Paid 5

1209 Words
HINDI mapakali si Soffie. Kanina pa niya iniisip kung ano ang sasabihin niyang dahilan sa ina dahil sa hindi pag-uwi ng gabi subalit may pakialam naman kaya ang isa sa kaniyang dahilan? Tila hindi naman siya nito nais na umuwi at wala itong pakialam kung umuwi siya o hindi. Isa pa ay mas gusto nga nitong wala siya sa kanilang bahay dahil tuwing nasa ibang lugar siya, ang tingin ng ina ay kumikita siya ng pera. Kaagad na hihingan niya nito, may trabaho o wala. Ngunit kahit ganoon pa man siya tratuhin ng ina ay mahal na mahal niya ito. Hindi magbabago ang pag-ibig niya para rito maging sa kaniyang dalawang babaeng kapatid. Pagbukas niya ng pintuan ay ang kaniyang ina ang bumungad. “Ma—” Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang diretso itong lumabas ng bahay at lagpasan siya. Nalungkot siya sa inakto nito ngunit isinantabi niya na lamang. Baka pagod lang ito. Lumapit sa kaniya si Sally at yumakap sa kaniyang baywang nang napakahigpit. “Ate Soffie!” wika nito, “Buti umuwi ka na.” “Kumain ka na ba?” tanong niya dahil lagpas na siya ng tanghalian nang tuluyang makauwi. Bumitaw naman ang kapatid sa kaniyang pagkakayakap at kumunot ang kaniyang noo nang makita ang malungkot nitong mukha. Bahagya ring may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. “Sally, bakit ka umiiyak?” Mas lalong lumukot ang mukha ng kapatid at tuluyang naiyak. Ginamit nito ang likod ng palad upang pahirin ang mga luhang sunod-sunod na pumatak sa magkabilang pisngi. “Kasi, Ate, aalis ka nanaman. Tapos baka hindi ka na bumalik.” Yumakap itong muli sa kaniya. Labis siyang nagtaka sa sinabi nito. Inaya niya itong maupo. “Anong sinasabi mo? Sinong aalis? Hindi na ako aalis, Sally. Dito na ako magtatrabaho sa Pilipinas. Dito na ako mananatili. Magkakasama-sama na tayo—” Muli siyang naputol sa sasabihin nang umiling ang kapatid. “Sabi ni mama susunduin ka na raw ng lalaking bumili sa ‘yo maya-maya.” “Ano?!” tumaas ang kaniyang boses at mas lalong nagtaka. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng kapatid. Sigurado naman siyang nasa katinuan pa ito at malabong hindi. Subalit naguguluhan siya sa ibig nitong sabihin. “Anong sinasabi mo, Sally? Anong sabi ni mama susunduin na ko ng lalaking bumili sa ‘kin?” Hindi ito kaagad nakapagsalita at mas lalong naiyak. Napatingin siya kay Solome na kararating lamang mula sa labas. Magkaekis ang palad ang palad nito sa dibdib at pulang-pula ang labi dahil sa ginamit na lipstick. “Solome? Kailan ka pa natutong mag-lipstick nang ganyan kapula?” saway niya rito at tumayo. Pumasok ang kanilang ina, hawak nito ang isang cell phone at tila katatapos lamang tumawag. Wala kasing signal sa loob ng kanilang bahay kaya kailangan pang maghanap sa labas. “Ano nanaman ‘yan?” tanong nito at tumingin sa kaniya. “Hayaan mo na ‘yang si Solome, matanda na ‘yan. Saka pinayagan ko siya. Aba’y nag-aaral naman nang mabuti ang kapatid mo. Ano naman kung naka-lipstick ng pula?” “Ma, naman! Hindi magandang tignan!” Sumimangot ang kaniyang ina. “Aba kung makapagtaas ka ng boses akala mo kung sino ka! Hindi porket ikaw ang nagpapaaral sa dalawang kapatid mo pupwede mo na akong pagtaasan ng boses at pakialaman ang mga kapatid mo. Ako pa rin ang ina n’yo!” tumaas ang boses nito. “Hindi naman sa ganoon, Ma.” “Ganoon na ‘yon, Soffie! Masiyado nang mataas ang tingin mo sa sarili mo kaya dapat ka na talagang umalis sa bahay. Maigi na lang at may nagkainterest sa ‘yo.” Umaliwalas kahit papaano ang nakasimangot nitong pagmumukha kanina nang maalala ang perang ipinakita ng lalaki. “Biruin mo kahit napakarami ko nang pasakit at malas-malas sa ‘yo, magagamit ko rin pala ikaw at pagkakakitaan ng malaki.” Pabagsak itong naupo sa kahoy nilang upuan. “Kaya magbalot ka na, Soffie. Dahil ngayong araw din ay aalais ka na sa bahay na ‘to.” “Anong sinasabi mo, Ma? Anong aalis?” Seryoso itong tumingin sa kaniya. “Hindi mo ba ‘ko narinig? Sinabi kong aalis ka na rito. May magsusundo sa ‘yo, ang bago mong nobyo. Syempre hindi naman ako papayag na basta-basta ka na lang nilang kunin nang walang kapalit kaya kailangan nila akong bayaran.” “Ano?!” Namilog ang kaniyang mga mata. Tila yata sumikip ang kaniyang dibdib sa walang habas na pananalita ng ina at diretsahang sinabi nito ang ginawang kalokohan. “Binenta kita sa bilyonaryo.” Ngumiti ito nang malapad. “Aba'y napakaswerte mo. Hindi lahat ng babae ay nagkakaroon ng ganitong opurtunidad. Hindi lahat ng bilyonaryo magkakainterest sa mga katulad mo.” “Ma! Anong pinagsasasabi n'yo?!” halos pasigaw na ito at nagsimulang mamasa ng luha ang kaniyang mga mata. Kilala niya ang ina, kahit na kailan ay hindi ito nagbibiro at kung ano ang lumalabas sa bibig nito ay siyang tunay. Hindi ito marunong magpaligoy-liguy o kahit na magsinungaling man lamang. Kapag sinabi nitong pangit ka, ay talagang pangit ka sa paningin nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. “Aba, tarantado ka! Huwag mo kong sigawan!” Lumapit siya dito at lumuhod sa harapan nito. “Ma, anong ginawa mo?! Sabihin mo sa ‘king hindi ka tumanggap ng pera please! Hindi naman ‘di ba?! Hindi n'yo naman ako ibebenta, Ma, ‘di ba?!” Sunod-sunod ang kaniyang mga luha at hindi niya mapigilan. Anong ginawa nito? Talaga bang wala siyang halaga para sa ina at nagawang gawin ang bagay na sinasabi nito? Itinulak siya nito palayo, kaya naman napaupo siya sahig. “Hindi ako mapapakain ng drama mo. Hindi kami mabubuhay d'yan ng mga kapatid mo. Akala mo ba hindi ko malalamang wala ka ng trabaho sa Kuwait?! Nakalimutan mo bang si Mareng Annie ang nagpaalis sa ‘yo, natural na kay koneksyon ako roon!” Tumayo ito at malakas siyang sinampal sa mukha. Namantal ang palad nito sa kaniyang pisngi at napunit ang kaniyang labi. “Ma! Tama na po!” sigaw ni Sally na humagulgol ng iyak. Hinawakan ito ni Solome sa braso upang pigilan sa tangkang paglapit sa kaniya. Napahawak siya sa nananakit na pisngi habang patuloy ang pag-iyak. Tumingin siya sa ina. Hindi ito makapaniwala. “Pero, Ma...” “Hindi mo mabibigay ang lahat pangangailangan namin sa maliit na sasahurin mo dito sa Pinas! Halos hindi na nga mapagawa itong bahay eh! Dahil kulang pa ang ipinapadala mo sa ‘min mula sa Kuwait. Ano pa kung dito ka magtatrabaho sa Pinas?!” Namumula na ito sa galit. Hindi na nito alintana ang sakit. “Walang mangyayari sa ‘min kung aasa lang kami sa kakapiranggot mong kita. Kaya kung talagang mahal mo ako at ang mga kapatid mo. Tanggapin mo ang naging alok sa ‘kin ng binatilyong iyon. Sumama ka sa kanila at makatatanggap kami ng limang milyon. Hindi ka na namin kailangan. Magtatayo ako ng negosyo at aalis sa bahay na ‘to. Iparamdam mo naman sa ‘kin ang karangyaan, Soffie. Dahil pagod na pagod na ako sa pagiging mahirap simula nang makipagsama ako sa inyong ama!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD