Chapter 12

1361 Words
Shikaru's POV Padabog akong umupo sa pwesto ko dito sa klase namin at wala na rin akong pake sa mga tinitignan ng mga kaklase ko kaya wag talaga silang makisama sa pagkabadtrip ko. Ang aga-aga binabadtrip na ako ng mga tao sa bahay, laking stress! Nagpaalam lang naman ako ng maayos kung pwede sana ako umuwi ng late ngayon pero sermon lang narinig ko sa magulang ko! Wala naman akong sinasabi na overnight, sabi ko late lang ako uuwi mga alas dyes ng gabi, yun lang eh! Bago ang lahat, magrecap lang ako ng mga kaganapan kagabi kasi pagod ako nung pagkauwi ko at dumeretso na ako ng tulog pagkatapos kumain at maligo.  Bale si Alexander Sung, ang kaklase ko dito sa GEU ay sekretarya ng Bravo. Coincidence ba ito na nahanap ko na agad ang lungga at ang kalihim niya? Yan ang magandang balita sa parte ko kasi di na ako maghahanap sa mga sulok ng Pinas para lang mahagip ang opisyal ng organisasyon. Parang nakukutuban ko na kung sino ang Bravo pero ayoko muna magassume at magturo kung sino ito hanggat sa makita ko na talaga ang mukha niya. Nakasimangot lang ako na nakadungaw sa bintana para humupa manlang yung pagkabadtrip ko nang may tumapik sa akin, nung una hindi ko pinansin kasi baka imahinasyon ko lang iyon pero nung pangalawang beses ay dumiin na to kaya lumingon ako sa kung sinong tumapik sa akin at napaangat ng tingin nang makita ko siyang nakatayo sa tabi ko. Medyo nagulat ako kasi nakayuko itong nakatitig sakin dahil matangkad siya, oo matangkad may lahi kasi eh at nagulat lang ako kasi sa itsura niya, mukhang pagod, parang ilan oras lang ang tulog at hindi ko alam kung natural face niya iyon o sadyang ansama ng pagtitig niya sa akin. "Take a look at this," aniya at pinatong ang kanyang laptop sa lamesa ko, inalis ko rin naman bag ko para maipatong niya at mabasa ko ng maayos. Ano ulit meron? Ahhh, reporting pala namin para bukas. Hindi ko nga pala siya nakausap kahapon tungkol dun dahil umalis na agad ako na di nagpaalam sakanya na may pupuntahan ako, oopsies. Nang basahin ko ang gawa niya ay andito na pala lahat, proofreading na lang at dagdagan at bawasan since draft na ito, mukhang nageffort si boy. Huminga muna ako bago ko siya tignan ulit, kanina pa ba to nakatayo habang binabasa ko yung gawa niya? Ilang pages to ah. "Alright, ako na bahala dito. Isend mo na lang sa email ko at tatapusin ko na to mamaya." Sabi ko sakanya at kinalkal ko ang kanyang laptop para ako na magsesend sa email ko, nakakahiya naman sakanya kanina pa nakatayo. "Sure," Sabi na lang niya at kinuha na ang laptop pagkatapos ko isend sa email ko, nagvibrate yung cellphone ko sa lamesa hudyat na nasend na sa email ko. Gawin ko na rin sa lunchtime sa opisina ni kuya. "Ngayon ko lang nakita si Ford na kusang lumapit sa kaklase niya..." Napakurat ako ng mata nang marinig ko yung chismis sa di kalayuan, lumapit lang sa akin yung tao issue na agad? Kawawa naman yung lalake, dami pala niyang surveillance camera, kaya pala antahimik eh, may audience palagi. Pangalawang subject ay wala ang prof dahil may aasikasuhin ito dahil kasama raw siya sa isang nalalapit na event kaya di na ako nagaksaya ng oras at umalis na ng klase, dadaan muna ako sa opisina ni kuya para maghiram ng laptop at gawin ko yung reporting namin sa library para wala na along iintindihin. Habang naglalakad ako dito sa isang hallway ay naalala ko bigla yung pinagusapan namin ni Marco. Si Marco Liu, isang reaper under ng Alpha, my senior colleague. Tatlo lang kaming reaper sa under ng Alpha but we are excellent in our own profession dahil si Alpha ang nagpalaki sa amin, oo, parang inampon kaming tatlo but the difference between me and the two is... The Alpha enslave me, put me under his wing and trained me to be like him, hindi ko alam kung bakit pero ginawa niya akong second hand niya. Hindi alam ng iba na nagkikita kami personal at hindi alam yun ng dalawa, although they know my situation, they just respected the Alpha's decision kaya tinawag na lang din akong boss ng dalawa. Pero syempre, to earn each of our trust and loyalty, we have to fight for it. Patigasan pa kami ng mga ulo para lang makuha yung pagtitiwala namin sa isa't-isa, tinuro iyon ng Alpha sa amin, you have to fight for the respect. At dahil dun, magkakalapit na kami sa isa't-isa which I don't mind basta walang basagan ng trip. Kinamusta ako ni Marco kagabi nung tumawag siya, ilang buwan na rin kasi ako hindi nakapagkita sa dalawa sanhi ng mga misyon at pagaaral ko, matanda na kasi ang dalawa kaya may mga sariling buhay na. Wala na rin akong oras magpaalam sakanila kasi naging busy din naman ako at nagupdate din naman si Marco sa nangyayari sa organisasyon. He said that he will be assigned to a confidential mission just for him here in the Philippines kaya nagpapatulong siya sa akin na maghanap ng pansamantalang tirahan kasi binigyan siya ng dalawang buwan para sa misyon niya, I accepted his help and he will just use my suite in my brother's condominium. Wala naman gumagamit nun kaya pwede na muna niya gamitin, I already transferred his name into mine temporarily kaya bukas na agad ang dating niya. Once I get to the office, I just looked at kuya's secretary and just knocked on the director's office before opening it to see him on his desk. Napa angat siya ng tingin bago bumalik sa trabaho niya. "Yes?" Aniya nang tuluyan na akong pumasok sa loob. "Can I borrow your laptop? I need to finish my reporting." paalam ko at lumapit sa pwesto niya. "Don't you have your own laptop?" giit niya at kinuha ko sakanya yung laptop at umupo sa sofa. "Forgot at home, saglit lang naman ako may ichecheck lang saglit." sabi ko habang may kinakalkal na. Tahimik sa opisina ni kuya nang may naisip akong ideya kaya tumingin ako sakanya, "kuya," tawak ko sakanya at tinignan ako, "can you do me a favor." sabi ko at tumaas yung kilay niya sa akin siguro alam na niya balak ko. "Shikaru Yamato, ilang linggo ka pa lang andito kung saan-saan ka na naman gagala ha." napatawa ako sa sinabi niya kasi ganito ako sa kuya ko nung highschool pa lang ako, palagi kong dahilan sa magulang ko na magoovernight ako kela kuya, eh may sariling condo yun dati nung nagaaral pa lang pero sa totoo niyan ay palagi ko kasama mga kaibigan ko hanggang gabi na tapos deretso sa condo ni kuya para makitulog. "Wag mong sabihin may jowa ka na naman ha! Nako Shikaru Yamato!" lalo ako natawa sa reaksyon ng kuya ko at pinatigil na sa mga pinagsasabi niya. "Kuya... sa tingin mo may magkakagusto pa sakin? Nako, kapag nakita nila ugali ko baka umiyak na lang sila haha!" pagbibiro ko, as if may magkakagusto sa akin. Wala na sa isip ko na magkagusto sa ibang tao miski babae yan o lalake o sino, masyado na ako nasaktan para magmahal ulit at tama na yun. Saglit lang ako sa opisina ni kuya at dumeretso na ako sa locker ko para kumuha na ng mga libro na kakailanganin, habang nalakad may mga taong humarang sa dinadaanan ko base sa mga sapatos na nakikita ko kaya tumingala na ako para makita sila. Hindi muna ako nagsalita at tinignan sila isa-isa. "Ate, siya yung nanggulo sakin nung isang araw!" turo ng isang babae sa akin, base sa itsura niya ay isa siyang putanginang nilalang na naghahanap ng away. "Totoo ba sinasabi neto? Binabangga mo yung mga tao ko?" Tinignan ko naman yung babaeng nasa harap ko, malaki ang kanyang katawan mukhang nageensayo pero sa maling paraan niya ata ginagamit yung lakas niya, ginagamit sa mga walang kwentang bagay na tulad neto. Gusto ko na sana umalis sa eksena kasi wala naman akong ginawa pero pinalibutan na nila ako kaya wala akong choice na harapin ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD