MODERNO na ang Cabo San Lucas at may taxi na. I'm a good driver but I wouldn't dare drive here. Halos walang speed limit. Mahirap ng maaksidente dito lalo at hindi ko kasama si Melanie sa pagpunta sa bayan. Isa pa , problema ang parking dahil puro side street at puno ng mga nagtitinda. Isang simpleng bulaklakan na off shoulder ang pinili kong isuot at flat sandals. Inilugay ko ang akin mahabang buhok.
Naniningin ako ng mga souvenir ngayon at may ilan na akong napamili. As usual, doble ang binibili ko na magkaibang kulay. Maliliit lang naman ito at madaling bitbitin kaya ayos lang. May nakita akong magandang bracelet kaya pansamantalang ibinaba ko muna ang mga pinamili ko . Nang biglang may humigit ng bag ko at nagtatakbo palayo sa akin.
Napasigaw ako at humingi ng tulong. "Help! Somebody, help," hinabol ko ang lalake pero sadyang mabilis s'ya.
My passport is in my bag at hindi ako makakauwi kung mawawala 'yon. Pwede naman ako magpunta sa embassy pero hindi ako nakakasigurado na mabibigyan ako agad ng temporary letter para gamitin sa pag-uwi.
Naiiyak na ako sa inis ng may biglang mabilis na lalakeng lumampas sa akin at inabot ang snatcher. Nagpambuno ang dalawa at isang suntok ang pinawalan ng misteryosong lalake sa panga ng snatcher. Sa takot siguro nito na suntukin s'ya uli ay piniling bitawan ang bag ko at nagtatakbo ito palayo.
"Miss, here's your bag. Are you okay," kunot noo n'yang tanong sa akin.
Hindi ako makapagsalita at pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. My gosh! He is the most handsome man I have ever seen. Kulay abo ang kanyang maamong mga mata na may malalantik na pilik, matangos na ilong, mapupulang labi na katamtaman ang kapal -- at parang kay sarap halikan! DD, anong nangyayari sa 'yo? Mahaba ang buhok n'ya na nakastyle ng top knot. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Hindi ko tuloy matukoy kung Pilipino rin s'ya o local dito. Nang ngumiti s'ya ay lumabas ang biloy sa kaliwang pisngi.
"Miss," untag n'ya sa akin.
Noon lang ako nahimasmasan. "Uhm -- I'm.. w-what did you just say?"
Sa katangahan ko ay nalimutan ko pa ang tinatanong n'ya kanina sa akin. Of all days, ngayon pa talaga ako natulala at nabingi. Ito na ba ang sinasabi ni Mel? 'Yong parang nadaanan ng tren at tinangay ang puso ko. Tinitigan ko s'ya uli at pansin ko ang simpleng puting polo na suot n'ya at khaki shorts. Parehong linen ang tela. Pati ang sapatos n'ya ay loafers. Mukhang may kaya rin ang isang ito, pero bakit wala akong maramdaman na pagkahambog sa kanya? Dahil ba iniligtas n'ya ako?
"Pumasa ba ako sa panlasa mo?"
Pilipino s'ya! Wait, ano daw? "Panlasa?"
"You were looking at me like you wanted to eat me. Not that I would mind --"
Nanglaki ang mata ko ng mapagtanto ang ibig sabihin ng sinabi n'ya. "Bastos!"
Hinaklit ko ang bag ko saka s'ya iniwan sa kinatatayuan n'ya. Ni hindi ko makuhang magpasalamat sa kanya. Hmp! Magsama sila ng snatcher na 'yon. Isang mandarambong at isang manyak! Bwiseet! Binalikan ko ang pinamili ko at umusal ako ng pasasalamat na walang nagtangkang kumuha.
"Miss, how much is this?"
Sinabi nito ang presyo at babayaran ko na pero sumunod pala ang lalake at nag-abot ng pera sa tindera.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Doing the same thing you're doing."
I don't what happened. But now, he irritates the hell out of me! Ang masama pa, binayaran n'ya ang parehong item na binibili ko pero hindi n'ya inabot sa akin. Iisa na 'yon eh! Akin 'yon!
"What the hell do you think you're doing," inis kong tanong sa kanya.
"Bumibili nga ng pasalubong."
"Don't toy with me. I was buying that item you're holding and now you have it for yourself. What's wrong with you? Pangbabae naman 'yan ah," sikmat ko sa kanya.
"Sinabi ko ba na ako ang gagamit nito?"
"For your information, I didn't say you were. Why, do you swing that way?"
Imbes na magalit ay tumawa ito ng malakas at umiling. "Have lunch with me."
"W-What?"
"Have lunch with me."
"At bakit naman ako kakain na kasama ka, aber?"
"You owe me. I saved you from a having a lot of trouble."
"Like what?"
"You and I both know your passport is there," itinuro n'ya ang bag ko.
"So what?"
Bumuntong hininga s'ya. "Kung hindi ko hinabol ang snatcher, paano ka uuwi ng Pilipinas?"
I hate to admit it, but he's got a point. Damn it! And I do owe him, ni hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sa kanya. Pikit mata akong pumayag sa lunch invitation n'ya.
"Fine, I will have lunch with you at pagkatapos ay uuwi na ako."
Ngumiti s'ya. "Good girl."
May dala s'yang kotse at pinasasakay ako pero nagpakatanggi tanggi ako. Oo nga at sinagip n'ya ako kanina, pero hindi ibig sabihin ay magkaibigan na kami at dapat ko na s'yang pagkatiwalaan. Malay ko kung masamang tao pala s'ya. Paano na lang ang puri ko?
"Wala bang malapit na restaurant? 'Yong pwedeng lakarin? Doon na lang tayo kumain."
"Tirik na ang araw, gusto mo pang maglakad," nakakunot ang noo na tanong nito sa akin.
Napangiwi ako. Totoo naman na tirik na ang araw at medyo masakit na nga sa balat. Kung magtaxi na lang kami?
"Let's just take a taxi?"
Tumaas ang kilay nito. "Gusto mong mag-taxi kahit may dala naman akong kotse?"
Tuluyan na akong napapadyak sa inis sa kanya. "I'm trying to meet you halfway here. Una, ayaw kong sumakay sa kotse mo dahil hindi naman tayo magkakilala. Pangalawa, 'yon pa rin ang rason ko."
Mahina s'yang napatawa. "Fine, let's take a taxi."
Saglit lang at may dumaan na bakanteng taxi. Pinara n'ya 'yon at sumakay kami. "Restaurante Piccolo."
I read about that place. Masarap daw doon ang pagkain at napakalinis ng restaurant. In fairness, may taste s'ya. I was busy looking outside when I felt her hand near my face. Nilingon ko s'ya.
"Anong ginagawa mo?"
"Makulit kasi itong mga hibla ng buhok mo, humaharang sa view," ikinipit n'ya 'yon sa likod ng tenga ko.
Ang saglit na pagdidikit ng balat namin ay nagdulot ng kakaibang kilig at init sa buong pagkatao ko. At ang puso ko, natuluyan ng gumulong sa kung saan. Ito na ba ang love at first sight? Kung si Melanie ay may dalawang buwan bago na-in love kay William.. mas malala ako. Dahil wala pang isang oras ay samu't saring emosyon na ang pinagningas n'ya mula sa akin.
Damn this man for making my heart beat fast.