinuhesyon niya sa amo ang pagbili sa dalaga sa magulang nito nang malaking halaga. Batid niyang malabong tanggihan ng magulang nito ang perang iaalok dahil sa nalaman niyang kalagayan ng mga ito. Gipit sa pera at malaki ang pangangailangan upang tustusan ang paggagamot. Bago siya dumiretso sa bahay ng ginang ay inalam niya muna ang lahat tungkol sa mga ito, upang magamit kung sakali. Iniharap niya ito sa ginang. “I'm here for this.” Nagningning naman ang mga mata ng ginang sa nakitang napakaraming salapi. “Aba ano ba ang atin, Hijo? Sabihin mo lamang.” Ngumiti ito nang napakalapad. “Si Soffie ba? Inyo na siya. Basta ibigay mo sa ‘kin ang lahat ng pera na ‘yan.” Tila hindi na kailangan pang magsalita ni Luke dahil kaagad na nakuha ng ginang ang pakay niya dito. Napangiti siya at tumango. “Limang milyon kapalit ni Soffie.” Hindi naman kabawasan ang perang ito kay Mr. Alvarez kumpara sa malaking perang maaring mawala sa lalaki kung hindi magpapakita si Henderson at ibabalik dito ang flash drive na may lamang mahahalagang bagay para sa illegal na transaction ni Mr. Alvarez. Ang kailangan lamang nila ngayon ay kunin si Soffie Santamena at dalhin ito sa mansion upang pasakitan si Henderson. Tiyak na lulutang ito sa loob ng bente quatro oras kapag nalamang hawak nila ang nobya. May isa pang dahilan si Mr. Alvarez kung bakit pumayag na mag-alok ng pera sa ginang kapalit ng anak nitong babae, kahit na kaya naman nitong dukutin iyon at makalipas ang ilang araw ay ipapatay at itapon. Ngunit hindi naman sinabi ng amo ang ikalawang dahilan kay Luke, at hindi naman niya na inungkat pa. Hindi niya nais na mawala na sa mundong ito. “Huwag ka nang magtanong, akin na ‘yang limang milyon at umalis ka na. Hindi ko alam kung nasaan si Soffie. Umalis ito kahapon at hindi umuwi simula kagabi.” Nagtaka siya sa sinabi nito. Kung ganoon ay hindi ito umuwi pagkatapos nila itong isama sa isang mamahaling restaurant? Nasaan kaya ito nagtungo? “Kung ganoon, hindi ko ibibigay kaagad ang pera.” Dumukot siya sa bulsa ng suot na coat at iniabot sa ginang ang kaniyang contact number. “Ayan ho ang numero ng telepono ko. Tawag n’yo ako kapag nakauwi na siya, susunduin ko siya at mapapasa inyo ang pera. Huwag kang mag-alala, Mrs. Santameta. Tumutupad ako sa usapan.” “Aba’y dapat lang!” Tinaggap nito ang papel. “Mauna na po ako.” ... NAGISING si Soffie sa kaluskos na kaniyang narinig. Pagmulat niya ng mga mata ay bumungad sa kaniya ang kaibigan niyang si Pia. Kagabi habang tumatakbo ay nabangga niya ito. Isinama siya nito sa apartment na tinutuluyan at pinatuloy roon upang doon na lamang siya matulog. Tinaggap niya naman iyon dahil talagang pagod na pagod na siya. Swerte na lamang at nakita niya si Pia. Kaibigan niya ito sa kolehiyo noon, ngunit ito ay nakapagtapos samantalang siya ay hindi. “Sorry, ang ingay ko ba? Good morning.” Ibinaba nito sa sahig ang mga dinalang gamit sa kwarto. Naglilinis kasi ito at tinanghali na siya ng gising. Mabilis siyang tumayo sa kama nito. “Hindi, ayos lang, Pia. Nakakahiya tinanghali pa ako ng gising.” “Ano ka ba, wala ‘yon. Basta ikaw.” Ngumiti ito. “Basta bukas ang pintuan ng apartment ko para sa ‘yo, sana makahanap ka ng trabaho malapit dito para naman dito ka na lang din tumuloy. O ‘di ba may kasama na ‘ko.” Mahinhin itong tumawa. “Siya nga pala, kanina pa tumutunog ang cell phone mo. Malamang sa malamang ang mama mo na ‘yon, hinahanap ka.” “Baka nga.” Tumayo siya sa kama at inayos ang sarili. Dinampot niya ang kaniyang bag na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Kinuha niya ang cell phone na tumutunog. “Sa bahay nga ang tawag. Kailangan ko nang umuwi, Pia. Babalik ako dito sa Manila para maghanap ng trabaho. Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa ‘kin dito, ha? I'm really greatful.” “Wala ‘yon. Sige mag-ingat ka ha. Hayaan mo magtatanong ako sa company namin kung mayroong bakante para makapasok ka.” Niyakap siya nito nang mahigpit. Kahit kailan talaga ay napakabait nito. Hindi ito nagbago kahit na noong nasa kolehiyo pa lamang sila. “Maraming salamat!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD