Shikaru's POV
Isang oras na ang nakakalipas at nasa kalahati pa kami ng meeting ng Bravo, auditorium ang venue ngayon at medyo madilim ang paligid dahil lahat nakatutok sa gitna kung saan nakatayo ang Bravo nagsasalita tungkol sa kumpanya ng Alpha na pansamantalang pinaubaya muna sakanya.
Wala ako sa backstage syempre, hindi ko tungkulin na bantayan siya sa malapitan, trabaho na yun ng men niya, ang trabaho ko bilang reaper ay tagabantay sa malayuan, bago paman makalapit ang panganib sakanya, sa akin muna mapupunta yan.
Ilang beses na ako naikot dito sa itaas ng bahagi ng auditorium, sa totoo lang, nasa maximun na yung senses ko miski onting galaw ng mga tao dito napapansin ko, oo ganun na ako ka abnormal, sanayin ka ba naman ng matanda na makipaglaban at itapon sa gubat.
Sa ngayon anim na tao ang binabantayan kong palingoy lingoy sa paligid, isa sa mga taong hindi imbitado dito base sa sinabi sakin ng Quebec, sa ngayon bantay din niya ang ilan pa at iba naman ay binabantay ng mga reapers ng dalawang dayo.
Nakakapagtaka lang na hanggang ngayon di pa sila kumikilos na ipapahamak ng mga amo namin, sabagay andito naman ako para pigilan sila pero ni isa walang nagtangka. Sasabihan din naman ako ng Quebec kapag may nangyari sa iba pang reapers since marami siyang mata dito.
Kailangan ko na rin magingat ng husto sa amo ko lalo na't kaklase ko pa silang dalawa kasama pa ng kanyang sekretarya. Hindi ko rin inaasahan na estudyante pala ito at kasing edad ko pa, hindi halata sa mukha dahil binata pa lang siya pero napakahusay na mamuno ng negosyo at ng kanyang parte ng organisasyon.
Kaya gusto na ng Alpha na ipamana kay Bravo para umusbong na ang organisasyon niya sa susunod na henerasyon, at ang Bravo lang ang makakagawa nun.
Nakaluhod lang ako sa isang platform sa itaas ng bahagi ng auditorium nang makaramdam ako ng kutob na nagpalerto ng paligid ko, lumingon ako patalikod upang makita ko ang isang lalake na nakatutok ang hawak niyang baril sa akin habang ako naman ay nakahawak na sa baril na nakaipit sa likod ko at pinadilatan siya.
"Who are you," sabi ko, matalas ang tingin niya sa akin habang nakapwesto na ako para sunggaban siya kapag kumilos ito na magpapahamak ng Bravo.
"bạn là mục tiêu của tôi tối nay," aniya na.
"What do you want." Sabi ko, hindi ko siya naiintindihan kaya mas mabuting huliin ko siya para makausap ito ng masinsinan.
"It's you that I after." Marunong pala to magenglish eh, pinahirapan pa ako sa sinabi niya nung una.
"What is your intention" tanong ko, hawak ko na ang baril sa likod ko para kapag may mangyari ay huhugutin ko na lang ito at unahan siya. Mas matalas at mabilis ako sakanya, wag niya lang ako subukan.
"You have more potential to run your organization," aniya na ikinapagtaka ko, ako?
"It's none of your business to meddle with us," giit ko at saktong gumalaw ang mga mata niya para ituon pansin ang nagaganap na conference sa ibaba nang magpalakpakan ang mga tao kaya chance ko na yun para huliin siya.
hindi na ako nagaksayang ng oras at sinunggapan ko siya mula sa pwesto ko para kunin sakanya ang baril niyang nakatutok sa akin, pagilid akong lumapit para umalis ako sa line of sight niya bago ko siya hawakan sa may bewang para mawala ang balanse nito at tinanggal ko ang pagkakahawak nito ng baril at hinagisa palayo sa amin bago daganan siya at tinutok sakanya ang baril na nakaipit sa akin.
"Don't make a move or else I will kill you and your subordinates. What's your intention? Do you understand me?" sabi ko, hindi ito nakasagot agad kaya pinasok ko ang muzzle ng aking baril sa bunganga niya para iparating sakanya na hindi ako naglolokohan dito. This man should be aware of the consequences when he encounters a reaper such as myself.
"Speak now or I will put you in our custody to make you speak." Tinanggal ko naman yung baril mula sa bibig niya para may pagkataon pa siya makapagsalita, naduwal naman ito sa ginawa ko.
"I know that the Alpha is ill and you're the purpose of being here and I make sure that you will not succeed!" Angal niya.
Dahil sa sinabi niya ay hinampas ko sakanya ang hawak kong baril para mawalan ito ng malay at umalis sa pagkakadaganan sakanya, inis ko siya tinignan sa sinabi nito.
The nerve of this fucker to just blurt out something like this is the truth but how? Paano?
Kaming dalawa lang ng Alpha ang nakakaalam ng problema niya at ang hiling niya, sinisigurado ko na walang nakakakita at sumusunod sa akin bago ako makipagkita. Ibig bang sabihin nito ay naging pabaya ako sa paligid ko? Hindi ko naganpanan ang trabaho ko at may nakalusot na kalaban sa lungga namin? Imposible, unless ito lang naiisip kong posibilidad...
May spy sa amin.
Iimbestigahan ko muna ito sa sarili ko bago ako umaksyon, mas magandang tahimik ang organisasyon kasi kapag nalaman nila na may traydor sa amin ay tyak na magkakagulo gulo lahat at malalaman ng traydor na hahanapin siya.
Dinala ko sa sulok ang walang malay na tao at kinapkapan siya at hinanap ang isang gadget na nagkokonektado sa mga kasamahan niya, nakita ko ito sa coat nito at tinanggal bago ko ito ikabit sa tenga ko.
"Are you enjoying the show?"Bungad ko, may naririnig akong static sa kabilang linya bago ito umayos at narinig ko ang tawa sa kabilang linya.
[You look more intimidating in person] aniya, nakafilter ang boses nito kaya hindi ko matukoy kung babae o lalake.
"If you want to meet me in person then get out of your hiding spot before I get you myself, I can get to you right now," natawa siya sa pagbabanta ko na nagpainis sa akin.
[Not just yet, child. We have a long way to go and we're still at the beginning. For tonight's event, we will have a game!]
Laro? Sabi na ba may mangyayari ngayon eh.