Shikaru's POV
Pagkatapos ng ilang araw ko dito Pinas, na alimpugan ako sa alarm nang magring siya ng malakas! Puta, ansakit sa tenga! Hindi ko pa pala naayos yung volume nito! At lalo pang lumakas ang ingay sa loob ng kwarto nang may kumatok pa mula sa labas hudyat na may taong gusto talaga ako gisingin ng ganitong oras, tsk!
Great, dagdag pa sa ingay!
Pinatay ko na muna yung alarm bago ako tumayo, pagkabukas ng pinto at bumungad sa akin ang isa sa mga katulong dito. Yung mas malapit pa loob ko sa mga katulong dito at kay manong kesa sa magulang.
"Good morning! Pinapatawag kayo ni madam para kumain na ng agahan!" Sabi niya, tumango na lang ako at sabay na kaming bumaba sa sala.
Tanong pala ng katulong namin kung babalik ba ako sa family name namin, sabi ko sakanya hindi na, sabi ko stay na lang ako sa family name ni lolo.
Pagkatapos ko kumain at maligo, sinuot ko na yung school uni-este university uniform ko kasi today is the day I will attend my classes. I am a transferee in a middle of a 2nd semester of my second year. marami rin akong nacredits sa dati kong university kaya ilan lang ang klase ko, kung titignan ay tatlo ang wala kong pasok kasi may isang araw na isa lang ang subject ko, more free time for me.
Ang ayoko lang ay bakit kailangan pa magsuot ng uniporme? Sa Japan, casual clothes na lang eh.
Pagkatapos ko magbihis ay tumingin ako sa salamin, the uniform is black pencil skirt hanggang tuhod ko, white long-sleeved polo, and gold necktie na may symbolo ng GEU. Bakit gold? Kasi international yung university na iyon. Pang richkids, exclusive for the spoiled brats, celebrities, richass motherfuckers, and foreigners.
May coat din na kasama sa uniform kaya hindi ka rin agad pwede
magpalit ng pangpatong kung hindi ay bibigyan ka ng warning.
Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko ay isinuot ko na ang salamin ko, wala naman masama magsuot ng salamin diba? Wag nilang sabihin na pati salamin bawal sa school? Sinong hinayupak na ipagbabawal ang pagsusuot ng salamin? Alam kong di niya gagawin yun sa mga estudyante niya. May onting grado na din ako sa mata kakasunog ng kilay, pati mata ko nasunog na din haha!
Pagkababa ko ng hagdan ay nakasalubong ko si dad na kakalabas lang nang hapagkainan.
"Oh, nagsusuot ka na pala ng salamin? May grado na pala mga mata mo?" Tanong niya, tinanguan ko lang siya at sabay kaming pumunta ng garahe para ibigay sa akin ni dad yung gagamitin kong kotse, pansamantala daw. Di ko nga rin napansin na may nakatago pa pala sila dito sa likod.
"Nga pala anak, daanan mo kapatid mo sa opisina na nakabalik ka na dito. Hindi ko rin siya maimbita dito kasi busy sa trabaho." Sabi ni dad habang binubuksan ang kotse, andito rin manong sa tabi ko.
"Balak ko din bisitahin si kuya sa opisina pagdating ko dun, may sarili na rin kasing pamilya yun." sabi ko.
"Hindi, alam na niyang nakabalik ka na dito at gusto ka niya makita at makasama, sadyang busy siya ngayong buwan."
Napatahimik ako sa sinabi ni dad hanggang sa handa na ang kotse na gagamitin ko at pinasakay na ako sa loob. Nagpaalam na ako kay dad at kay manon at binuksan na ang gate at nagmaneho na ako sa kalsada.
Mukhang okay naman tong minamaneho ko kaya ito na muna gagamitin ko, balak ko na sana ipadala yung ginagamit kong kotse sa Japan pero next time na lang kapag nasira ko na to.
Habang nagmamaneho palabas ng village papuntang main road padaan ng school, medyo malayo pa naman yung GEU kasi malayo na siya sa city. Nasa open area ito at pagmamay-ari iyon ng aking magulang. Aren't they filthy rich? So rich that they bought the land AND the forest connected to it. Wala naman silang balak na magpatayo ng kung anu ano ang magulang ko sa lupa, para lang siya sa school kasi maalaga sila sa environment.
Kaya half of the student there are using the dorms para hindi na hassle sakanila papunta at pauwi. Actually pwede naman ako magdorm, kaso I hate people eh. I can't stand in a room with people at paano pa kaya kung ka dormmate mo pa? Iniisip ko pa lang parang nangangati na ako na ewan.
Pagkatapos ng limang taon, andito na ako sa may entrance ng school at syempre, andaming pang ganap na security check na gagawin bago makapasok. Pagakatapos nun ay nagpark na agad ako.
Alam mo ba na hindi pa ako nakakalabas ng kotse ko nang pagtinginan na ako ng mga estudyante dito. Kasi ba naman, pansin ko na puro mamahalin na brand ng kotse sa paligid ko, BNW, Mercedez-Bench, Tehsla, at pare parehong Poorche.
Nakapasok na ako ng building nang marinig ko sng ilang bulungan sa paligid,
"Ew! That girl came out of THAT car?"
"They are allowing that middle-class car in this school?"
"Girl must be poor!"
Diba? Not that I really care, mas malala na rin naman naranasan ko dyan kesa sa mga bulong nila, gusto nila lakasan pa nila para naman marinig ng buong school. Husgaan na rin nila bag ko kasi pansin ko puro handbag gamit eh, tas ako lang nagiisang alien dito na naka bagpack. Kailangan na ata nila ng holy water at alcohol para malinis na mga bunganga nila, mga makasalanan!
Naglakad ako papasok sa lobby with my chin up and with posture at pinaparating sakanila na wag na wag nila akong subukan. Isang tangka talaga nila sa akin malalagot sila, hindi nila ako kilala para manggago ng tao di nila kilala.
Derederetso lang ang lakad ko at sila mismo nagaadjust para sa akin na lumihis sa daanan ko kasi mukhang mapapasabak ako dito sa school na ito. Kumpara sa dati, mas malala sila ngayon. Ang alam ko nung kabataan ko, cellphone na di-pindot, pagandahan ng bracelet na laruan at bag na may wheels ang pinagyayabangan namin. Pero ngayon iba't-ibang bagay na.
Hanggang sa makapunta na ako sa director's office. Pumasok na ako sa loob ng opisina nang di na kumatok, hindi na ako naghintay kung sino magpapasok sa akin.
"Wow! What a wonderful entrance!" He said in sarcasm, I just rolled my eyes at him then hugged him, syempre namiss ko din to, ilang taon ba naman kami di nagkita.
"Well, thank you for that compliment! I appreciate it!" I said and gave him my sweetest smile. He laughed and shrugged it off because that was complete sarcasm.
"So eto lang ba? Aalis na ako." Sabi ko.
"God, hindi ka naman ganito kamaldita at spoiled dati pero ngayon lalo ka naging maldita. Really, is this how you greet your brother?" Sumandal siya sa upuan nito at tinignan niya ako from head to toes. I know my sweet brother, maganda pa rin ako!
Yeah thats right. The director of GEU is my brother, a half. Bakit hating kapatid? Kasi, na aksidente yung isa sa mga kapatid ng nanay ko nung maliit palang si kuya, kaya sa amin na pinaubaya. He's 4 years older than me, and he's now married to a fine and beautiful woman that I deeply respect, and a child of two! Magkambal pa na lalake! Mga cutiepies, parang siopao!
"Haha! Halika ka nga dito!" He said and bear-hugged me!
"Aack!... Bro- h-hin- ako makahinga!!" Pinakawalan naman niya agad ako tapos nagpeace sign pa ang loko!
"Umalis ka na nga! Madami pa akong papeles na gagawin. Eto I.D mo at schedule." Nagpaalam na kami sa isa't isa at lumabas na ako sa opisina, and praise the heavens na hindi na siya nagtanong ng kung anu-ano pa.
It's been how many years since I've seen him. He's my ears when I need someone to talk to, lahat-lahat sinasabi ko sakanya kasi siya lang ang nakakaintindi sa akin when tuwing problemado ako. Don't get me wrong ha? I have my bestfriends, sila ang joy and happiness ko. Speaking of bestfriends...
Kamusta na pala sila? Nakahanap na kaya sila ng kaibigan na mas mabuti pa sa akin?
It's already 7:54, at andito na ako sa classroom ko. Duon ako sa pinakadulo umupo. Ganito din ako nung gradeschool ako, dun din ako sa pinakadulo kasi nga hindi ko masyado hilig makihabilo sa ibang tao, sa dati ko naman eskwelahan sa Japan ay andun lang ako sa pinakaharap, yung mismong katapat lang kay professor, kunwari nakikinig talaga ako ng todo haha.
"Tingin ka sa likod..."
"Is that the girl ba?"
"That person who came out of that poor car?"
"Kapal pa ng mukha na magwalk sa gitna!"
Omg! Why you guys so f*****g conyo? Hindi ba kayo pinagaralan ng mga magulang niyo na matuto magtagalog and magenglish ng maayos?! Naririndi ako GOD! Wala pa naman akong dalang earphones ngayon!
Pinagikutan ko talaga sila ng mata kahit di naman nila makikita, nakatingin lang kasi ako sa bintana sa tabi ko at wala akong pake kung pagtinginan nila ako, oo alam kong sexy ako kaya hindi na nila mainggit ng ganyan.
Medyo nabigla ako nang tumili mga tao dito at may sumigaw na paparating na raw sila, Ha? sila? Pansin kong puro kababaihan ang nagtitilian nang pumasok ang mga lalake sa loob ng kwarto, ngayon ko lang narealise na onti lang pala mga lalake na andito at ngayon ay nagpatanay na kami.
Mas lalong umingay sa loob ng classroom nang dumating na sila, mas umibabaw ang tilian ng mga babae at mas naging high pitch ang mga boses nila, like damn, bakit ang ingay? Social gathering ba ito? Karamihan ay nakakumpol pa sa gilid ko pero isang upuan lang ang pagitan ko sakanila dahil nakapalibot sila sa dalawang lalake ko na nakaupo dun, nakaharang sila kaya hindi ko na pinansin kung sino ang mga iyon, siguro celebrities yung dalawa.
Hanggang sa dumating na professor at mukhang kumpleto naman na kami sa loob, lahat sila ang nagbalikan na sa kani-kanilang mga upuan, "Ladies, is this how you greet me every morning? I can hear you all in the hallway, porket nasa first class kayo," Saway ni professor, well, someone is not a morning person. Some girls grunt and some are lazily greeted the prof. While almost half of the boys didn't even give a damn.
"Well, good morning to all of you!" She greeted first, but there's an obvious hint of sarcasm, " anyway, I don't know if you all notice but I mentioned this the before, we have a transferee. So have at least put an effort to notice a new face inside the room, Please just stand up and show yourself so they can meet you!" anunsyo niya sa klase kaya oras ko na para tumayo mula sa upuan ko at lahat lumingon sa gawi ko.
Mukhang makaksalamuha ko tong professor namin, matatag siyang babae at kaya niyang kontrolin ang mga estudyante niya...
"I am Shikaru Yamato, I came from Japan and also taking a business course. Thank you."
With that, I sat my ass down.
Theodore's POV
Pagkababa ko palang sa kotse ay yun ang bungad sa akin, mga tilian ng mga tao dito, hindi mawawala sa araw ko ang tilian nila.
"Bro! Tulala ka na naman dyan!" Natauhan ako nang tinapik ako ni Alex na nasa tabi ko na. Sumabay pa ang ingay ng paligid sa sakit ng ulo ko, niyaya ba naman ako ng brotherhood na magbar. Sabi nila to socialise with other people, mostly ladies, pero in the end, kami kami lang nagkasahayan dun kaya ang kinalabasan ay ang sakit ng ulo.
Hinayaan ko lang siya magsalita habang naglalakad kami papasok ng campus, tinawanan niya ako kasi palagi ako ganito tuwing iinom kami, tatahimik ako bigla na akala mo wala akong tulog ng isang linggo, sinamaan ko lang siya ng tingin.
While walking, I look at the surroundings, I've been here at GEU for almost 6 years, and I'm now in the 2nd year of my university. Basically dito na ako naghighschool at dito na rin ako nagkolehiyo at tatapusin ko na din dito.
Habang naglalakad kami sa hallway ay narinig namin ang pagtunog ng cellphone ni Alex kaya kinuwa niya ito at sinagot.
"Hello?" napatingin ito sa akin at inantay ito matapos, "I see, cool." Binalik na niya ang cellphone nito sa bulsa niya, I gave him a questioning look.
"It's from them." Sabi niya na ikinaseryoso ko.
"What do they want this time?" I said in a monotone voice. I don't want anyone to hear what we're talking about. Delikado na.
"Mamaya ko na lang sabihin, it's not safe." Tumango ako sa sinabi niya at hindi na umimik at dumeretso na kami sa klase namin para sa morning class.
Maraming kumakausap sa amin pero nakay Alex ang atensyon kasi sabi ko sakanya na ayoko muna magpaistorbo at nagidlip muna ako saglit. Si Alexander Chan ay kababata ko dahil close ang magulang niya sa mom ko kaya nahawa na rin kami.
The professor finally got inside and led her students back to their seats, she announce something then gestured the transferee to stand up and introduce themselves.
"I am Shikaru Yamato, I came from Japan and also taking a business course. Thank you."
Napunta bigla sakanya ang antensyon ko nang banggitin niya ang pangalan niya, Shikaru? Parang narinig ko na ito dati...
Lumingon ako kay Alex baka sakaling may maalala siyang pangalan pero mukhang wala naman itong alam. Siguro mamaya ko na lang isipin, sumasakit na talaga ulo ko.
Hapon na at nasa labas kaming naghihintay ng susunod na klase namin, hindi na ako pumasok ng klase nung alas-dies dahil kumikirot na talaga ang ulo ko at nahihilo na kaya nagpahinga ako na muna ako sa clinic.
Going back, habang naglalakad ako sa hallway ay nagtitinginan ang mga estudyante sa akin, lahat sila ay freshmen. Why am I here in the freshman building? Because I have to get my new brothers, just a few.
Those who joined us are a total of 285 male students, and of course, if they want to join my fraternity, they have to go through the challenges, and that places as we call it, the Blood House.
We're not just your usual fraternity, We're different. Of course, If there's a fraternity, there's also a sorority. Organizations here in this university are very popular, that is why you can't survive here if you don't have any source of connections but as long as you don't mess with anybody, then you're safe.
Hindi ko na rin muna sasabihin tungkol sa Blood House kasi aabutin ng gabi ang pagpapaliwanag ko at kailangan ko sunduin ang 23 brothers. Yes, all those 285 didn't survive the Blood House. Only 23 survived.
Pagkaliwa ko sa isang hallway ay may nakasalubong akong lalake na tumatakbo kaya nabangga niya ako pero siya yung nahulog.
"Harang! Ayaw kasi tumabi!!"
This guy must be a freshman. I just stared at him and waited for him to realize what he just did but since he's a complete idiot, fine, I'll help him.
"Do you even know who are you talkin' with?" I asked in my warning tone. Maintindihin naman akong tao, pwede naman siya magsorry sa akin dahil nabangga niya ako pero hindi, gusto niya ng gulo. Bigla din naman siya natigilan at napalunok sa di oras. Binibigyan ko lang naman siya ng pagkakataon na magsorry na lang at umalis sa harap ko.
"H-hoy ikaw! Pa-paenglish ka pang n-nalalaman! Wag mo ko pinagsasalitaan ng ganyan! Hindi mo alam kung sino binanggaan mo! Isa ako sa mga frats na kinatatakutan dito!" if he's part of an organisation, he should have known the list of organisation established and know who's who under that.
"And so?" I spoke in annoyance to this boy in front of me, he's wasting my time.
"You-you bastard! Binalaan na kita!" Sigaw niya, marami na rin mga estudyante pati ilang staffs ang nanonood. Wala naman silang magagawa sa eksena dahil kilala na nila kung sino ako, alam din naman nila ang mga rules ng GEU.
"Kawawa naman yung lalaking yun!"
"Freshman palang, nanggugulo na..."
"2nd year pa naman yung ginugulo niya..."
"Poor boy, si Baby Theo ko pa naman binangga..."
Akmang susugurin na sana niya ako nang may ilang mga lalake na humawak sa mga braso niya na nagpatigil sakanya kaya nagulat ito sa nangyari.
"Hoy! Bitawan niyo ko! Sino kayo?!" Sigaw niya, now he's making more fuss.
"Boy, kilala mo ba kung sino ginugulo mo? At narinig namin na isa ka sa mga frats na kinikilala ah? Ano pangalan niyo at mabugbog sa wisyo!" Bungad ni Alex na ngayo'y nasa tabi ko na, all I did is just stared at the boy.
"K-Karata-" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya nang tumawa mga kasamahan ko, except me, I looked around to see the new brothers are also in the scene. We are complete.
"Karatama? Seryoso ka? Anong kinikilala dun? Wala naman kayo sa listahan at isa lang kayong mga tambay. Kumukuha lang sila ng mga kasama para magmukhang org, hindi kayo opisyal na grupo." dahil sa pinaliwanag ni Alex ay narinig ko ang bulungan at tawanan ng ilan sa paligid, pati mga kasamahan ko ay natawa dahil sa kahihiyan na dinulot nung lalake. Kita ko sa mata niya na napahiya siya sa narinig, poor guy.
"That's enough." One word from me made all of them quiet. All of them wore their blank face that make the guy in front of me terrified. Siguro ngayon lang niya narealise kung sino ang binanggaan niya.
Lumapit ako sakanya at sinenyasahan yung mga humahawak sakanya na patayuin ito at pakawalan, tinignan ko ito ng deretso mata.
"Pagbibigyan kita, pero sa susunod at nakita ulit kitang nanggugulo, pati yang grupo mo madadamay." Sabi ko, dahil sa takot ay mabilis itong tumango senyas na naintindihan niya ang pinaparating ko at tinapik siya sa balikat bago ako lumihis sa eksena.
Lumakas ang bulungan at lahat ay natuwa sa inakto ko, sumunod ang mga brothers sa akin at nagsisiyahan at natatawa dahil kung gaano nanginig ang tuhod nung lalake, halatang di pa niya kilala ang grupo namin.
Like I said before, we are different from other organizations. We are helping male students to give the support they need in order to survive this university and to graduate with flying colors and other success...
Pero hindi ibig sabihin nun, hindi kami papatol.