Chapter 10

1774 Words
Theo's POV I was late in my first class in the morning and the professor didn't mind my tardiness and let me sit in my seat. It was another boring day at school because I'm already aware of the lesson the prof is teaching, I looked at my friend, Alex, and was dozing off on his seat. My lips formed into a smirk when I thought of an idea and peeled a piece of paper in my notebook and crumbled it and aimed it at Alex before hitting him right in the face making him jolt on his place causing a noise that disturbed the class. Yes, it was that loud. "Mr. Alexander Sung, what happened?" The professor spoke and was glancing at him. I held my laughter because of the way his reaction made me laugh at him. "I-uhh, sorry sir." Napatahimik siya sa pwesto niya habang yung iba naman ay natatawa sa ginawa niya. Lumingon ito sa akin at sinamaan ako ng tingin dahil ako lang naman ang may kaya na pagtripan siya, kaya mas lalo ako natawa sakanya. Pagkatapos ng discussion ng prof ay nagpagawa siya ng activity, per partner at siya ang namili ng partner namin, may ilan na natuwa sa naging partner nila at may ilan na nagreklamo. Siguro hindi natuwa sa partner nila kasi hindi mawawala sa klase ang taong walang kwenta sa gawain, I know a lot here but I rather not be a douche and pinpoint at them, it's too tiring and it's not my business. Ako naman, wala akong pake sa nagiging kapartner ko may ilang beses na ako nakapartner na walang kwenta kaya ako na lang tumatapos ng assignment namin. Why? Kasi panay show-off lang sila na ako yung naging partner nila at masipag ako kaya hinahayaan na lang nila na ako na gumawa ng lahat. I remember my freshman year in this university, my kapartner akong babae sa isang minor subject at sobrang pathetic niya. Walang kwenta miski magpaprint na lang ng softcopy ay di magawa kasi dahilan niya sira raw printer at late na siya makakauwi nung araw na iyon, I know that girl because she's a party animal and hindi siya seryoso sa pagaaral at pinilit lang siya ng magulang niya. Kaya nung araw ng reporting namin, panay basa lang siya at hindi niya ganun nacoprehend yung topic namin where in fact that I explained it to her the night before our presentation. I just shook my head and was not surprised when I heard the news that she failed most of her subjects and repeated her first year. The professor is done partnering us to whoever and I looked at the name listed on the whiteboard when I found my name aligned with the name of my partner and I was a bit surprised when I found out that my partner is━ "Okay class, I will give you the rest of this period to plan about the topics I assigned that is written on the board, you can find them in the library and will be reported on our next meeting, this is just a short reporting so we will finish this in one day." I looked beside me to see her looking at my way as well, may isang upuan ang may agwat sa amin at hindi ko rin naman ramdam ang presensya niya at napakatahimik sa klase, sasalita lang siya kapagtinawag siya ng professor kapag may recitation o di kaya pinapaexplain sakanya na kung ano. I saw her stand up from her seat and sit on the chair that is between us and moved closer, I was watching every step of action she is making before she looks at me in the eye without being rattled or being intimidated by my presence. Usually, people are like that to me when they become my partner or near me in general... "So, what." Nawala iniisip ko nang magsalita na siya. Kung paano siya tumingin sa akin ay parang wala lang, mukhang inaantok pa at sobrang nabored sa klase kanina lang. Tinignan ko muna yung topic na nakalagay sa amin bago umayos ng upo at inusog yung upuan ko para magkatapat kami, sa ginawa kong iyon ay parang wala lang sakanya. Same bored expression. Maybe I'll try to test her. "It's up to you." Sabi sakanya kaya tinaasan ako nito ng kilay. I don't even know if she's that kind of people kaya sawa na ako magbigay ng pake kung mageeffort ba sila sa pagaaral nila o hindi, kaya it's up to her. "Look," binalik ko ang atensyon ko sakanya nang magsalita ito, she was looking at me impassively and I did the same but colder, "I have seen some of your work and you're getting high grades with no problem, but what I have been noticing from you is that you don't like having group activities." paliwanag niya. "So,, what." Sabi ko, is she observing me? With that idea, I looked at her with caution. "Kasi, you don't know if your groupmates will exert any efforts as you do. Baka nasa mindset na nila na porket matalino ka, ikaw na gagawa nang lahat? I don't know really, observation ko lang naman iyon binase ko lang sa mga school works mo kasi sakin pinapacheck yung mga gawa natin." Sabi niya at sumandal na ulit ito sa upuan niya. I was silent when the class was dismissed, tumayo na ito at bumalik sa pwesto niya habang ako naman ay nakaupo pa at pinalibutan na ako ng mga myembro ko. I was tracing her back until she left completely in the classroom, bigla may bumatok sa akin kaya napalingon ako kay Alex na ngayon ay mapangasar na nakatingin sakin. "Hoy, ikaw ha. Alam ko yang tingin mo!" Sabi niya kaya tumawa yung mga nakapalibot sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin at nagsimula na rin magligpit ng gamit. We didn't even discuss our plans, with that thought I sulked a little. Shikaru's POV Umuwi na agad ako sa last subject ko kasi wala raw yung prof namin dun kaya hindi na ako nagtagal, may kailangan akong puntuhan at mas importante iyon sa ngayon. Kailangan makita ito ng dalawa kong mata. para maniwala ako. Para matapos na ito kahit tapos naman na dati pa. Hindi na ako umuwi ng bahay at dumeretso na ako sa kung saan siya nakatira. Paano ko nga ba nakuwa address niya? Tandaan, isa akong reaper at under ako ng Alpha. Hindi niya ako aampunin kung wala siyang nakitaan ng potential sa akin. Marami rin siyang tinuro sa akin, nagsimula pa lang ako sa pagbato ng dagger at makipagpatayan hanggang sa pinapagawa na sa akin ang ilan niyang business kapag busy siya. Halos dalawang oras na rin ang byahe at andito na ako nakarating sa isang compound, napakalayo mula sa pinanggalingan niyang bayan. Mukhang lumayo mula sa mga tao na nakitaan ng tunay na pagkatao niya, o baka sa ibang kadahilan at alam ko yun base sa narinig kong balita... Nilakad ko lang ito hanggang sa makarating na ako sa tinitirhan niya. Isang apartment, nasa ikalawang palabag sa pinakadulo na kung saan siya nakatira. Napaka simple ng apartment na kaya niyang upahan kung magtatrabaho siya ng mabuti at mukhang nakikita ko iyon dahil sa kung saan siya ngayon. Wala akong balak kumatok sa bahay nila at makigulo, gusto ko lang tignan kung ano na nangyari sakanya. Matagal na rin nakabaon sa puso ko iyon at gusto ko lang naman mangamusta. Bumukas bigla ang pinto at lumabas dun ang isang babae, mula pa lang dito sa labas ay mukhang napakasimple niyang tao, mukhang walang arte sa katawan at parang mas inaalala niya ang future niya kesa sa ibang bagay. Pagkababa mula sa apartment na tinitignan ko ay nagulat ako na may kasama pala siyang bata, anak siguro ng babae. Papalit ang mag ina sa pwesto ko nang marinig ko ang pinaguusapan nila. "Where's dada?" Tanong ng batang lalake sa kanyang ina. "He's at work anak, mamaya puntahan natin siya, okay?" Sagot ng ina sakanya habang may pahid ng ngiti sa mukha niya. Nang malagpasan na nila ako ay tumalikod ako para sundan sila ng tingin, sundan ko kaya sila? Mukhang wala yung hinahanap ko sa bahay nila, nasa work daw. Bumalik na ako sa kotse at sinundan ko sila, hindi ko pinahalata kasi nagcocommute lang ang mag ina at umabot ng isang oras at tumigil na ito sa isang building kaya pumarada ako sa kabilang kanto. Habang hinihintay ko sila ay inaalala ko yung babae, hindi siya yung nakita ko dati nung nahuli ko sila, bakit kaya? Iniwan din kaya siya nung babaeng yun?   Wow, karma is a b***h.  May lumabas na tao mula sa building at nilapitan na ang mag ina kaya dun ko na siya namukhaan.   It's him.  Napatulala na lang ako sa eksena na nangyayari.  Ang saya niya.  Ang sigla ng mukha kahit kagagaling lang sa trabaho, siguro nakita ang mag-ina niya. Binuhat niya ang bata at hinalikan ito sa pisngi at naglakad na ito paalis.  Base sa pagkakasabi sa akin ni Jenny ay pagkatapos niya tapusin ang highschool ay nagtrabaho na agad ito sa call center dahil sa hirap ng buhay, nakakapagtaka sakanya na mawalan ng pera kasi mayaman ang pamilya niya. Ang dahilan daw ay pinalayas ito ng magulang dahil natuklasan nila ang pinaggagawa niya pagkatapos ko raw magmigrate. Sa sumunod na sinabi ni Jenny ay uminit ang ulo ko bigla nung nalaman ko sakanya na pinagpalit ako sa b***h na nahuli ko, yung kabit niya.  All this time, yung sinasabi ni Jenny na niloloko ako ng lalaking iyon ay totoo na may kabit siya habang kami pa... bullshit, pinagpalit niya ako sa toxic.  Ang tanga ko naman, di ko manlang napansin yun... ganun ba ako nabulag sa pagibig sa puntong yung pagkakamali niya ay pinapatawad ko na lang? Ni hindi manlang ako kinutuban na may parang mali sa amin?  Sabi niya ang toxic ng relasyon nila na dahilan ng pagkawalang bahala ng responsibilidad sa school at madalas na raw nalabas ng gabi para makasama ang kabit sa mga parties at clubs, at dahil dun ay hinayaan na ito ng magulang kaya nagtrabaho na lang ito pagkatapos.  Kaya andito ako ngayon, para malaman ko ang kalagayan niya kung okay lang siya. Hindi tumagal ang init ng ulo ko sakanya dahil pinalayas ito ng magulang at dun lang ako nagalala, ang pagsasama ng kabit niya ay wala na akong pake dun, karma na ang bahala sakanya pero yung puntong iniwan na siya ng magulang niya ay dun lang ako naging concern, kasi parehas lang kami, tinalikuran kami ng magulang namin, kaya...  Max...?  Ba't mo ko ipinagpalit...?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD