DINALA ni Nick si Soffie sa pribadong restaurant kung saan makakasama niya sa pagpupulong ang mag-asawang Vega. Nang dumating ang mga ito ay nagsimula silang pag-usapan ang kanilang proyekto sa negosyo. Higit isang oras din ang tinagal nito hanggang sa malipat ang kanilang pag-uusap sa mahalagang bagay na kailangan ng mga ito sa kaniya. “So, when will you going to give me the documents, Mr. Alvarez? Para masimulan na natin ang transakyon sa linggong ito,” wika ng ginoong Vega. Tumingin ito kay Soffie na nakaupo sa kaniyang tabi. “I’m sorry, mukhang hindi magandang pag-usapan ang tungkol doon ngayon.” Umiling siya. “No, it’s okay.” Nagmatigas si Soffie na nais siyang makilala kaya naman pagbibigyan niya ito. Tutal ay may punto naman itong pagmamay-ari niya na ang babae at wala na itong ta