HINDI mapakali si Soffie. Palinga-linga siya sa paligid. Tila nagkatotoo ang kaniyang naging panaginip kaninang umaga. Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim. Pagmulat niya ng mga mata ay ang seryosong si Nick ang bumungad sa kaniya. Titig na titig ito sa kaniya at tila kaylalim ng iniisip. “B-bakit?” takhang tanong niya rito habang sila ay nasa lobby at parehong nakatayo. Hindi niya kasi magawang maupo dahil sa tensyong nararamdaman. “I’m thinking. Anong meron ka at may taong gustong pumatay sa ‘yo, Soffie Santameta.” Pinag-ekis nito ang mga braso sa dibdib. Malalim ang iniisip patungkol sa kaniya. “Curiosity eating me. I have no idea what's happening. You have your picture in Henderson’s wallet but you’re denying you know him—” “I'm not denying,” mabilis niyang tugon, “Kung ki