Chapter 9

1980 Words
Shikaru's POV "Happy anniversary my love, you are the greatest gift for me and I can't ask for more. You are the sunshine to my life and I mean that, you always made my day every time we're together!" Habang sinasabi niya iyon mula sa papel na nanggaling sa envelope na naka-attach sa bouquet of pink roses na natanggap ko sakanya, may mga namumuong luha sa gilid ng mata ko at napapangiti at natatawa kahit na bulol siya sa sinabi niya pero di ko pinansin iyon. "Thank you babe," sabi ko sakanya at niyakap ng mahigpit, ginantihan niya rin ako ng yakap. His hugs make me so comfortable and contented with what I have right now, I wish today won't end so quickly and be with my man... "I love you..." Pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nakahalundusay na mga bangkay na mga pinaslang ko, ipinikit ko muli ang mga mata ko para iadjust ang paningin at nilibot ulit ng aking mga mata ang paligid. Isang private property, kumikinam ang mga ilaw mula sa mga slot machines at may ilan na nawasak mula sa mainit na labanan kanina lang. Nilinis ko muna ang dala kong armas bago ko ito ibalik sa mga lagayan nila sa gilid ko at nagsimulang maglakad paalis ng lunggang iyon, nararamdaman ko na ang pagod sa sistema ko kaya kailangan ko nang magphinga... Nanggaling pa ako sa pinakaboring na meeting kanina kaya nakipagusap ako na bigyan ako ng misyon para matanggal yung mga lamig sa katawan ko. Sa susunod di na talaga ako aattend sa mga ganung meeting, walanghiya mga kasamahan kong kapwa reapers! Ako na lang palagi! Pag sila pinapapunta, hindi sumisipot kaya no choice ako na lang palagi! Pagnakita ko talaga mga pagmumukha nun lalampasuhin ko talaga sila sa sahig at gawing kong pamunas ng sahig! At hindi lang pantanggal ng lamig sa katawan ang ginawa ko, inaalis ko rin yung alaala nung nakipagusap ako kay Bravo, sobrang kahihiyan... paano pa kaya pagnagkita na kami sa lugar niya? Kailangan ko rin siyang bantayan dahil utos ng matanda. Nang makalabas na ako ay dumeretso ako sa kotseng ginamit ko at umalis na agad sa lugar. Habang nagmamaneho ay nagring ang telepono ko at nakitang unknown number siya, mga ilang ring pa ang hinintay ko bago ko sagutin, tinatamad kasi ako eh kapag hindi ko kilala yung tumatawag. "Who's this." sagot ko. [Hello, miss. This is the assistant of Bravo and would like to inform you for a meeting at ***.] Napatingin ako sa phone ko sa dashboard, secretary ng Bravo? siya kaya yung kasama niya kanina sa mansion? Boses lalake eh kaya siguro siya iyon. "When and what time," Tanong ko, kumaliwa ako sa isang kalsada sa may madilim na lugar at pinark ang kotse dun. [Tomorrow at 8'o clock pm.] sagot ng sekretarya. Binabaan ko na siya ng tawag at tahimik na lumakad papalayo sa kotse. Di naman sa akin yan eh kaya bahala na iyon magisa. Umabot na ako ng alas cuatro ng umaga sa bahay namin at dumaan ako sa bakod namin sa likod nang tahimik at umakyat sa balkonahe ng kwarto ko at deretso pasok, habang papalapit sa kama ay isa-isa kong tinanggal ang mga gamit na nakalawit sa katawan ko pati na rin yung suit ko at itinapon ang sarili sa napakalambot na kama at dumeretso na sa pagtulog... Tanghali na ako nagising nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko, pagbukas ko ay nakita ko si ma, namilog mga mata ko at bigla ako nabuhayan ng kaluluwa nang malaman ko na si ma nga! "ma," sabi ko, ngumiti siya sa akin. "Goodmorning anak, kumain ka na ng tanghalian mo at papasok na ako sa trabaho ko, mamayang gabi pa uwi ko kaya behave ka lang dito ha?" Paalam niya at hinalikan ako sa pisngi bago bumaba sa sala namin. Napabuntong hininga ako at sinarado na ang pinto at nilock, nagpaalam lang pala eh... Paglingon ko ay minasdan ko paligid ng kwarto ko na maraming gamit na nakakalat kasama na rin yung mga damit at mga armas na ginamit ko kagabi na iniwan ko lang sa sahig. Napalinis tuloy ako sa di oras at muntik na talaga ako mabuking kay ma, paano kaya pag nakita niya ito? Hindi talaga nila pwedeng malaman ang ginagawa ko sa buhay ko at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nagkataon na makita nila ako. Baka itatapon na naman nila ako sa ibang bansa... Baka hindi na nila ako tatanggapin pa ulit.. Napahawak na lang ako sa ulo ko sa mga naiisip ko, minsan ayoko na lang magisip para hindi ako masaktan sa mga iniisip ko na hindi ko naman alam kung totoo ba o hindi. Minsan ayoko na wala akong gawin dahil nabubugbog ko sarili ko kakaisip. Tumayo na ako mula sa pagkaupo ko sa sahig at bumaba na sa hapagkainan para kumain, naisipan ko rin na gumala sa mall para maiba naman ng environment, nakakasawa rin makita mga tao dito. Simple lang sinuot kong pangalis at ginamit ang hiram na kotse kay dad papunta sa mall, hindi masyado crowded ngayong byernes siguro kasi may pasok pa mga bata at matanda kaya sakto lang. Nagwindow shopping lang ako sa kung saan-saan, may nabili rin akong mga gamit na pwede idisplay lang sa kwarto ko at ilang mga s**t din like books and stufftoys. Palabas na ako sa isang store na binilhan ko ng stufftoys nang may dumaan na magkasintahan, naningkit mga mata ko sa di oras nang makita ko na halos magisang tao na sila sa sobrang dikit nilang dalawa, may pa flower pa si ate mo ghorl habang yung lalake naman may hawak hawak na mga paperbag, siguro regalo para sa jowa niya. Napairap na lang ako ng mga mata at tinuloy ko ang shopping ko, hindi rin nagtagal at nagsawa na rin ako magikot-ikot kaya nagpahinga ako sa isang coffee shop. Nakapagorder na rin ako ng drink at umupo sa may dulo kung saan may saksakan para makapagcharge ng phone, katabi ko ang bintana at kita ko ang mga tao na busy sa kani-kanilang buhay, okay na sana ang pwesto ko kaso may maingay akong katabi, napatingin ako sakanila at siningkitan ng mata dahil ang ingay nila magchismisan na akala sila may ari ng shop na ito. Nung una hindi ko sila pinansin kasi baka sakaling mahiya sila sa pinaggagawa nila kaso hindi eh, halos 15 minutes na sila nagiingay sa kabilang lamesa kaya nilingunan ko na sila kasi nagtitimpi na talaga ako sa ingay nila, at bakit walang staff ang pumipigil sakanila? Tsk. "Excuse me!" Sabi ko sa kabilang lamesa. Paglingon ng dalawa ay bigla nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko yung isa sakanila, pati siya nanahimik saglit bago niya mapagtanto kung sino umistorbo sakanila. Damn, sabi na ba eh... "Shikaru...? Ikaw ba yan?" Tanong niya at tinignan pa ako ng mabuti kung ako ba talaga yung tinatawag niya, ngumiti lang ako. "Hi, Jenny, long time no see." Pagbati ko sakanya, tuluyan na siyang nagulat at ngumiti sakin. "Uy! Ikaw nga! Ano na nangyari sayo? Bigla ka na lang nawala dati!" Bigla siya lumipat sa pwesto ko at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko, medyo nagulat pa ako dahil ang hyper niya at hindi na nagbago yun sa pagkatao niya. Ang problema lang ay ito ang ayaw ko, yung makikita ko yung dati kong mga kakilala lalo na sa mga ex bestfriends ko kasi magtatanong sila ng kung anu-ano ginagawa ko sa buhay ko lalo na sa nangyari dati sa ain. Mga salot sa buhay, binabalikan nila yung alaala na binaon ko na sa impyerno. "Kamusta?" Tanong niya sa akin, nagkibit balikat ako. "I'm good." And there, I knew the moment she paused after my response is where this conversation will be shitty and this is the reason why I don't want to meet ex-friends. I rolled my eyes internally to avoid being rude to her and just smiled. "Ikaw? Kamusta naman kayo ni Elizabeth?" tanong ko naman para di ma awkward tong kasama ko, ngumiti muna siya sa akin bago umiwas ng tingin kaya napaangat ako ng kilay sakanya.  "Ayun, sumama na sa iba, haha!" Sabi niya habang nakangiti pero hindi ito natingin sa akin. Sa aming tatlo, si Elizabeth ang hindi ko ganun kaclose. May times na nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay pero pag may nakilala siyang bagong tao, doon muna siya sasama hanggang sa magsawa siya o di kaya nakitaan yung tao na may baho o aspect na ayaw niya at babalik sa amin ni Jenny na parang walang nangyari. Oo, ganun siya kakupal dati, hindi ko na alam ngayon kasi cut off na tong dalawang ito sa buhay ko nung lumipat na ako ng ibang bansa. "Asan siya ngayon?" tanong ko pa, lumingon na ito sa akin at sumandal. "I think nasa Golden West University siya ngayon, ayon sa nakikita ko sa social media niya, pero madalas ko siya nakikita sa North." Sabi niya, medyo nagulat ako nung marinig ko na nagaaral pala siya sa West. Napabuntong hininga rin ako kahit papaano kasi ako, sa East ako at kung nasa iisang university kami ay magkakasalubungan kami niyan pagnagkataon at kung anu-ano sasabihin niya sa akin. Maliban sa aming tatlo, si Elizabeth ang certified b***h at sipsip. Kung hindi lang kasama si Jenny sa pagkakaibigan namin, siguro magiging salot siya sa buhay ko kahit salot na siya sa umpisa pa lang. "Paano mo naman nasasabi na nakikita mo siya sa North?" "Ahh, kasi sa North ako nagaaral! sa parking lot ko lang siya nakikita, baka may hinihintay? Jowa ata?" sabi niya, huminga na lang ako ng malalim bago sumandal ng maayos, ano nga pala pake ko dun? At bakit ako na yung natanong? ako ba yung nawala? Ay, ako nga nawala. "I see. Eh ikaw, may jowa ka na?" nasamid siya sa kanyang ininom kaya ngisian ko lang siya, bingo for sure sila na nung kalandian niya na sinasabi niyang friends lang. "W-wala ah!" At halos buong oras namin sa coffee shop na iyon ay puro kwentuhan at asaran, hindi rin nagtagal yung kasama niya dahil sa ka meet up lang pala niya iyon at hinatid lang saglit at bumalik din para ituloy yung kamustahan namin. Sa totoo lang, na enjoy ko yung oras namin kasi every time na may nakakasalubong ako na mga kaklase ko dati palagi nila ako kinakausap, tinatanong kung kamusta na raw ako, ano na nangyari sa buhay ko ganyan ganyan dahil nga sa nangyari sa akin at hindi na ako magugulat dun kung malaman nila iyon kasi mga estudyante ng school ko dati ay malakas magchismisan. Nakauwi na rin ako ng aking bahay at buti hindi pa nakakauwi mga magulang ko kasi takas lang naman ginawa ko at nagpahinga rin sa aking kwarto. Marami rin akong natuklasan kay Jenny dahil updated pa rin siya sa batch namin, may ilan sa kaklase namin ay may mga pamilya na at hindi na tinapos ang pag aaral nila, may ilan din na single parent pero determinado na makatapos ng pagaaral. Bilang din sa mga batch namin na nagdrop out na lang dahil sa mga bisyo at hindi nagpakatino sa buhay o di kaya nagtrabaho na lang dahil sa hindi na kinaya ang tuition at hindi rin maiiwasan ang ganun klaseng sitwasyon, naiintindihan ko naman iyon. At higit sa lahat... may natuklasan din ako mula kay Jenny. Yung ex ko... Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa narinig ko. Natuwa ba ako? Naginhawaan? Nalungkot para sakanya? It's a mixed feeling. buti nga sayo hayop ka! Yan ba gusto kong sabihin? Pero minahal ko naman yung tao... Hindi pagmamahal yun, tanga! He cheated on you! Sabi ng utak ko habang natingin sa kawalan. Oo nga naman, he cheated on me and I have the balls to say that he loved me nonetheless. Puntahan ko kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD