Paid 31

1129 Words

SAGLIT lamang na lumapat ang labi ni Nick sa labi ni Soffie ay kaagad bumitaw nang ma-realized kung ano ang ginawa. Siya man ay nagulat sa ginawa. Nais niya lang naman patahimikin ito dahil tiyak na mapapahamak sila kung patuloy itong magtatanong nang magtatanong. Mukha namang epektibo ang kaniyang ginawa dahil bilog na bilog ang mga mata nito sa gulat at titig na titig sa kaniya. Sa wakas ay tumahimik ito at mukhang ilang araw na hindi makapagsasalita. Ikinatuwa niya ang naging reaksyon nito. Ngumisi siya at umiling. Dahil sa nakatutuwang reaksyon nito ay ginanahan siyang mang-asar. Marahan siyang humakbang papalapit dito. Ito naman ay sunod-sunod na humakbang pausog hanggang sa mapasandal ang likuran sa pader. Naitiklop ni Soffie ang mga kamao dahil sa ginawang paglapit ni Nick. Nang w

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD