CABO SAN LUCAS, MEXICO
KAHEL. 'Yon ang kulay ng kalangitan ngayong hapon. Ikatlong araw namin ngayon ni Mel dito sa Cabo San Lucas at may dalawang araw pa kami bago umuwi sa Pilipinas. Noong nakaraang taon ako nagtapos ng kolehiyo at nakatanggap din ng mataas na karangalan -- Summa c*m Laude, sa kursong Business Management. Bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng Delta Group of Industries, it was an expectation for me to obtain that degree. Okay lang sa akin, bata pa lamang ako ay palagi na akong kasama ng mga magulang ko sa opisina. I sat at the back during their meetings and quickly learned by observing and listening. After a year of training in our company, I decided it's time for me to take a break. Gusto ko sanang mamasyal muna at huminga bago ko tuluyang pamunuan ang kumpanya. I don't want to fail them. I know how important this company is for them. After all, my great great grandparents were the ones who started it.
"Huy DD! Tunaw na ang frozen margarita mo," untag ni Melanie sa akin.
Napangiti ako. "Sorry naman. Nagandahan lang ako sa kulay ng langit."
"Maganda naman talaga. Parang stationery, pwede ng sulatan ng love letter," uminom ito ng pina colada n'ya.
Umasim ang mukha ko. "Love letter kung may susulatan."
Humalakhak ang kaibigan ko. Kung si Melanie ay naka-ilan na ng nobyo simula noong high school kami, ako naman ay wala pa kahit isa. May mangilan ngilan akong hinangaan na lalake noong nag-aaral pa lamang ako. Pero madali rin nalusaw ang paghanga ko lalo na noong puro kayabangan ang nakita ko sa kanila. Porke madaming nagkakagustong babae at naghahabol, feeling entitled na?
"Bakit ba kasi ayaw mo pang harapin yung ipinagkakasundo sa iyo?"
Tuluyan ng nalukot ang mukha ko sa sinabi n'ya. "Mel naman eh. You know what my stand is on that. I will do everything for my parents, but that's something I can't really do. Imagine being stuck in a loveless marriage forever?"
"Loveless agad? Malay mo, gwapo!"
"At paano kung hindi? Ikaw na lang kaya ang magpakasal," tudo ko sa kanya.
"Ako ba si Delta Dalmases?? Besides, may hot boyfriend ako. I really think he is the one."
Tumawa ako ng mahina. "Here we go again. You said the same thing a few months ago. Then the next thing I know, nanawa ka na at break na kayo. Hindi lang 'yon, may bago ka na kaagad!"
Imbes na ma-offend sa sinabi ko ay tumawa pa ng malakas. Kapag may kaibigan ka na katulad ni Melanie San Diego, mawawala lahat ng problema mo sa buhay. Apat kaming matatalik na magkakaibigan, pero ang dalawa ay hindi pinayagan ng mga magulang nila na magbakasyon ngayon. Natambakan ng trabaho ang mga ito at 'yon ang priority. Nangako naman si Hannah at Kristal na babawi sa amin ni Mel kaya hinayaan na namin.
"Aba, sister! Bakit naman ako mag-aaksaya ng oras sa alam kong dead end? Syempre, doon ako sa magiging masaya ako. And right now, William is making me happy. Hindi s'ya seloso, maginoo pero medyo bastos.. if you know what I mean," sabay hagikhik nito.
Napatampal noo ako sa sinabi n'ya. Mel is the wildest in our group. Pero huwag ka, virgin pa 'yan at takot rin sa premarital s*x. Gan'yan lang talaga s'yang magsalita at mag-isip. Hindi ba halatang c*m laude s'ya ng magtapos kami?
"Maginoo pero medyo bastos.. maryosep, Melanie!"
"Kapag ikaw nagkaroon ng boyfriend, malalaman mo ang sinasabi ko. It's like, you didn't even see it coming. Parang kang dinaanan ng tren sa bilis at tinangay ang puso mo. Yieee," bahagya pa itong kinilig.
"Maginoo pero medyo bastos.. tren.. tinangay ang puso.. tinatakot mo ba 'ko??"
"Hindi ah! Sa 'yon ang naramdaman ko kay William eh. Mahal ko na nga eh," nakalabing sabi nito.
"Mahal talaga? It's been only two months mahal mo na agad agad?"
I was flabbergasted. How could you fall in love with someone within two months!? It needs a little bit more time than that, right? Hindi mo naman makikilala ang tao sa loob lang ng dalawang buwan. Syempre puro magaganda ang makikita mong ugali kasi bago pa lang.
"Oo nga, mahal ko na si William. I swear, kapag inaya n'ya akong magpakasal -- yes na yes agad ang sagot ko!"
"Naku, ewan ko sa 'yo, ikaw talagang babae ka. Tingnan ko lang kung payagan ka ng parents mo."
"DD, kapag tinamaan ka na ng pana ni Kupido -- wala ka ng magagawa kundi sundin ito."
"Donna Cruz, ikaw ba 'yan?"
Nag-apir kami at tuluyang naghagalpakan. Ang luka luka, mas marami pang nainom sa akin. Nandito kami sa balcony ng kwarto n'ya nag iinom kaya ng malasing s'ya ay inalalayan ko pa papunta sa kama n'ya at kinumutan. Inilagay ko rin ang trash bin sa tabi ng kama n'ya sakaling gusto n'yang sumuka. Sa tingin ko naman ay mahimbing na ang tulog n'ya.
Nang matiyak ko na okay na s'ya ay nagtungo na ako sa kwarto ko. There is an adjoining door kaya magkasama pa rin kami. Mas may privacy lang kaming dalawa kapag ganito. I did my night rituals, changed into my pajamas and went to bed. Naalala ko pa rin ang sinabi n'ya kanina tungkol sa kung paano mo malalaman kapag mahal mo na -- mukhang nakakatakot. At the same time, it also requires the other person to feel the same thing. The last thing any woman would want to experience is an unrequited love. Ang saklap kapag nagkataon. Makatulog na nga bago pa ako bangungutin.
Kinaumagahan, nagising ako ng alas otso ng umaga. Ngayon namin balak bumili ng mga souvenirs at ilang pasalubong. Kinatok ko s'ya at ng hindi sumagot ay binuksan ko na ang pinto sa pagitan ng kwarto namin. Pero ang babaeng luka luka, tulog na tulog pa at mukhang nasobrahan sa kalasingan.
"Rise and shine, San Diego -- ngayon ang punta natin sa palengke."
Umungol ito at nagtaklob ng unan sa mukha. "My gosh, DD! How can you wake up so early like this?"
Sanay na ako na maagang gumising dahil bilang isang businesswoman, dapat hindi mahuli sa kahit anong usapan.
"Early riser talaga ako kahit ilan pa ang inumin natin. Bangon ka na at samahan mo akong magbreakfast," I poked her on the arm.
"DD.. pwedeng pass muna," ungot nito. Kapag ganyang malambing na ang boses n'ya, may pabor na gustong hingin.
"Hindi ka sasama ano?"
"Sorry.. ang sakit ng ulo ko talaga. Huhubells! Ikaw kasi, hindi mo ako inawat kagabi."
Tingnan mo ang lukaret na ito at sinisi pa ako sa pag iinom at sakit ng ulo n'ya.
"O sige na, matulog ka na lang at papasyal ako sa bayan. Babalik rin ako kaagad. May gusto ka bang ipabili?"
"Kung ano bibilhin mo, doblehin mo na lang tapos magkaiba ng kulay para may pasalubong ako sa kanila."
Ang talino talaga, ako pa ang pagbibitbitin. Kung hindi ko lang mahal 'to.. naku!