Chapter 2

2123 Words
Shikaru's POV Have you guys ever heard of a sound of a heart being shattered into pieces? No? Well, I do. At alam niyo guys kung ano yung tunog na iyon? Kumagat ng chicharon na walang suka. Diba? Parang ganun yung tunog! Kaso, hindi yan maririnig ng ibang tao, kung'di ay ikaw lang... At mararanasan mo rin yun sa araw na susuko na ang puso niyo. Habang nakain ako at natingin sa kawalan ay may kumatok sa pintuan ko. Tsk! panira talaga ng moment, sarap na nga ng kinakain ko at upo ko dito! Simula nung pagkauwi ko dito sa Pinas ay hindi nila ako pinagpahinga, kinukulit nila ako kung ano na nagyari sa akin at magouting daw, selebrasyon daw ng pagbalik ko. At take note, kakauwi ko lang kahapon! "Anak, papasok ako." Kahit wag na ma. "Bakit," sabi ko habang nagkakalkal ako ng cellphone at hinahayaan si ma sa loob ng kwarto. "Anak, We already settled you to a university to finish your studies." Sabi niya. Ahh, yun lang? "It's GEU." Ahh, yun lang pal━HA? Napabalikwas ako sa inupuan ko at pinadilatan ko siya ng mata, IS SHE SERIOUS?! "WHAT?!" I shouted. "Yes, our university, Golden East University. Why? Is there any problem with that?" I compose myself before sitting properly on the chair "Okay." Sagot ko na lang at kumain na lang ulit ng chicharon. "Gusto mo magshopping ngayon? Para sa mga kakailanganin mo dito. Nagrenovate kasi kami ng bahay natin at andami ko na rin tinapon na mga gamit lalo na sa kwarto mo dahil alam ko naman ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo pa ulit yung mga pinaglumahan mo." I looked at the woman infront of me and thought of what she just said. Weh? Talaga ba? Bili ng mga kakailanganin ko nang di nagrereklamo mama ko? "Okay." Kibit balikat ko. Tutal, kailangan ko talaga ng mga gamit para makasurvive ako dito sa Pilipinas. Kung tutuusin sobrang linis at halos wala nang laman kwarto ko, sobrang iba na ito kumpara sa dati na puro shelves, posters, at iba pa na nagpapasikip ng kwarto ng walang dahilan dahil nga isa akong hoarder lalo na sa mga idol kong mga artista. "Great! Later at 11, we should go na! Doon na din tayo kakain ng tanghalian!" Sabi ng aking mother at tuluyan nang lumayas sa kwarto ko. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain kaya nilapag ko na lang sa lamesa at tumayo at sinuri ko ng mabuti ang kabuwan ng kwarto ko kung ano mga kailangan ko, mukhang mapaparami ng bilihin mama ko... hehe. Para sa akin, parang walang nangyari sa bahay na ito. Amoy at ramdam ko pa rin yung dating bahay kung saan ako pinalaki ng magulang ko. Kahit ibahin pa nila yung kulay at itsura ng bahay na to, andun pa rin yung mga alaalang hindi na kailanman mawawala sa akin... ang dating ako. Nang masulat ko na sa papel yung mga kailangan kong bilhin ay naligo't nagbihis na ako ng pangalis. "You two be careful okay? Tawagan niyo lang ako kung kailangan niyo ng tulong." Sabi ni father. I just rolled my eyes, the same old father, protective kahit matanda na kami ni mama. "Minamaliit mo yata ang anak mo, ang lakas-lakas nga niyan eh, gabi-gabi nageensayo yan sa gym!" Biro ni ma kaya sumandal ako sa driver's seat. "Ma!" I scolded her. Nagpeace-sign na muna siya sa akin bago itaas na yung bintana ng kotse at nagmaneho na ako paalis ng bahay. Since nasa tamang edad na ako magkalisensya at magdrive, AKO ang magmamaneho ng SUV car, it's a family car or whatevs na pinahiram muna sa akin ni dad. "Anak, please be careful ha? You might give me a heart attack!" I just ignored her and just drove to the street, SAFELY. Hindi naman ganun kalayo eh. It took us around 40 minutes to get to the parking lot of the mall, then here we are parking the car then walk inside the mall. "Shikaru, kain na muna tayo?" Tumango na lang ako and let her choose the food she wants to eat since I'm not a picky eater. Pagkatapos namin kumain sa isang Chinese restaurant na pinili niya ay dumaan na kami sa department store kung saan kami mamimili ni ma. Andami ko ng dala sa cart ko pero wala rin, kuwa pa rin ako nang kuwa ng mga gamit para sa kwarto ko at nakapagorder na rin ng mga shelves at iba pa na siguro aabot to ng thousands pero okay lang willing to pay naman si ma kaya okay lang. Habang lumilibot ako sa mga bag sections ay may nahagip ng mga mata ko ang isang taong nakatayo sa di kalayuan. That back, those broad shoulders and build... could it be? Hindi ko na namalayan na lumakad na ako sa kanya, kahit kelan talaga, my feet always betrays me.... or is it my mind? Pabilis nang pabilis yung t***k ng puso ko, hindi yung tipong excited ako at masaya. Hindi eh, kaba ang nararamdaman ko... And I didn't even know why am I walking towards that person. Ano ginagawa mo...? Yan ang biglang lumabas sa isip ko. Oo nga naman? Ano ba ginagawa ko? Diba sabi ko sa sarili ko na magpatatag na ako and move on? Eh ano ginagawa ko ngayon? Bakit parang... hinahanap ko pa rin siya? No, my heart is finding that person na matagal ko nang binaon sa lupa. Tangina naman Shikaru! Sobrang tagal na ng six years pero hinahanap mo pa rin siya?! Sabi yan ng konsensya ko. Hangang sa makalapit na ako sa pwesto niya at tinapik ko ang balikat neto at lumingon siya sa likuran niya kung saan ako nakatayo at nakita ko ang mukha neto. "Yes ma'am?" "Uhhmmm... m-meron po ba kayong... bag na waterproof?" "Ahh! Ito po! New arrival lang po ito!" Oh, ano ka ngayon Shikaru? Landi mo kasi eh. Ayan pahiya ka dyan! Since sayang lang yung effort ni kuya na magsayang ng laway ay binili ko na lang yung nirecommend niya. Pero may taste siya ha? Hands down ako sakanya! Color black bag na waterproof, binigay niya talaga sa personality ko. Thumbs up! Lumibot pa ako sa ibang sections dito, namimili ng mga kailangan sa kwarto ko, hindi naman ako gagamit ng dorm since malapit lang naman ang ekswelahan sa lugar namin, mga ilang sakay o isang kotse lang. Hangang sa napagdesisyon ko na magkita na kami ni ma sa cashier. nang magkita na kami ay pinaubaya ko na muna sakanya yung bilihin at naglakad-lakad muna ako sa may entrance ng department store at tumingin sa mga accessories na nakadisplay. I was busy looking at the jewerlies when suddenly someone bumped in to me, Tsk! ang lawak-lawak ng daanan, may bumangga pa sa akin? Yan tuloy, nahulog yung bag na dala ko! "Sorry." I was about to look at the guy when he isn't in front of me anymore... ang kapal... Since wala na ako sa mood makipag away at di ko manlang nasulyapan ang mukha niya ay hinayaan na lang, i'm dead tired anyway, at kailangan ko na balikan si ma... Someone's POV May nakabangga akong tao pero wala na akong oras makipagsalita dahil sa may hinahabol akong oras at baka makatakas pa ang hinahabol ko. Lumalakad ako ng mabilis at hindi pinapansin ang tingin ng mga tao sa akin, hindi manlang napansin ng guard sa may entrance na may tumatakbo dito papasok? tsk.  I grabbed my phone inside my pocket and dialed my friend, "Where." bungad ko, habang lumilibot sa paligid, pati sa changing room ay tinignan ko rin. Wala naman masyadong tao ngayon, because its working hours. [He is at third floor! Bilisan mo baka maabutan mo pa siya sa elevator! Papunta na siya duon!] I ended the call and quickly went to the elevator to meet up with the culprit I'm pursuing. "Boss!" "Bro! " "Nakita ko siya papuntang elevator!" Bungad sa akin ng mga kasamahan ko, nang bumukas ang pintuan ay ako na muna ang pumasok at nilapitan ang babaeng nagooperate ng elevator. "Sir, w-what floor?" utal na sabi ng babae, I held her by the arm and pushed her out of the lift. "S-sir! Ano..." May lumapit na sakanyang guard at siya na bahala dyan. Nagpalitan kami ng pananamit at binigay ko sa isa sa mga kasamahan ko ang suot kong jacket habang isa naman sakanila ay binigay ang sombrero. Pasimple kaming nakatambay sa loob nang tumungtong na yung elevator sa 4th floor kung saan anduon ang target namin. When the door opened ay dali-dali siyang pumasok sa loob at hindi niya kami pinansin. I saw the bastard's face making that f*****g smirk and press the button on the ground floor where I am standing. I glanced at the back where my mates are looking at him and me. I smirked before I suddenly pressed the stop button, I make sure that people are waiting for us on the ground floor. "B-bakit tayo huminto? Pinundin mo nga yan!" The bastard said, pero bakas dito ang takot nito. "You know..." I leaned where the buttons are and stared at the bastard. Napatulala muna siya sa akin bago niya mapagtanto na kung sino kaharap niya ngayon. "s**t! PAKAWALAN MO KO DITO!" Sigaw nito na ikinangisi ko at sinenyas ko yung mga kasamahan ko na patahimikin ang kumag na ito. "Kahit anong gawin mo, walang tutulong sayo. Sa mukha mong yan? May magtatangka pa bang susugod para sayo?" I said, a matter of fact. Kita ko sakanya ang takot. Umayos na ako ng tayo at medyo lumapit sa pagmumukha niya. "Isang tanong, isang sagot lang ang kailangan ko. Madali lang naman ako makausap, so if I were you, I would just answer, Simply as that. at alam ko na alam mo na kung sino ang binangga mo., Diba?" Sabi ko. "Nasaan ang boss m-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sinabi na niya ang kailangan kong malaman, hindi na ako nagaksaya pa ng oras dito at sinabi ko na sakanila na dalhin na ito sa tambayan namin. Pagkabukas ng elevator ay lumabas na agad ako at umalis na ng mall,  "Yo!" Bungad sakin ng kaibigan ko nang tumigil ang isang kotse sa harapan ko dito sa parking lot. "Hey." Pumasok na ako sa passenger's seat, tinaas ko yung mga paa ko sa dashboard and ipinikit ang mga mata. "Wow ha, feel at home lang? Kakalinis pa naman ng kotse ko..." maktol ng kasama ko, but I didnt mind him. I'm too tired as f**k, hindi na nga lang ako papasok ngayon... "Iuwi mo nalang ako, pagod na ako." I said while closing my eyes. "Okay. By the way, yung GIRLFRIEND mo po! onti nalang talaga at magiging nanay na yun kakabunganga sa akin! Hinahanap ka daw niya!" Napamulat ako sa sinabi niya at luminya agad yung kilay ko. "Oh, ano na naman yang mukha mo? Kahit sabihin ko pa sakanya na ayaw mo na siyang makita at makausap, sige pa rin siya nang sige! Dude, why dont you just tell at her face? Para naman matauhan yung babaeng yun! Parang ako yung nahihirapan sainyong dalawa eh!" Nakasimangot na sabi niya. "I deadass broke up with her. Harap-harapan pa." Sabi ko lamang at hindi na talaga kaya ng mga mata ko kaya pinikit ko na lang sila, "kung pwede ko nalang siya itapon sa kung saan para wala nang problema." "Kahit sang-ayon ako dyan pero hindi pwede eh, anak siya sa isa sa mga "underlings" ng dad mo, Lakas kaya ng kapit nila." Pagbibiro niya pero nanatili pa rin akong tahimik. "So...?" "Hanggang ngayon ba naman bro? Hindi mo pa pinag-iisipan yang deal niyo ng dad mo? Kung ako sa'yo, go lang. May second option ka pa ba? Nakatagda na yan sayo, bibitawan mo pa?" With that, napamulat ako ng mga mata ko. Kahit antok na talaga ako, I couldn't shake that thought or sleep it off. Kahit anong sabihin pa ng mga tao na rightful ako sa pagiging heir ng ipapamana sa akin ni dad ay hindi pa rin ako naniniwala na itinakda sa akin yun. Tuwing iisipin ay parang mabigat lang sa damdamin na yun na yung gagawin ko. Kaya kinamumuhian ko. "Bro, andito na tayo." "All I wanted is to become a doctor, like mom." Sabi ko sa sarili ko pero narinig iyon ng kaibigan ko kaya binigyan niya ako na malungkot na tingin. "Alam ko Theo, gusto mong maging doktor tulad ni tita. Pero eto ang itinakda sayo, wala na tayong magagawa..." Nagpaalam na ako sakanya and told him to at least call me if it's time to do the second task. Dere-deretso lang ako papunta sa pad ko and shut the door behind me and went straight to bed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD