DINAMPOT ni Nick ang kaniyang cell phone. Kanina pa tumatawag ang tauhan niyang si Luke ngunit hindi niya kaagad nasagot dahil sa pagkaabala niya sa paliligo at kay Soffie kanina lamang. Pinindot niya ang answer button at kaagad sinagot ang tauhan. “Luke, what is it?” Kahit gaano siya kaabala, ang tawag mula sa mga tauhan ang hinding-hindi niya dapat kaligtaan. Dahil batid niyang mahalaga ang mga bagay na itinatawag nito sa kaniya. “We have a problem, Mr. Alvarez. Panibagong pananabutahe po ang natanggap ng grupo natin. Hindi pa namin kilala kung sino ang may gawa, ngunit hinarang ang delivery truck na naglalaman ng mga items para sa subasta. Walang natirang gamit kahit na isa.” Narinig pa mula sa kabilang linya ang malalim na buntong hininga ng tauhan. “Patay ang lahat ng tauhan nating