Paid 9

879 Words
PINAMULAHAN ng pisngi si Soffie nang hindi niya sinasadyang dumighay habang nasa harapan si Luke. Ngumiti lamang ang lalaki at iniabot sa kaniya ang isang baso ng tubig. Napangiti na lamang din siya at tinanggap ito. Nahihiya siya rito at hindi naiilang, dahil nararamdaman niyang mabuti itong tao. Hindi niya alam kung tama ba iyong maramdaman at isipin sa lalaki gayong hindi niya naman ito lubos na kilala. Mabilis na napatayo si Luke nang makita si Mr. Alvarez na pumasok sa loob ng silid. Galit na galit ang ekspresyon sa mukha nito kaya naman kinabahan kaagad si Luke nang makita ito. Lumapit si Nick sa kaniya at hinatak siya nito mula sa braso. “You fvcking s**t!” “Aray! S-sandali nasasaktan ako!” sigaw niya nang maramdaman ang napakahigpit nitong pagkakahawak sa kaniyang braso. Hinatak siya nito patungo sa kama at malakas na itinulak. “M-Mr. Alvarez...” Nais itong pigilan ni Luke dahil kitang-kita ng lalaki sa mga mata ng amo ang galit batid nitong hindi maganda ang maaring susunod na mangyari ngunit mas minabuti nitong tumahimik. Namimilog ang mga mata ni Soffie na nakatitig sa lalaki. “A-ano ho bang kasalanan ko—ah!” Tumalsik ang dugo mula sa kaniyang labi matapos siya nitong mabilis na sampalin. Naramdaman niya ang hapdi sa kaniyang pisngi sa parehong parte kung saan siya sinampal ng ina kanina lamang. Muli siyang naiyak at mariing napapikit dahil sa sakit at hapdi nito. Hindi pa nakontento ang lalaki, lumapit ito at hinawakan siya sa kaniyang pisngi gamit ang isang palad. Idiniin siya nito sa kama. Hinawakan niya ang braso nito upang pigilan sa ginagawa ngunit hindi iyon sapat. She was so weak. “Where is the flash drive?!” mariing tanong ng lalaki. Nagliliyab ito sa galit at nasasaktan siya sa ginagawa nito. “M-Mr. Alvarez—” “Don’t dare, Luke!” Nagtangka si Luke lumapit upang pigilan sana ang nagwawalang lalaki subalit kaagad na natigilan nang tignan ito ni Nick nang nanlilisik ang mga mata sa galit. Napalunok na lamang si Luke at tumalikod. Hindi nito kayang makita na nasasaktan ang isang babae. Batid niya namang ganoon din ang amo kaya nga lamang ay nadadala ito ngayon ng galit. Ibinalik ni Nick ang tingin sa babaeng ngayon ay nasa harapan. Punong-puno nito ng paghihinagpis at nasasakyan. Nakapikit ang mga mata habang patuloy na lumuluha. “P-please, a-ayoko na,” putol-putol na wika ni Soffie dahil talagang nasasaktan na siya. Namilog ang mga mata ni Nick sa nagawa, dali-daling bumitaw at lumayo sa kaniya. Pinakatitigan siya nito habang impit siyang umiiyak sa ibabaw ng kama dahil sa sakit na nararamdaman. Gumuhit sa dibdib ng lalaki ang guilt. Kahit na kailan ay hindi pa ito nakapagbubuhat ng kamay sa isang mahinang babaeng katulad niya, na tanging ang pag-iyak na lamang ang nagagawa. She felt so awful because of her current situation. “I will ask you again, Soffie Santameta,” mariing wika ng lalaki at titig na titig sa kaniya. Nakakuyom ang kamao nito. “Anong koneksyon mo kay Henderson at nasaan ang flash drive?!” Hindi siya sumagot at tanging pag-iling lamang habang umiiyak ang nagawa. Nick was tired. Kinain ito ng galit at inis kaya nasaktan siya nito. Malalim na bumuntong hininga ang lalaki. “You will regret everything, Soffie. I know you’re protecting him, but sorry to tell you because he's dead.” Hindi naintindihan ni Soffie ang sinabi ng lalaki. Hinayaan niya lamang ito. Sumubsob siya sa kama at doon iniiyak ang lahat ng kaniyang nararamdaman. Napapagod na siya. She was completely drain and tired of everything. She wanted to rest and regain her energy, but she does not want to give up. She knew there was another sunrise waiting for her. Matatapos din ang lahat. Malalim na bumuntong hininga si Nick. Bigla itong naguluhan sa nangyayari. Tumingin ito sa tauhan na si Luke. “Find the flash drive,” malamig na boses na utos nito. Dahil lamang sa iisang flash drive na napakahalaga ng laman ay gagawin niya ang lahat. “I know there was a purpose for this killing. I need you to find it out. Possible that it is because of what I am looking for.” Muling ibinalik ni Nick ang tingin sa kaniya. Sandali siya nitong pinagmasdan bago nag-iwas ng tingin. “Don’t let her out of this room.” Wala nang magagawa pa si Soffie kundi tanggapin ang katotohanan na masalimuot ang kaniyang buhay at wala nang magbabago pa. Ito na talaga ang buhay na nakalaan sa kaniya. Pag-iyak na lamang ang tanging bagay na kaniyang magagawa. Lumabas si Nick sa loob ng kaniyang silid habang napakabigat ng dibdib nito. Bukod sa bagay na pagkamatay ni Henderson nang hindi nila nakikita ang kaniyang hinahanap, pinagsisisihan nito ang nagawang pananakit sa kaniya. Ni minsan ay hindi lumapat ang palad ng lalaki sa mukha ng isang babae. Ngayon lamang iyon at talagang pinagsisisihan ito. He had his mom and a younger sister who both died in an accident. They both taught him how to be a good man and a gentleman. It was not him who slapped that woman. He was just angry. Napahilamos ito ng palad sa mukha pagkabalik sa sariling silid at malalim na bumuntong hininga. “Damn it, Nick!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD