AUCTION: Chapter Five

1639 Words
BINALOT ng kaba at takot si Ruth nang iwanan siya ni Mrs. dela Merced. Wala siyang ideya sa mangyayari sa kanya. Buhok lang naman ang kailangan nito sa kanya, bakit kailangang i-posas pa siya? Pwede namang kumuha ito gunting at gupitin ang buhok niya. Sabagay, sino ba namang tanga ang bibili ng buhok sa halagang four million pesos? Maliban lang kung may “kakaibang” gagawin ang bibili nito sa buhok. Gustuhin man niya na umatras ay huli na ang lahat. Nabili na ang buhok niya sa halagang apat na milyon. Makakatulong na rin ang halagang iyon sa mga gamot na kailangan ng kanyang nanay at kapatid. Diyos ko, Kayo na po ang bahala sa akin, piping dasal ni Ruth. Ilang sandali pa ay bumalik na si Mrs. dela Merced at may kasama na itong batang babae. Ito na siguro si Cruzita. Sa palagay ni Ruth ay anim na taong gulang pa lang ang bata. Hindi lalagpas sa tatlong talampakan ang taas nito. Mataba at mabilog ang mukha. Sa sobrang taba nito ay wala na itong leeg. May dalawang pulang ribbon na nakatali sa buhok nito. Ang suot naman nitong damit ay kulay kremang blusa at palda na hanggang taas ng tuhod nito. Nakabusangot ang mukha nito na parang pasan ang mundo. “Ruth, meet my one and only daughter—Cruzita. Ang cute niya, `di ba?” pinisil pa nito ang pisngi ng anak. Tinabig naman ni Cruzita ang kamay nito. “A-ano bang gagawin niyo sa akin, ha?” kinakabahang tanong ni Ruth. “Si Cruzita… siya lang ang may gagawin sa’yo. She loves eating hair. Human hair to be exact!” “Kumakain siya ng buhok at hinahayaan mong gawin niya iyon?” “Bakit hindi? Isa ka na bang ina, Ruth? Kung hindi pa ay hindi mo ako maiintindihan. Kaligayan ni Cruzita ang kumain ng buhok kaya ibibigay ko iyon sa kanya. Three years old pa lang siya nang ma-develop ang craving niya sa bagay na iyon at ako ang una niyang naging biktima. Kaya nga ako nakalbo, eh,” bahagya pa itong tumawa. Naningkit ang mga mata niya. Sa wari niya ay may sapak sa utak si Mrs. dela Merced. “Pero bakit niyo pa ako pinosas? Pwede namang gupitin niyo na lang ang buhok ko at ipakain sa anak mo.” “Hindi ganoon ang gusto ni Cruzita ko… Ang gusto niya, siya mismo ang bubunot ng buhok mo!” “B-bubunot? Anong—“ “Mommy, I want to eat her hair now!” tila naiinip na sigaw ni Cruzita. Ikinuyom pa nito ang dalawang kamay na parang nagpipigil. “Oh, I am so sorry, baby. Go on… Enjoy your meal, Cruzita!” Pagkasabi niyon ni Mrs. dela Merced ay naglakad na siya Cruzita papunta sa kanya. Takot na takot naman siya habang paliit nang paliit ang pagitan nilang dalawa. May pagkatakam sa mukha ng bata na akala mo ay nakakita ng napakasarap na cake o ice cream. Tumulo pa ang laway nito na agad din namang pinahid nito sa pamamagitan ng braso. Umuga ang kama nang sumampa si Cruzita doon. Gumapang ito at inupuan siya sa dibdib. Sa sobrang bigat nito ay hindi na siya makahinga halos. Sa tanang ng buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng labis na takot sa isnag bata! “`W-wag…” samo ni Ruth. “I’m hungry!” humagikhik pa ito. “Mrs. dela Merced, t-tulungan niyo ako!” Ngunit hindi siya pinansin ni Mrs. dela Merced na ngayon ay nakaupo na sa isang rocking chair na nakaharap sa bintana. Abala na ito sa pagko-cross stitch. Nagbibingi-bingihan sa kanyang pakiusap. Ginalaw-galaw ni Ruth ang nakaposas niyang kamay. Ngunit tila wala na talaga siyang pag-asa na makatakas. “I want your hair!!!” mala-halimaw na sigaw ni Cruzita. Malakas siyang napasigaw nang sabunutan siya ni Cruzita at hilahin nito ang buhok niya. Pakiramdam niya ang napunit ang kanyang anit sa sobrang lakas ng pagkakahiklas doon ng bata. Agad naman na dinala ni Cruzita sa bibig nito ang mga buhok na nakuha nito sa kanya. Gutom na gutom na nilunok nito iyon. Walang kahirap-hirap. Sanay na sanay ito sa pagkain ng buhok! Muli siya nitong sinabunutan at napasigaw siya ulit sa labis na sakit nang hiklasin nito iyon. Sa pagkakataong iyon ay sigurado na siyang napunit na ang anit niya. May dugo na kasing umaagos sa kanyang pisngi na nagmumula sa kanyang ulo. “Tama na!!! Hindi ko na kayaaa!!!” patuloy na sigaw niya. Patuloy lang si Cruzita sa ginagawa nito sa buhok niya. Sabunot. Hila. Kain. Paulit-ulit. Tila hindi ito titigil hangga’t hindi nauubos ang buhok niya. Tuwang-tuwa ito sa ginagawa habang siya ay napaiyak na sa sobrang sakit na nararanasan niya. Pati ang suot niyang damit ay unti-unti nang nababahiran ng dugo. Maya maya ay biglang tumigil si Cruzita. Nagsalo na ang dugo, laway at ilang piraso ng buhok sa mukha nito. Nakatingin lang sa kawalan ang bata habang humihingal. Siya naman ay nagdadasal na sana ay tumigil na ito dahil parang hindi na niya kakayanin pa. “Mommy!!!” tawag ni Cruzita sa ina. “Ano iyon, Cruzita?” tanong ni Mrs. dela Merced ngunit patuloy pa rin ito sa pagko-cross stitch. Magsasalita pa sana si Cruzita ngunit bigla itong sumuka sa kanyang mukha. Sinalo ng mukha niya ang mabahong likido, buhok at piraso ng kung anu-anong pagkain na nanggaling sa loob ng tiyan nito. Marahil, sa sobrang dami ng buhok na kinain nito kaya ito sumuka. Diring-diri na napatili si Ruth. Hindi kasi niya naiwasan na makainom ng likidong isinuka ni Cruzita. Gusto na rin niyang sumuka ng sandaling iyon pero hindi niya magawa sa labis na takot. Isang malakas na dighay ang pinakawalan ni Cruzita pagkatapos. Umalis na ito sa pagkakasampa sa kanya at nilapitan ang ina nito. “Are you happy now, my Cruzita?” tanong dito ni Mrs. dela Merced. “Yes! And I want to sleep now!” pasigaw na sagot nito. “That’s good to hear. Now, go to your room and sleep…” Sinunod naman ni Cruzita ang ina. Nang wala na ang bata ay nilapitan siya ni Mrs. dela Merced. Tinanggal na nito ang pagkakaposas niya. “Maglinis ka na, Ruth. Napasaya mo ng sobra ang anak ko!” nakangiti nitong sabi sa kanya. Kahit hindi na nakaposas ay hindi pa rin makagalaw sa pagkakahiga si Ruth. Labis ang shock na nararamdaman niya ng oras na iyon. Pakiramdam niya kasi ay katapusan na niya kanina sa kamay ni Cruzita. NAPAIYAK si Ruth nang makita niya ang kanyang sarili sa malaking salamin sa banyo ng silid na iyon. Puno ng buhok at suka ang kanyang mukha. May dugo rin doon maging sa kanyang katawan. Halos makalbo na rin siya. Sobrang nipis na ng buhok niya at puno ng sugat ang kanyang anit dahil sa marahas na pagkakahila ni Cruzita sa kanyang buhok. Apat na milyon kapalit ng lahat ng sakit na ito. Para sa kanyang nanay at kapatid… NANLAKI ang mga mata ni Ruth nang buksan niya ang attache case na inabot sa kanya ni Mr. Black. Nasa opisina na ulit siya nito. May benda siya sa kanyang ulo na pinatungan niya ng bonnet. “Two million, eight hundred thousand pesos! Iyan ang sventy percent ng four million pesos, Ruth…” anito sa kanya. Isang araw na ang nakakalipas matapos ang traumatic na naranasan niya kay Cruzita. Sa ngayon ay hindi pa rin siya gaanong nakaka-recover sa pangyayaring iyon. Pinasadahan ni Ruth ng kamay niya ang pera na maayos na nakalagay sa attache case. “S-salamat, Mr. Black…” “Enjoy your money, Ruth. At sana bumalik ka ulit dito upang magbenta.” Umiling siya. “Ayoko na. Hindi na mauulit ang pagbebenta ko dito.” “`Wag kang magsalita ng tapos, Ruth… Sigurado ako. Babalik ka ulit dito. Kakainin mo lahat ng sinabi mo ngayon.” “Bahala kayo kung anong iisipin niyo. Sige po, aalis na ako. Paalam!” “See you soon…” sagot naman nito sa kanya. NAIRAOS na naman ni Ruth ang isang session ng chemotheraphy ni Tonton. Naibili na rin niya ng pangdalawang buwan na gamot ang kanyang Nanay Rita. Laking pagtataka nga ng kanyang ina sa dami ng dala niyang pagkain nang dalawin niya ito sa ospital. “Ruth, saan ka kumuha ng perang pambili ng lahat ng ito?” tanong ng nanay niya habang isa-isa niyang inaayos ang mga prutas na nasa maliit na mesa. “Tapos, nailipat mo pa ako sa isang private room. `Wag mong sabihin na katulad ka na rin ni Honeylyn!” Ngumiti si Ruth. Kahapon ay bumili siya ng wig na siyang suot niya ngayon. Sigurado kasi siya na magtataka ang kanyang nanay kapag nakita nito ang kanyang buhok. “Hindi po, ah. Kahit kailan, hindi ko gagayahin ang trabaho ni Honeylyn. Pinautang po ako ni Cheska. Mayaman na po siya ngayon, `nay!” pagsisinungaling niya. “Ganoon ba? Pag nagkita kayo ni Cheska, ipaabot mo sa kanya ang pasasalamat ko…” Tumango siya. “Sige po, diyan muna kayo, ha. Kakausapin ko lang ang doktor—“ Hindi na naituloy ni Ruth ang sasabihin dahil pumasok doon si Dr. Perez—ang doktor ng kanyang nanay. “Oh, `andito na pala kayo, dok. Papunta na po sana ako sa inyo.” “Actually, kailangan talaga nating mag-usap, Ruth, tungkol sa operasyon ni Nanay Rita mo…” anito. “Bakit po?” “Ruth, as soon as possible ay kailangan nang isagawa ang heart transplant sa kanya or else baka mangyari ang kinakatakutan natin. Hindi na maganda ang lagay ng puso ng nanay mo…” Kahit malumanay ang pagkakasabi niyon ni Dr. Perez ay nagulat pa rin si Ruth. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD