ALAS DOSE na ng gabi ngunit hindi pa rin makuhang matulog ni Soffie. Iritable siya na hindi mapakali. Dahil sino ba naman ang hindi? Dalawang ulit na siyang hinalikan ng lalaking iyon nang walang pasintabi. Gaya nga ng sinabi nito ay gagawin ang lahat ng gustong gawin. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis, dahil ninakaw nito ang unang halik niyang dapat ay nakalaan sa kaniyang unang nobyo. Ganoon din ang ikalawang halik niya. Ngayon ay hindi na birhen ang kaniyang mga labi at naiinis siya sa bagay na iyon, ngunit sa tuwing maiisip niya ang guwapong lalaki ay bigla na lamang nag-iiba ang ihip ng hangin; napapangiti na lamang siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Porque ba guwapo ito? Nahihibang na siya! Ang kaniyang unang halik ay dapat na igawad lamang sa kaniyang unang nobyo, at h