Shikaru's POV
May kumatok sa pinto ng kwarto kaya padabog ko itong binuksan at nakita ko ang isa sa katulong namin, bumati ito sa akin at pinapatawag na raw ako nila ma para magagahan, tumango lang ako at nagmadali na magbihis.
Parang ang boring ngayon lalo na't makulimlim ang langit, pero kapag ganito yung panahon para sa akin may pwede mangyaring maganda kaya napangiti ako sa naisip ko.
Sino kayang hampas lupa na may magtatangkang gaguhin ako mamaya sa eskwelahan? At para sumaya naman araw ko ngayon... Isip ko.
"Mukhang maganda gising mo ngayon ah." Bati sakin ni ma at hindi ko namalayan na nakangiti pala ako.
"Wala naman." Sagot ko, napansin ko na wala si dad.
"Asan si dad?" Tanong ko habang nagsisimula na kami kumain.
"Sa trabaho, may kailangan daw asikasuhin." Tumango na lang ako, pero ganito ka aga papasok si dad? Usually mamaya pa ito pagkatapos ko umalis.
Hindi ko na lamang ito pinansin at pumasok na ako sa eskwelahan. Habang nasa isang stoplight ako ay may humarurot na dalawang magarang na kotse at overspeed pa sila, mukhang nagkakarera ata sila.
Hmm, sarap sana mantrip at sumali sa karera nila kaso hindi race car gamit ko eh, hindi compatible sa pangkarera at pang roadtrip lang ito, sarap sana makisali...
Nang makapasok na ako sa parking lot ng school ko at sakto ay nakita ko ulit yung dalawang kotse kanina na nakapark sa isa't-isa, yung isa ay BNW in the shade of purple.
Hindi ko maiwasan na mamangha sa disensyo ng kotse dahil maganda pagkatinta niya at luxury car na rin, customized pa siya.
Siguro ilang minuto ko na ito tinitignan at iniikutan at napansin ko na mainit pa ang makina nito. Wait, may tao pala sa loob?! Oo nga, may tao nga! Kainis, nakakahiya! I was too engrossed in the car and didn't realize that there is still a person inside!
Kahit masakit sa dignidad kailangan ko umatras at umalis kahit hindi ko gawain iyon! Yung mas masakit pa dun ay siguro pinagtatawanan siguro ako nung tao sa loob na di ko naman kilala kung sino! Che!
Napairap na lang ako sa inisip ko at dumereto muna sa locker bago pumasok na sa klase ko.
Syempre wala akong pakialam sa tinitignan nila pagpasok ko at alam kong maganda ako kesa sakanila at hindi na nila kailangan ibahagi iyon sa akin.
Dere-deretso sa pwesto at hindi ko talaga maiwasan na tignan sila sa gilid ng mata ko na tinatarayan ako. Hmph, duraan ko kilay nila at ipudpud at tignan natin kung sino magiinarte samin!
Nagsalpak ako ng earphones at dumungaw sa may bintana, oo ganito kalapit upuan ko sa bintana kasi marami rin kami sa loob at medyo maliit itong classroom para sa trenta na estudyante. And yes, ganun kami karami sa loob.
Habang natingin sa labas ay may humila ng earphones ko kaya napalingon agad ako para tignan yung gumawa, it's one of the bitches with fakebrows.
"Hey, you!" Tinuro niya ako at umupo pa sa armchair ko," kahapon ang angas mo ah? Kala mo sayo yung school? Director lang ang peg? Bakit? Reyna ka ba para magangas ng ganun sa first day?" Sabi niya pa. Napasandal na lang ako sa upuan ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa pinagsasabi niya, di ko maintindihan!
"What if I am the queen who rules this school?" I asked her, I dared, I looked at her straight in the eyes at nagulat ito sa sinabi ko. Pati ata sa mga audience ay napatahimik din.
"You-you b***h! Wag ka magangas dito! You don't know who you're talking to!" Napakurap na lang ako sa sinasabi ng babaeng to, sakit sa ulo.
Siya yung bumangga, siya pa galit. Ano gusto mo mangyari teh? Sana kinausap na lang niya sarili niya kung mapipikon lang din siya. Ano akala niya sa akin, walang laban? Manigas siya.
"Patay siya kay Vanessa..." Bulong ng isa.
"Poor her."
"Girl, please. Kung gaganyanin mo lang ako wag mo na ituloy, kasi mas gago pa ako kesa sayo kaya umalis ka sa upuan ko." Tinulak ko siya paalis ng upuan ko at hindi ko na pinansin yung mga ingay ng mga kaklase ko.
Hindi rin siya nakapagreact nang dumating na yung professor namin kaya kanya kanyang balik na ng upuan yung iba. May ilan din na kakapasok lang pero hindi na pinansin iyon ng professor.
Habang nagtuturo ang guro namin ay nakita ko sa peripheral ko na may nakatingin sa akin kaya lumingon ako at tama nga ako, nakatingin yung lalakeng katabi ko sa akin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Problema neto?
Mukhang nakita niya pinaparating ko kaya umiwas na ito ng tingin, eh di wow.
Natapos ang unang klase at panay hikab lang ang inaral ko at wala rin ako sa mood makinig ngayon kasi andami kong iniisip tungkol sa sinabi ni Quebec sa akin, pagkatapos ba naman ako pagsabihan ng stupid tatawagan pa ako kasi may kailangan pa raw pagusapan, hmph! Sino samin ang stupid ngayon! Pababa pa ng tawag eh may sasabihin pa pala siya!
Oo alam ko na yung gusto niyang gawin ko, bantayan yung tao para sa ikababuti ng organisasyon, ang pinoproblema ko lang naman ay yung tao mismo, hindi yung posisyon na maaari niyang gampanan sa wastong araw. Ang inaalala ko lang ay━
Sino si Bravo? Saan ko naman siya mahahanap? Sino ba siya?
Tuwing may magkakaroon na pagtitipon ay lahat nasa kani-kanilang uniporme at may suot-suot silang maskara. Mukhang problema nga to, ang pagasa ko na lang ay ang pagtitipon na magaganap mamaya na sana umattend yung kailangan kong bantayan at kumbinsihin na palitan na yung matandang iyon.
Umabot na ng hapon at huling klase na namin ngayon araw, wala masyadong nangyaring initan sa amin ng babaeng iyon dahil siguro hindi ako mahanap kasi nasa opisina ako ng aking brother with his baby children. Halos buong araw ako nakikipaglaro sa mga pamangkin ko kasi hindi ko matiis eh, sobrang cute! Mana sa nanay!
Sa huling klase ay hindi ko nakita yung katabi ko, madalas wala akong pake sa mga nakakatabi ko pero yung lalakeng tinadyakan ko sa upuan ay wala. Actually halos kalahati ng mga lalake dito ay wala at kumpleto kaming mga babae. Nakakapagtaka pero hayaan na ang mga taong ayaw pumasok, buhay nila iyon at hindi satin.
Natapos na rin ang klase at akmang aalis na ako ng classroom nang libutan ako sa upuan ko kaya naging aware na ako sa gagawin nila.
Ahhh, so hinintay talaga nila ako. Okay, napakurap na lang ako sa trip nila.
"Galing mong magtago! Palibhasa wala kang kakampe dito!" Sabi nung bruha na kumausap sa akin kanina.
"At anong pake mo? Magulang ba kita para sabihan kung saan ako napunta bawat minuto?" Sabi ko naman sakanya, nagreact ang mga tsismosa!
"Aba, kung makasalita ka parang kilala mo ko!" pagmamayabang niya, binabanta niya ako pero anong pake ko? Madami na akong naranasan na takot at panganib kesa dyan sa pandidilat ng babaeng to.
"At pake ko?" Sagot ko pabalik at tinaasan na siya ng kilay, sarap kasi niya pikunin lalo na't pikunin pa siya!
At dun na nga siya napikon, hahablutin na sana niya kwelyo ko nang pigilan ko ito gamit ng kamay ko, nagulat ito saglit pero pumalag din agad at sasampalin niya ako pero nakailag ako.
Bilib ako sakanya, akala ko isa lang tong b***h na walang ginawa kung'di maginarte at manampal lang, marunong din pala ito lumaban.
Yung ibang manonood ay naaaliw sa suntukan namin at yung iba walang kibo. Panay ang suntok na ginagawa nung babae, walang kwenta, ako na nahihiya para sakanya kaya umaakto nna lang ako ayon sa daanan ng mga suntok niya. Para hindi na masayang energy ko ay nagabang ako ng tyempo na makalapit sakanya at nung nagkataon ay pumwesto ako, hinawakan ko siya at binigyan ng malakas na hip throw sa isang lamesa sa kung saan. Wala akong pake kung kaninong upuan iyon at bahala siya dyan.
Lahat nagulat sa nangyari, miski yung babaeng inihagis ko, syempre hindi ko nilakasan kasi baka sa hospital na bagsak neto at pasalamat siya na mabait pa ako nun.
"This is embarassing," sabi ko sakanya, sinamaan niya lang ako ng tingin at akmang babangon ito pero pinigilan ko ito dahilan ng pagtigil niya at nilakihan ako ng mata. Halos mawalan ng hangin nang pinandilatan ako ng mata, hindi ako kumibo. Bakit? dahil tinutukan ko siya ng isang dagger sa may tyan niya, isang push dagger. Syempre tinago ko ito sa mga manonood, baka pagsabihan ako sa di oras.
"Eto tandaan mo," sabi ko at pinandilatan ko na ito ng tingin na sana makuha na niya yung pinaparating ko, "wag na wag mo kong babanggain kasi pwede ko ito ituloy sayo at pasalamat ka mabait pa ako sa palagay na to. Sa susunod kasi, lokohin mo na ang lasing, wag lang ang taong tahimik." Inalis ko na yung kutsilyo mula sa sikmura neto at bumalik sa pwesto ko para kunin yung bag ko.
Habang nalakad akp palabas ng klase ay nakita ko ulit yung lalakeng iyon na nakatingin sakin, mukhang namangha sa nakita niya kanina kasi kita ko ito sa mukha niya. Ang pagkakatanda ko ay wala ito nung last subject, ano ginagawa nun dito? Ito yung mukhang artista na pinapalibutan ng mga tao...
Inirapan ko lang ito at tuluyan nang lumayas ng eskwelahan.
Wala na, nagsayang lang ako ng oras.