GUMUHIT ang ngiti sa labi ni Soffie nang ibaba siya ni Nick mula sa pagkakabakay sa likod nito. “Salamat!” wika niya nang buong puso. Hindi kasi siya nito ibinaba hanggang sa tuluyan nilang marating ang isang komunidad. Pinagmasdan niya ang paligid.“Nick, bakit napakalayo nito sa rest house mo?” Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. Napansin niyang punong-puno ito ng pawis kaya naman bahagya siyang lumapit at pinunasan ng palad ang noo nito. Napatitig ito sa kaniya. “I don’t want any distraction or interruption when I’m on vacation. I want a peaceful surroundings.” Ginaya nito ang kaniyang ginawa. Pinunasan ng mga palad nito ang kaniyang pawis sa noo at dinampian ng halik. “Let’s go?” Hindi niya naiwasang kiligin. Tumango siya at tinanggap ang palad nitong nakalahad. “Anong gagawin natin