Chapter 14

1647 Words
Natapos na ang araw sa di inaasahang pangyayari para kay Shikaru na palibutan ito ng mga kababaihan sa kung anuman ang dahilan ng panggugulpi sakanya, kailangan din niyang pasalamatan ang pumigil sa awayan lalo na't hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng taong hindi niya inaakalang tutulong sakanya kasama pa ng kanyang grupo. Dumeretso ito sa opisina para kumbinsihin ang kuya niya na siya magpaalam sa kanilang magulang na late na ng gabi makakauwi si Shikaru dahil sa kailangan ito sa trabaho ng kapatid. "Dalawang beses ka lang makakahingi ng tulong sakin, sa susunod wala na." paalala ng kanyang kapatid ngunit tinawanan lang ni Shikaru ito at kahit papaano tinulungan siya ng kuya niya, nagpasalamat ito sakanya bago lumabas ng opisina pero napansin ito ng kapatid nang makita niya ang mga galos at sugat sa kanyang katawan at alalang nagtanong kung ano nangyari sakanya. "I dunno, ask your students," sagot ni Shikaru bago tuluyang nang lumabas na ng opisina patungong parking lot kung saan nakaparada ang kotse na gamit niya ngayon, syempre hindi siya ang may ari ng kotse at pinulot lang ito sa kung saan. Umabot na ng alas sinko nang makarating na si Shikaru sa lungga ng Bravo, sinabihan siya ng sekretarya niya na makipagkita sakanya dito sa headquarters para bigyan siya ng mga tuntunin sa gagawin niyang trabaho. Nang makita na niya ang sekretarya ay sinenyasan ito na sa opisina sila para dun magusap, habang naglalakad ay nakita niya ang mga taong naka uniporme, mukhang mga tagabantay ng Bravo. "Can I ask something?" lumingon si Shikaru sa sekretarya pagkarating nila sa opisina, hindi muna sila pumasok sa loob nang lumingon si Alex sakanya. "May I know the reason why your name is Wan?" tanong ni Alex sa babaeng kaharap niya, nagtataka kung bakit ito ang kanyang pangalan. "Wan is a sound when a dog barks in Japan," sagot naman ng dalagita sakanya, natanga naman si Alex sa sagot ng reaper at hindi siya sigurado kung ginagago lang ba niya ito o hindi. "Are you serious?" di makapaniwalang sabi ni Alex, ngunit tumango lang ang babae sakanya. Hinayaan na lamang ni Alex ang reaper at pumasok na ang dalawa. "Bravo, Wan is here," sabi ng sekretarya bago ito buksan ang pinto at nakita ni Shikaru ang mukha ng Bravo... Tahimik ang dalawang pumasok sa opisina pero sa looban ni Shikaru, sobrang gulat ito sa taong kaharap niya pero hindi niya ito pinakita at di na kailangang magover react dahil kinutuban na ito kung sino ito at baka magtaka ang dalawa kapag maglabas ito ng emosyon at hindi niya pwedeng sayangin yung pangalawang kamalian niya, mahirap na kung pagdudahan siya nito na kilala ng reaper ang dalawa lalo na't kaklase niya ang mga ito. "This is the Bravo, Theodore Ford. The person you will look out for, you know your job as a reaper, right?" saad ng sekretarya, sumangayon naman siya sa sinabi sakanya habang ang Bravo ay busy sa pagaasikaso para sa meeting mamaya na pupuntahan ng tatlo. "You are Wan, right?" sabi ng Bravo habang busy ito sa mga papeles. "Yes, I am Wan and will be in your care until further notice." Sagot ni Shikaru. "Does my father said anything personal to you?" Tanong niya, napatahimik naman si Shikaru sa tanong niya. Ilang minutong katahimikan ang hudyat na meron nga kaya initaas ni Bravo ang tingin sa reaper sa harap niya. Ngayon lang niya ulit nakita ang reaper ng Alpha, parehas ang uniporme sa ibang reapers pero ang kaibahan lang nito ay ang lapel pin na nakapertible sa kanyang kaliwang bahagi sa may baba ng kanyang collarbone, eksakto sa kanyang tatay. "Alex, leave us." utos ng Bravo kaya nagulat si Alex sa sinabi ng kaibigan ngunit sumunod din agad. Nang maiwan ang dalawa sa kwarto ay tahimik itong tumayo mula sa upuan nito at nilapitan ang reaper. Ilang dangkal ang pagitan ng dalawa at tinignan ng masusi ang reaper, hindi kumibo si Shikaru sa inaakto ng binata sakanya, alam niyang hindi siya ito tatantanan dahil sa kung ano ang estado nito sa Alpha na hindi sangayon ang Bravo, kita na niya iyon, sa tingin pa lang ng Bravo. "Who are you, Wan? Why did that old man took you as if he's adopting you into the family than putting you to his organization? Why do you have the same lapel pin as his? You know what that means?" sabi ng binata na seryosong nakatingin subalit hindi kumibo si Shikaru dahilan ng pagkainis ng Bravo sakanya. "Having the same symbol as that old man means you are taking over his position━ the organization, so answer me, What is his agenda? What is the meaning of this!" tinaasan na ito ng boses na nagpaudlot kay Shikaru pero hindi niya iyon pinahalata sakanya at mabuti na lang ay suot niya ang maskara niya. Hindi umimik si Shikaru sa sigaw ng Bravo dahil alam niyang personal ito para kay Alpha at miski ang sarili ay di niya alam ang sagot na gusto ng Bravo, ginawa na lang si Shikaru na right hand sa di alam na dahilan at sumunod na lamang siya sa gusto ng matanda. "You're being disrespectful right now, not answering my questions." sa tono pa lang ng Bravo ay hindi natutuwa sa sakanya ngunit tahimik pa rin si Shikaru. "I apologize, but I cannot answer your question, only the Alpha can answer that. Also, you don't want to tell any personal life with me because I am not the right person to hear them and the person who is monitoring me for this mission." Sagot ni Shikaru na ikinagulo naman ng Bravo. "What do you mean? Is someone with you right now?!" Gulat na saad ng Bravo at naging alerto sa kasama. "For tonight's mission, Whiskey and X-Ray will be your acquaintance in the meeting and will observe tonight's mission." Sabi ni Shikaru na nagpatahimik kay Bravo. Ang mga taong binaggit ni Shikaru ay kasapi sa organisasyon ng Alpha, hindi niya inaasahan na may dadayo kay Bravo na mga katrabaho niya mula ibang bansa. "And also, Quebec is monitoring for tonight's mission." Napakunot naman si Bravo sa binanggit ni Shikaru. "Quebec? Why?" Tanong ng binata. "Alpha's order," tipid na sagot ng dalagita kaya napatahimik na lang ito. Hindi na niya ito pinilit pa pagsalitahin lalo na kapag utos ito ng Alpha at wala na din siyang magagawa kasi pribado ang mga utos. Hindi rin nagtagal ang usapan ng dalawa nang oras na para pumunta na sa venue ng Bravo, mabilis naman kumilos ang mga tauhan ng Bravo lalo na si Shikaru ay nauna nang umalis para tignan ang lugar kung baka sakaling may mangyaring ikakahamak ng Bravo. Habang patagong lumilibot sa lounge area kung saan andito ang mga katrabaho ng Bravo sa isang kompanya, si Shikaru ay nakita na niya agad ang dalawang guest ng Bravo na sila Whiskey at X-Ray, ang kasapi ng organizasyon ng Alpha. Habang sinusuri ang bawat galaw ng mga tao dito, tumunog ang kanyang earpiece hudyat na may tumatawag sakanya. [Shikaru, there are 18 unidentified men in the facility.] Sabi ng Quebec sakanya, napakurap na lang ng mata si Shikaru sa bilang ng mga aasikasuhin niya ngayong gabi, kapag may ginawa sila kahina-hinala na magpapahamak sa amo niya, tyak na magkakaduguan dito. [And also,] bumalik sa wisyo si Shikaru nang magsalita ulit ang kausap, [who the f**k is Wan? Why did you give Bravo a fake name? Your name is already shitty so why give them a shittier name?] Naku, Quebec sarap mong hampasin ng upuan sa sobrang pasmado ng bibig mo, kung napupuntahan lang kita gagawin ko talaga yan sayo, kababatang tao ang talas ng dila eh... Isip ni Shikaru sa kausap habang namimilipit sa asar sa minumura ng Quebec sakanya. Kahit hindi kasundo ni Shikaru ang kausap wala rin siyang magagawa dahil kailangan niya ang kakayahan ng binata sa husay niya sa teknolohiya at koneksyon nito sa polisya, dahil sa estado ng Quebec ay kaya niyang makipagnegosyo at manipulahin ang mga impluwensyang tao. "I will deal with your potty mouth later, Quebec. Focus on the mission." Sabi ni Shikaru bago ito p*****n ng tawag. Pinakiramdam ni Shikaru ang palagid para malaman kung saan nakapwesto ang mga reapers sa ilalim ng dalawang bisita, kung baka sakaling tumulong sila sa seguridad mamaya. May isang reaper ang malapit sa pwesto ni Shikaru kaya lumapit ito sa isang makulimlim na bahagi ng pasilidad kung saan ito naka base, nang mapansin ito ng reaper ay binati ito agad ni Shikaru para malaman ng reaper na kasapi siya sa organisasyon. Nang sabihan na ni Shikaru ang reaper ay lumabas na ito ng lounge para salubungin ang Bravo para samahan ito papasok at gawin ang tungkulin niya bilang reaper, habang paparating ang kotse sa venue ay di maiwasan ni Shikaru na kutoban siya sa mangyayari ngayon gabi, nangangatob ito na may mangyayaring kakaiba dahil sa natuklasan niya mula kay Quebec na may mga tao dito na maliban sa dalawang dayo, nakakaramdam ito ng panganib pero sa anong rason? Kaya ba hinayaan ng Alpha si Shikaru na umalis na lang sa tabi ng amo niya? Tumatak din ito sa isipan ni Shikaru kasi hindi basta basta papayag ang amo niya na sasabak sa misyon nang walang dahilan, kilala niya ang Alpha at hindi lang ang misyon niya kay Bravo ang gagawin niya. Mukhang hindi lang misyon ko na kumbinsihin si Bravo, may ibang bagay pa pala ako kailangan asikasuhin... Isip ni Shikaru at napangisi na lang sa ilalim ng kanyang maskara, saktong pumarada sa harap ni Shikaru ang kotse at iniluwa dun ang nakamaskarang Bravo na nakatitig sakanya. "Bravo." Bati ni Shikaru at yumuko para magbigay galang sa kakarating na pansamantalang amo niya ngayon gabi. *Wan ang binigay na pangalan ni Shikaru kay Bravo at sa sekretarya niya dahil kapag sinabi niya ang totoong pangalan niya ay baka mabuking si Shikaru na kaklase pala nila ito.*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD