Shikaru's POV
I can't believe it...
Si Bravo andito sa meeting at himala ng langit at lupa!
Pinagmasdan ko siya ng mabuti at pinagaralan ko ang bawat kilos niya, sa ngayon, siya ang nagsasalita sa mga guests na andito. Kumpleto kami at ilang reapers lang ang pwede makinig sa meeting na ito kasi pribado ito at tanging may mga position lang ang inbitado.
Pero ano ginagawa ko dito? Kasi hawak ako ng Alpha, iilan lang kami sa kamay niya at kasama rin kami sa mga pagtitipon na nagaganap, for safety and security.
Sa ngayon, ako lang andito kasi yung iba kong kasamahan ay may kani-kanilang misyon na ginagawa sa iba't ibang bansa. Nakatayo lang ako sa gilid habang nakikinig din sa usapan, inaamin ko na sobrang bored ako ngayon at nangangalay na ako sa pwesto ko pero hindi ko rin maiwasan na makinig sa speaker...
Kaya pala gusto na ipamana ng Alpha kay Bravo dahil sa taglay niyang leadership at may ilan na rin itong inambag sa organisasyon. Pero bakit ayaw pa niya kunin yung responsibilidad? Yun ang ikinatataka ko.
Natapos na rin ang meeting na halos umabot na ng dalawang oras. Oo, dalawang oras na ako nakatayo sa loob.
Yung iba ay nakaalis na at may ilan pa na nakikipagkwentuhan sa ibang guests kaya ako, dumeretso sa kung saan man ang Bravo kasi kailangan ko siya makausap. Pumunta ako sa may lobby at nakita ko siya na may kasamang lalake, hindi siya pamilyar sa akin at nakaputing maskara lang ito so bale ininbita lang siya.
"I regret attending," rinig ko sabi ng Bravo sa kasama niya, nakatalikod ito sa akin kaya hindi pa nila ako napapansin.
"Come on, man. this is for your own good," sabi naman ng kasama niya, "let's just go back and talk about what happened."
Tama nga ang kinukwento sa akin ng mga tao dati na ayaw ng Bravo na humabilo sa mga ganitong bagay dahil sa kung anung rason, kaya paano ko naman ito babaguhin ng isip?
"Hey." nawala ako sa pagiisip ko nang mapansin na ako ng dalawa mula sa likod nila, napatingin ako sakanila at nakatitig ang mga ito sa akin.
"May I talk to Bravo?" paalam ko sakanila, nagalanganin muna ang kasama ng Bravo pero umalis din para bigyan kami ng privacy para magusap. Lumingon na sa akin ang Bravo kaya tinignan ko na siya.
Hindi ko man makita kung anong expresyon na binibigay niya sa akin pero sabagay, hindi rin naman niya ako kita dahil naka full mask ako ngayong gabi dahil may rules akong ginagampanan bilang reaper sa organisasyon ng Alpha, tanging mata lang ang kita sa akin, yun lang.
"What do you want," sabi niya, tumikhim muna ako bago ko ipaalam sakanya ang pakay ko.
"I am one of Alpha's underlings, I was ordered to be your aide for the time being." sabi ko, pero hindi siya kumibo.
"I get it," sabi niya kaya medyo naguluhan ako sa ibig niyang sabihin, "Alpha ordered you because that old man wants to pass his position on me by convincinf me, right?" hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya kasi tama nga naman siya, ang puntirya ko dito ay kombinsihin ang Bravo na palitan na ang Alpha dahil nangangalangan na ng bagong pinuno para sa susunod na bagong henerasyon na magpatuloy ng organisasyon na ito.
"Look, whatever happens, I will not take over his place and tell him that I am not interested in taking that path, have someone else to do it," he said and was about to turn away from me when I held his arm making him stop turning.
"He's ill!"
Sa sinabi kong iyon ay napatigil ito at tinitigan ako ng seryoso, seryoso ko rin siyang tinignan para maintindihan niya ang pinaparating ko.
"Don't f**k with me." lumalim ang boses niya hudyat na hindi siya natutuwa sa sinabi ko.
Fuck with you, you say...? isip ko, seryoso ka ba Shikaru? sa ganitong oras at lugar ka pa magiisip ng mga ganyang bagay?!
"I'm serious Bravo, he is sick. he just doesn't want to inform you because he doesn't want to bother you and your mother." I told him. but the way he looks at me deepens.
"Why would he say something like this to you? why? If he would say anything important, he goes to me and my mother." humakbang ito papalapit sa akin at siya naman ang humawak sa braso ko at kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa galit.
Doon na ako nakaramdam ng kutob na gusto niya akong saktan dahil halatang di niya nagugustuhan yung sinasabi ko.
"Unless..." tumigil ito sa paghakbang habang nakatitig ng masama sa akin. Ayoko sana magpakita ng takot at kaba sa harap niya pero tangina, nararamdaman niya ako.
Kay Alpha lang ako nagpapakita ng takot dahil siya lang nakasaksi ng mga hinanakit ko noong wala na ako sa wisyo ko dahil pagod na ako nun... pagod na mabuhay.
Mga panahong ansama ng life sa akin, parang gusto na niya ako mawala dahil sa kamalian na ginawa ko.
Mga panahon na tinataboy na ako ng mga tao dahil sa katangahan ko.
Mga panahon din na tinatakwil din ako ng mga magulang ko sa ginawa ko.
Kaya sa panahon ngayon na kasama ko sila sa bahay, mahirap na maibalik ang damdamin ko sakanila... mahirap maibalik yung tiwala ko sakanila dahil sa ginawa nila sa akin nung panahong kailangan ko sila, pero ano ginawa nila? Wala.
"Hey."
Napabalik ako sa mundong ibabaw nang tawagin niya nako, may distansya na ito sa akin at kita ko sa mga mata nito na mukhang naguguluhan na ewan. Bakit?
"Why are you crying?"
Nagulat ako sa sinabi niya, ako? Umiiyak? Hinawakan ko ang mukha ko at totoo nga, may tumulong luha galing sa mga mata ko. Pinunasan ko naman ito agad at tinignan ko siya ulit.
"it's not what you think," sabi ko, naguguluhan pa rin siya sa akin, ako din naman, " that's nothing, really... I was just surprised." pagdadahilan ko.
"you're... weird." sabi niya na lamang bago tumalikod na ito sa akin paalis. Hindi ko na ito pinigilan pa kasi naweweirduhan din ako sa sarili ko.
Fuck, ba't ganun? Mali yun! Bakit ako umiyak at natakot sa harap niya?! Bakit ka nagpakita ng damdamin sakanya?! Ano na iisipin nun sayo? Napakamali!
Sinuntok ko yung pader malapit sa akin at ilang beses pa hanggang sa mamanhid na kamao ko. Okay lang sanay na ako masaktan haha!
"Puta, manang mana yata to kay Alpha." sabi ko sa sarili ko habang nagmumura ako paalis ng lugar na iyon, "tangina!"