Chapter 17

1264 Words
Shikaru's POV After the successful event of Bravo, I was with him and his secretary going back to the headquarters to celebrate Bravo's event. He invited all of his "brothers" to have drinks. Yung tipong inuman, pero sosyal kasi mayaman tong lalakeng ito eh. Hindi rin ako umaasa na yayain niya ako sa rich class inuman session nila kasi nga, reaper ako at iba ang trabaho ng reaper kesa sa mga opisyales at ng mga tauhan nila. Ako ang nagmamaneho ng kotse na ginamit ng dalawa pabalik sa headquarters, hindi ko alam kung bakit at pwede naman si Alex na lang magmaneho, pero wala naman akong problema sa paghatid sakanila kasi yung ginamit kong motor ay nakaw lang sa tabi kasi nasa illegal parking, haha! "Wan, are you also assigned to be my guard daily like at school, especially at home?" Bravo asks, I looked at him on my peripheral since he's next to me. He didn't wear his mask since we're going back, he's too open around me... Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang Bravo at anak ng Alpha, may pagkahawig silang dalawa at siguro magkamukha sila kung binata pa ang Alpha kaso matanda na eh, kaya hindi ko rin masasabi. Kung titignan ng mabuti ay halos magkaparehas sila ng features maliban sa kulay ng mata, siguro sa nanay ito nagmana. "The Alpha just assigned me to be your guard until further notice, so long as I meet the task given to me, then you can place me anywhere you want." sagot ko sakanya. "Then I will be the one giving you a place, correct?" "Yes," I lied, alam kong ilalagay mo ako sa malayong lugar para hindi kita makumbinsi sa gusto ng Alpha. "Fine, I will give you a place," sabi niya, hindi na ako magugulat kung ilalagay niya ako sa malayo. "You can do whatever you want," aniya na nagpagulat sa akin, syempre di ko pinakita nagmamaneho ako eh. "Ha?" gulat ng kasama namin isa, yung sekretarya, siya na yung nagreact para sa akin. "But, you can't come with me every time I go back home, to my family. You are not allowed to go near the house nor the area. I don't want you stepping into the property and if you do, I will send you back to that man, by force." So bale ang gagawin kong task na binigay sa akin ay ang Alpha at sa Bravo naman ay huwag pumunta sa bahay nila. Yun lang pala eh, eh di okay walang problema basta wag lang siya mainis kung miski sa banyo ng panlalake ay sundan ko rin. "Understood." sabi ko na lang. Mukhang hindi ko na kailangan ipaexplain sakanya kung ano ibig niyang sabihin kasi direkta na at yun lang kailangan kong sundin. Bahala na raw ako sa buhay ko. Hindi rin nagtagal ay andito na kami sa headquarters ng Bravo, maraming nakapark na mga kotse at motorsiklo hudyat na andito na rin ang mga kasamahan niya. Lumabas na ang dalawa habang ako naman ay nakasunod lang sa dalawa sa di kalayuan, pagkapasok namin ay bumungad ang mga tauhan niya at dinala na sila sa kung saan at naiwan na akong magisa. Buti na lang pinayagan ako ng magulang ko na magovernight sa kuya ko sa condo niya, mababantayan ko ng maayos yung amo kong akala mo galit sa mundo, parang nireregla araw araw eh. Sinundan ko ang ingay at nakita kong dito sila sa isang open area kung saan ako nakipagsuntukan sa mga tauhan ng Bravo, habang busy sila sa gitna ay umakyat ako papunta sa ikatlong palabag at hindi natatamaan ng ilaw para bantayan ng maayos ang magaling kong amo na hindi manlang ako inalukan ng inumin, kahit beer lang sapat na eh. May isang malaking kahon dito sa pwesto ko kaya umupo ako at naglabas ng phone para kausapin ang Quebec tungkol sa nangyaring habulan kanina, hindi ko pa sinasabi sa Bravo yung nangyari sa akin dahil gusto ko muna ito pagusapan kay Quebec. "Quebec," tawag ko sakanya nang tawagan ko. [What,] aniya, kahit kelan talaga walang galang sa nakakatanda eh. "I need the full information regards to what happened." Utos ko sakanya, sumilip ako sa ibaba kung saan nagaganap ang inuman nila. Tinignan ko ang Bravo na nakikipagusap sa mga kasamahan niya, mukhang masaya naman siya na kasama sila. Nung unang pagkakilala ko kay Bravo sa GEU ay suplado at hindi namamansin dipende kung sino kakausap sakanya, madalas kasama niya mga lalake lalo na sekretarya niyang si Alexander Yang, Alex for short at bihira naman sa mga babae. Minsan nakikita ko na kausap niya mga nakakatanda sakanya tulad ng mga professors at mukhang may respeto naman siya. Base sa research ko sakanya ay hindi niya madalas nakakasama ang Alpha sa paglaki at lumaki ito sa pamilya ng nanay niya kaya sobrang lapit ng loob nito sa nanay. Siguro yun din ang rason kung bakit binantaan niya ako kanina nung sinabi niya sa akin na wag ako lalapit sa lugar nila. Sabagay, naintindihan ko naman yun, gusto niya lang ilayo sa kapahamakan ang pamilya niya kaya inilalayo ako sakanila dahil ako mismo nagdadala ng panganib. Kung ganun, bakit sumali pa siya sa organisasyon ng Alpha sa una, kung ayaw naman pala niya sumali? [Shikaru,] Natauhan ako sa lakas ng boses na tumatawag sa akin sa telepono. "Sorry, what is it?" [Idiot,] napatahimik ako sakanya, napakabastos talaga ng bibig kahit kelan, gusto ko talaga tong sipain sa mukha eh. [Anyways, about what happened, I expect something like that would happen since we identified a lot of men who are not invited but is on the property as if someone let them.] Aniya. "So an employee is involved in what happened," [Yes, I already got all the information about it and the culprits involved, but there is something that went wrong with the person who let these intruders in.] "What do you mean?" Napunta sa ibaba ang atensyon ko nang maramdaman ko na parang pinaguusapan ako at mula sa gilid ng mata ko ay may isang tao na nakatingin sa akin, isa sa mga tauhan ng Bravo. Rinig ko mula sa pwesto ko kung paano nila ako pagusapan pero hinayaan ko lang. "Bro, sino yun?" sabi nung lalake na kausap ang Bravo, ramdam ko ang pagtitig ng ilan sakanila. "That person is with me, don't mind it." sabi naman ng Bravo. "Ahh, kasama pala siya sa event mo? Ayaw niya sumali sa atin?" Nagtaka naman ako sa inasta ng lalake na ramdam ko rin na nagtaka rin ang Bravo sakanya, baguhan ba to para sabihin ang mga ganyan bagay? Hindi ba niya alam na iba ang trabaho ng isang reaper kesa sa tagabantay at myembro ng Bravo? "Bro, pagpasensyahan mo na ang bagito, kahapon lang siya nabinyagan." May sumingit na lalake sa pagitan ng Bravo at ang rookie daw. Hindi umimik ang Bravo sa inasta ng bagito kaya tinuon ko ang atensyon ko sakanya sa kung paanong paraan ang gagawin niya sa bagito. "Listen, I will only tell you this once so you better take it into your heart." Tumahimik ang kapaligiran at tinuon ang pansin sa leader nila, namangha ako sakanila dahil sa pagiging loyal nila sakanya at nakinig ng husto sa sinasabi ng Bravo. Napakahusay mamuno, malakas pa ang dating kaya lahat ng tao ay sumusunod, base rin sa research na nahanap ko ay maganda rin ang intensyon ng kanyang organisasyon na tinayo niya simula nung high school pa lang ito at alam niya kung sinu-sino ang nararapat na sumali sakanya, at higit sa lahat... Malaki pa ang kanyang pwet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD