Alexander's POV
Pagkatapos ko ihatid si Theo sa bahay ng mom niya ay dumeretso na ako sa headquarters namin para salubungin ko dun ang reaper ng Alpha, tinatamad at inaantok man ako pero kailangan ko rin ito gawin kasi magiging bodyguard ito ni Theo dahil inutusan ito.
Pero saang paraan ng pagbabantay ang gusto ng Alpha? Ang pagkakaalam ko ay bawal makita ng mga reapers ang mga opisyal ng organisasyon, dahil sa kaligtasan at kapakanan nila kung baka sakaling may tumaksil at imposible iyon mangyari at protocol iyon ng organisasyon.
Base sa kinwento sa akin ni Theo dati ay nung panahong medyo aktibo pa ito sa organisasyon ay ilang beses na ito nakasaksi ng parusa sa mga taong naglilikod na nagtangkang tumaksil, bilang anak ng Alpha at madalas niya ito kasama ay nakikita rin niya ang pangyayayari. Siguro yun ang dahilan kung bakita medyo dumistansya na si Theo, pero hindi sure iyon kasi hindi ko alam takbo ng utak nun maliban sa mas gusto tuparin ang pangarap niyang maging doktor.
Syempre hindi alam ng lahat iyon ng mga takapaglingkod dahil nga sa policy na walang pakitaan ng identity, pero patas din ang desisyon na gawing tagapagmana si Theo dahil sa mga kontribusyon na nagagawa nito.
Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito hudyat na may tumatawag, isang unknown number kaya hindi ko muna ito agad sinagot at nagpark na muna sa tabi kasi andito na rin ako sa lungga namin.
"Who's this." sinagot ko na yung tawag at lumabas na ng kotse.
[ Alex, it's me Raj.]
Umasim bigla itsura ko nang malaman ko kung sino ang tumawag, f**k naman oh sa dinami-daming tao, ba't jowa pa ni Theo ang tumawag?
Correction, ex pala.
[Don't end this call, I need to say something.] Napabuntong hininga na lang ako at sumanadal sa kotse at hinintay ang kanyang sasabihin.
May importante ba itong sasabihin sa akin? Eh puro si Theo lang naman bukambibig neto.
"I'm busy Raj." Sabi ko, but she just cussed at me. This girl can be an asshole sometimes━ always pala.
[If you're with Theodore right now, could you PLEASE tell him that I have been calling and messaging him for ages!]
I got irritated a little by the way she asked me a favor kahit may please pa yan, as if she's commanding me to do it and I hate that kind of people for a pathetic reason.
"I'm not with him." tipid na sagot ko at naglakad na ako papasok. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko sa waiting area yung reaper, nakasandal lang ito sa pader imbes na nakaupo sa mga sofa na andito.
[f**k, Alex! I don't care about that s**t! I'm just saying na you need to tell him! It doesn't mean na--] Pinatay ko na agad ang tawag nang magsimula na siya magcomplain ng kung anu-ano. Desparate b***h, sumasakit ulo ko sa babaeng iyon, ilang beses na sinabi ni Theo na break na sila simula pa lang ng school year pero ayaw pa niya magpaawat palibhasa yaman lang ang habol ng babaeng yun.
When I'm finished with my call, the reaper was just looking at me patiently and I gestured to her to follow, obviously, it was a woman because Theo told me that she was a she.
Once we reached Theo's office room, I told her to sit on a sofa but refuses so I just let her be.
"Give me your identification paper." I said to her, sumunod din agad at binigay sa akin.
Bago pa man ito ibigay sa akin ang pinapakuha ko ay inobserbahan ko ang bawat galaw at detalye sakanya o kahit anong armas na pwedeng ipahamak ko, pero sa tingin ko ay wala siyang hidden agenda dahil bilang ko ang nakikita kong nakasuklib sakanya na mga armas. A total of five weapons at fitted naman ang kanyang uniporme kaya madali lang ito mahalataan.
Pero napunta ang atensyon ko ang lapel pin sa uniporme niya, masasabi nga na under siya ng Alpha dahil magkaparehas sila ng pin, mas bago lang sakanya... pero nakakapagtaka, pati rin si Theo ay nagdududa sa intensyon niya sa babaeng ito.
"You... handled the Alpha's work?" Medyo nagulat ako sa nabasa kong impormasyon sakanya. How can a mere reaper like her to handle the Alpha's businesses? Don't tell me...
The Alpha is planning to give half of his will to this reaper?!
"Yes, only some of them when the Alpha is busy or unwell." Sagot naman niya, no, imposible naman na ibigay sakanya yung mga takapagmana kasi hindi naman ito anak niya, unless may ibang pamilya ang Alpha pero wala ito sa papel na binigay niya at walang binanggit sa akin si Theo.
"What do you mean by unwell?" I asked her and looked at her seriously.
"I believe you already know the answer, sir." Tipid na sagot niya kaya napasandal ako sa upuan.
"How is that possible... what is the Alpha's trying to do...?" Tanong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya iyon at sumagot.
"The thoughts will be answered once Bravo talked to him in person." Sabi niya kaya napatahimik na lang ako.
It took minutes to comprehend what she just said and decided to leave that conversation later with Theo, may activity nga pala itong gagawin at kailangan na ito tapusin para makauwi na rin ako.
Sa lungga namin, may isang open area sa loob ng warehouse at ginawa namin ito ni Theo na training area at maraming nakasabit at nakakalat na mga armas, dito pwede magpatayan, wala nang pakialamanan ng trip dahil desisyon mo iyon at wala kaming kinalaman dun.
"Stay here." Utos ko sa reaper at umakyat sa ikalawang palabag upang makita ko ang buong pangyayari.
Nang makahanap na ako ng pwesto sa may bell buzzer ay kinuha ko ang cellphone ko para magtawag ng tauhan, di rin nagtagal at nagsilabasan ang mahigit 30 katao at pinalibutan ang reaper.
"Miss Reaper, first of all... welcome to our fraternity. This is our lair, our territory, and our funhouse. Tonight, I am going to test your hard-headedness and f****d-up-ness if you are even worthy of being the guard for our leader."
"I'll give you three rules; don't die, knock 'em out but don't kill all of them, and lastly... you can only use a dagger. Good luck!" Sabi ko sabay ngiti sakanya at pinindot ang bell hudyat na isimula na ang laban.
Just a typical fight, nothing special. Ang problema lang para sakanya ay eto na agad ang mga pinakamalakas na mga tauhan namin at mahihirapan siyang hindi makapatay ng tao dahil dagger lang pwede niyang gamitin at hindi siya pwede makasaksak ng tao.
Shikaru's POV
Hingal akong nakikipagsuntukan sa mga kalaban ko habang minumura ko sila isa isa. Ganito ako sa mga ensayo ko para mailabas ko lahat ng natitirang galit at pagod sa katawan ko. And for f**k's sake, hindi pa naproseso sa utak ko na KAKLASE KO TONG KAUSAP KO?
Pero infairness, malalakas sila at nakukuha nila ang galaw ko sa suntukan. But dagger my ass, ano gagawin ko sa dagger ko kung hindi ako pwede makapatay ng tao!?
One person caught my attention when he charges at me on my sides and used his fists to hit me, I recognize that person because he's my classmate to some of my classes. Hinayaan ko muna siya umatake sa akin tsaka binigyan ko ng isang malupit na blow sa sikmura dahilan ng pagtaob nito habang sapo ang tyan niya. Sorry, kahit nakasama kita sa ilang activities sa school ay hindi kita pagbibigyan ngayon, this is my mission given by the Alpha.
Ginamit ko yung hawakan ng dagger at hinampas ko sa may batok ng isa para mawalan ito ng malay nang tumunog yung cellphone ko sa bulsa ko, bwisit bad timing yung tumatawag at kilala ko kung sino ito dahil sa ring tone niya. Umalis ako sa gitna at tumakbo ako sa gilid kung saan may mga gamit na pwede pagtalunan at umakyat sa second floor sa kabilang dulo kung saan ang sekretarya ng Bravo, gulat itong nakatingin sakin pero mas importante yung tumatawag, baka hindi ako payagan lumabas neto sa susunod.
"Hello," tumingin ako sa itaas at may third floor pala ito kaya naghanap ako ng pwede pagakyatan habang nasa tenga ko ang phone ko.
[Shikaru, where you? Ano oras na at wala ka pa dito sa bahay." Sabi ng aking ama, himala na tumawag ito sa akin kasi madalas si ma yung natawag.
"Pauwi na rin ako dad, may inasikaso lang saglit sa school kasi kailangan ako ni kuya." Sagot ko naman at tumungtong sa gilid gilid para may makapitan ako at umakyat sa third floor.
[Make sure, dapat mga 9:30 andito ka na sa bahay.]
"Ok," binabaan ko na ng tawag at tinignan ko ang orasan at malapit na pala mag 9, kailangan ko na pala ito tapusin.
Nilibot ko ng tingin ang paligid sa ikatlong palabag at nakita ko andaming mga lumang kagamitan dito na pwede makalikha ng usok dahil may mga sako dito na mukhang ginawa siyang punching bag. Ginamit ko ang dagger at pinilas lahat ng mga sako at sunod sunod na itinapon sa baba at mga ilang kagamitan.
Lumikha ito ng usok sa paligid at tumalon na ako, mausok ang paligid at nasa ibang lugar ang atensyon ng mga tao dito sa baba kaya inisa-isa ko sila at ginamit ang hawakan ng dagger ko para tamaan sila sa may leeg para mawalan sila ng malay at hindi lumikha ng ingay.
Tahimik lang ako nang mawala na yung usok nang hangiin ito at nakita ko na walo na lang kami, lahat sila nagulat sa nasaksihan dahil nakita nila mga kasamahan nila na walang malay sa sahig, narinig ko pagkamangha ng secretary ng Bravo kaya tinignan ko ito saglit.
"Wow, you even thought of that, I thought you're just any other reapers that only knows how to use brute force haha." komento niya, sumimangot lang ako sa sinabi nito pero syempre di niya makikita mukha ko, nakamaskara ako eh.
You think I am just a reaper? Don't underestimate me, pwede rin kitang kalabanin ngayon kung hindi lang ako pinapauwi ng tatay ko.
I put on my stance and prepared myself when three people charged at me with their fists and were able to defend myself from it and used the handle of my dagger to hit one in his neck to knock him out to sleep.
Another person who was able to hit me on the face made me look at him angrily and didn't think twice to hit him on the head to lose his consciousness.
Napahawak ako sa gilid ng mukha ko nang maramdaman ko yung tenga ko na tumitibok na ewan, namamaga siya at dun ako lalo nainis. Hindi ito pwede makita ng magulang ko na may maga ako! tangina talaga!
If only I could just throw this dagger at each of them eh di sana tapos na agad ang laban na to, nang medyo mahimasmasan na ako ay itinuloy ko na ang pakikipaglaban at inisa isa ko na ang mga hayop hanggang sa matapos na ako.
Hawak ko pa rin ang mukha ko kung saan ako tinamaan ng hayop na lalake na yan, hinanap ko siya sa sahig at tinadyakan ko siya sa may sikmura para paggising niya, tutulog na lang ulit sa sakit ng tyan.
Gusto ko sana hugutin yung baril sa gilid ko nang awatin na ako ng lalake kanina, lumingon ako dito at pumalakpak lang ito sa akin.
"Well done reaper, you defeated them for an hour! You're the first one to be able to defeat them this early!" Pagpupuri niya sa akin at bumaba na ito mula sa ikalawang palapag, tahimik ko lang ito tinignan.
"Anyways, tomorrow meet me again here in this headquarter at 5, we will be having a discussion." Sabi niya at inaya na ako umalis para umuwi na, yun lang? Okay lang, kailangan ko na rin naman umuwi.
Hinintay ko muna makaalis ang kotse niya bago ako sumakay sa kotse ko, syempre hindi ito sa akin at dinampot ko lang ito sa kung saan. Pabaya kasi eh, sa gilid pa ng kalsada pinarada eh alam naman na bawal yun, dapat sa garahe ito nilalagay.
Nagpalit ako ng damit at pinasok sa bag ko ang uniporme na pinanglaban ko at lumabas na ng kotse para maglakad pauwi, nasa loob na rin naman ako ng village ko kaya malapit na lang. Bahala na yung kotse dyan kasi hindi ko naman kasalanan yan, naging pabaya yung may-ari at syempre bago ko iwan yan ay binura ko yung gps history na nakainput dyan at hawak ko na rin ang cctv footages ng village namin kasi ganun ako kalakas.
Pagkapasok ko sa bahay ay deretso lang akong papasok nang makita ako ni dad mula sa dining are kaya tinawag niya ako para sabay na kami kumain. I looked at the clock to see it's quite late for having dinner, ano meron?
"Isn't too late to have dinner, dad?" Sabi ko nang makaupo na ako sa upuan at naghain ng mga ulam at kanin.
"I came home late," aniya kaya tahimik na kaming kumain.
Bakit parang may mali, masyadong tahimik at parang nagkakapaan kami? Kailangan ko ata magtanong...
"How's work." Tanong ko na hindi siya tinitignan.
"It's fine, I will be having a business trip next week for five days and I will be inviting your mother to come with me for a little getaway from work." Sagot niya kaya tumango na lang ako, if they want to have some quality times for themselves, then they may have it, I really don't care.
"That's good," sabi ko na lang. That is not enough, parang may kulang pa.
"And also," inangat ko na ang ulo ko at nagkatinginan kami, seryoso itong nakatingin at kilala ko ang dad ko na hindi ito nagbibigay ng impresyon kapag may problema o galit, kalmado lang ito pagdating sa bagay-bagay na gusto muna niyang intindihin yungsitwasyon kaya umangat siya sa buhay dahil sa aspeto na iyon.
"I had a call with your grandfather and told me that you have been misbehaving your stay there," aniya kaya natahimik ako sa di oras.
Fuck, sabi na ba at malalaman din ito ng magulang ko, at anong misbehave ang tinutukoy niya? yung paggagala ko ba sa gabi? late nakakauwi galing school? o yung trabaho ko? Bitin kasi ito magsabi eh!
"Dad," sabi ko at binaba ang hawak kong kubyertos, "what misbehaving? I don't understand, I only come home late usually 8 or 9 at night because of some school activities, I even told him that." pagdadahilan ko na sobrang layo sa katotohanan. Mukhang na kumbinsi ko si dad kaya kumain na ulit ako.
"Make sure you're telling the truth, I was just making sure because of what happened Shikaru, alam mo na yan at sana natuto ka na." Sabi na lamang niya at tahimik na lang ako tumango at tinapos ang kinain ko.
Oo dad, natuto na ako sa ganyan na hindi lahat ibibigay mo dahil sa mahal mo ang isang tao. Ang pagbibigay mo ng lahat sa isang tao ay malaki ang pagkakataon na hindi maibalik sayo ng ganun kahalaga.
At oo dad, isang sampal sa akin yung aral na iyon.
Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na, kailangan ko na rin magayos para bukas kung anong dahilan ang gagamitin ko dahil malelate na naman ako ng uwi dahil kikitain ko yung sekretarya ng Bravo at mukhang alam ko yung dahilan.
May magaganap na isang conference meeting ang isa sa mga kompanya ng Alpha na pinaubaya muna sa Bravo dito sa Pilipinas kaya siguradong may task ako na bantayan siya sa meeting na iyon. Tumunog ang cellphone ko sa kama at tinignan ko ang tumatawag, isang unknown number at hindi ko pa nilalapitan yung cellphone ko nang sumagot ito at nilagay pa sa speaker mode, hindi ako yan ha? Kusang yung cellphone ko ang sumagot at kilala ko na yung taong kaya gumawa ng ganyang kakayahan...
"f**k you, Marco Liu." Umalingawngaw ang tawa ng tao na tumawag sa kwarto ko.
[Found you!]