HALOS hindi nakatulog si Soffie nang nagdaang gabi. Paulit-ulit sa kaniyang isip ang muntikan nang paggahasa sa kaniya niya ni Felix Del Valle. Kaagad siyang naligo pagkauwi nila kagabi at kinuskos nang maigi ang kaniyang balikat hanggang sa humapdi ito at mamula. Matapos ang nangyari ay hindi niya maiwasang hindi maitanong kung bakit nangyayari sa kaniya ang lahat ng ito. Simula nang bumalik siya sa Pilipinas ay wala nang magandang nangyari sa kaniyang buhay. Puro na lamang pag-iyak ang kaniyang ginagawa. Walang bago sa bawat araw na dumaraan. Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng silid. Himbis na dumiretso sa dining upang kumain ng agahan ay dumiretso siya sa garden. Noong isang araw ay nalibot niya ang ibaba ng mansion at nakita ang daan patungo sa hardin kaya naman ito kaagad ang kani