BUMABA sa sasaktan si Soffie bitbit ang bulaklak at kandila na kanilang binili sa unahang bahagi ng sementeryo. Hindi niya inaasahang maging si Nick ay bababa ng sasakyan. Nasanay siyang hinihintay lamang siya nito sa loob. Sumunod ito sa kaniyang likuran. Bigla siyang napaisip. Hinarap ito nang nakakunot ang noo. “Nick, anong ginagawa mo?” takhang tanong niya. Kumunot ang noo nito sa kaniyang naging tanong. “What?!” iritableng tugon ng lalaki. “May pupuntahan ka rin ba rito?” Mas lalong gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. “What are you talking about? Tsk!” Nauna ito sa paglalakad at tumingin sa paligid. “Where is your dad?” Malalaki ang naging hakbang nito at hindi iyon kayang habulin ni Soffie sa normal niyang mga hakbang kaya naman patakbo siyang sumunod dito. “Doon.” Itinuro n