NANIGAS ako at saglit na natigilan sa ginawa n'ya. It was a subtle move and what suprised me, is that I liked it. It's not like I have someone to compare it with but you know, it was a grown man's move. Noong nasa kolehiyo pa ako, may ilan na nagparamdam sa pamamagitan ng bulaklak, sulat pero bukod doon ay wala na. Isa pa, isang beses lang nilang gagawin at pagkatapos ay mawawala ng parang bula. It's like they changed their mind in an instant. Bigla nga akong napaisip, pangit ba ako at bigla silang naturn-off? Hindi naman masama ang ugali ko pero bigla na lang nila akong iniiwasan.
"Anong iniisip mo," tanong n'ya sa akin.
Nakaupo na kami ngayon sa restaurant at mukhang kilalang kilala s'ya dito. The restaurant boasted an ocean front view at masarap ang hangin na dumadapyo sa balat ko. Nasa patio kami ngayon at puno ang lahat ng mesa. Dinadayo talaga ng mga turista. Ang ipinagtataka ko ay kung paano s'ya nakakuha agad ng table kung mahaba ang pila sa labas.
"How did you get this table?"
Ngumiti ito. "Using my charms."
Napaismid ako. "Talaga ba?"
"Why? You don't find me attractive?"
Parang tanga itong lalakeng ito. Napansin ko lang, lagi n'yang nililihis ang usapan sa pagbigay ko ng compliment sa kanya.
"I don't know. I guess you're alright." Alangan naman sabihin kong s'ya ang pinakagwapong nilalang na nakita ko? Nasaan naman ang hiya ko?
Napatuwid ito ng upo. "All right?? That's it? You find me all right?"
"Ano naman ang masama sa all right?"
"You might as well tell me that I'm ugly and not your type," himutok nito at lukot ang mukha.
Ikinatawa ko ang itsura n'ya. Parang bata na inagawan ng kendi. Nakanguso at nakakunot ang noo at ang mata ay diretso ang tingin sa dagat. Sakto naman na inilapag ang dalawang iced tea.
"What's so funny," iritableng sabi n'ya sa akin.
"Ikaw. Para kang paslit."
"How so?"
"Have you looked at yourself? Para kang inagawan ng paborito mong laruan."
"Well, that's how I feel right now so yes -- you are right about that."
Nakasimangot pa rin ito. "Bawal daw sumimangot kapag nasa harap ng pagkain."
"Wala pa naman pagkain, inumin pa lang."
Tuluyan na akong napahalakhak sa kanya. Kay tanda na ay may isip bata pa rin. But you know, he's an adorable man -- right, DD?
"What is so funny now?"
"Magdidikit na ang kilay mo. Relax. I just remembered we are sitting here and we don't even know each other's names. Let's start over, shall we? I'm Delta Dalmases, my friends call me DD. What's your name?"
Noon ko lang s'ya nakitang ngumiti uli. Damn those dimples -- biglang lumukso ang puso ko. Kaya nakakalimutan ko ang pangalan -- isang tingin ko lang sa kanya, natutulala na ako.
"I'm Gabriel."
"What's your last name?"
Nakita ko s'yang lumunok ng dalawang beses. Ayaw ba n'yang sabihin ang apelyido n'ya?
"Laguera."
Laguera? Saan ko ba narinig ang apelyidong 'yon?
"It's nice to meet you Gabriel, and thank you for saving me earlier," inilahad ko ang kamay ko sa kanya at saglit n'yang tinitigan 'yon saka inabot. Firm handshake.
"You're welcome."
Nagkwentuhan kami na parang matagal na kaming magkakilala. Hindi naman pala s'ya mahirap pakisamahan. Likas lang na mabiro at kaya kung hindi mo s'ya kilala ay makakaramdam ka ng inis sa kanya.
"So where are you staying," naghiwa ito ng manok sa plato at isinubo.
Saglit ko s'yang pinagmasdan at kapansin pansin ang kilos n'ya. Halatang metikuloso at pati ang paghawak ng kubyertos ay aral na aral. His table manners are exquisite.
"Las Palmas," uminom ako ng tubig.
Tumango tango ito, "Maganda doon at malinis. I've been there once."
"Ikaw, saan ka tumutuloy dito?"
"Not too far from Las Palmas. Mga limang minuto siguro kapag nilakad."
Napakunot noo ako. May ilang mga hotel doon pero ang tinutuluyan ko lang ang nabigyan mg five star rating. The rest were either three stars or less. Imposible naman na doon s'ya sa mga hotel na 'yon tumuloy.
"Where, if not in Las Palmas?"
Hindi na ako nahiya pero nag usisa talaga ako. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi n'ya at halatang may gustong sabihin na panunukso.
"Why? You want to see my place?"
Tumaas ang kilay ko. "Una akong nagtanong. Pero sige, sasagutin ko ang tanong mo. Hindi ako interesado."
Malawak ang naging ngiti n'ya. "I am staying at a villa nearby."
Nanlaki ang mata ko. "The one with the ocean view?"
"Yeah, you've seen it?"
Tumango ako. "It's beautiful!"
"Thanks."
"Do you own it?"
Tumikhim ito. "No, a friend is just letting me use it while I'm here."
That villa he was talking about is huge. It's an old Spanish villa but it's pristine. Kahit yata agiw ay wala ito at halata na alagang alaga. Arko pa lang sa tabing karsada ay walang kalawang ang bakal at maging ang gate ay mukhang bagong pintura. He's got connections, that's for sure.
Nang matapos kaming kumain ay nagpahatid kami sa taxi kung nasaan ang kotse n'ya.
"Do you mind if I take you back to your hotel or do you want to take the taxi instead?" Ang mga mata n'ya ay mukhang nangungusap.
Nag-iwas ako ng tingin at saglit na pumikit. Tama ba na sumabay ako sa kanya? It is on the way. Hindi ba nakakahiya? S'ya na ang nagligtas sa akin kanina ay nilibre pa ako ng tanghalian. Ngayon naman ay gusto naman n'ya akong ihatid. Aminin mo, DD — gusto mo din naman.
"Sige, sabay na lang tayong umuwi."
Nagliwanag ang mukha n'ya at masayang ipinagbukas pa ako ng pinto. Sa b'yahe namin pauwi ay nagpatugtog s'ya ng radyo. Ang lenggwahe ay Espanyol pero malamyos ang boses ng babae. Masarap pakinggan ang kundiman na inaawit n'ya. Saglit lang at nasa hotel na kami. Ipinarada n'ya ang kotse at bumaba pa para ipagbukas ako ng pinto.
"Salamat sa lahat, Gabriel," nakangiting wika ko sa kanya.
Ang hindi ko inaasahan ay sunod n'yang gagawin. Tinawid n'ya ang pagitan ng mga labi namin at ginawaran ako ng isang masuyong halik. Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata at namnamin ang tamis ng unang halik.