Shikaru's POV
Pagkatapos ng gabing iyon ay sinundo ko si Marco Liu sa kinaumaga, isa sa mga colleague ko at under ng Alpha. Wala rin pasok ngayon kaya nakaalis ako ng maaga para sunduin siya sa airport.
Ginamit ko ang kotse ko at maaga rin nakadating sa airport. Hinanap ko yung isang nagiisang pangit na mukha dito sa waiting area nang makita ko siya na kakalabas lang ng building, tinawag ko ito agad at sinenyasan na wag siya papetiks at sumunod na agad sa akin, nakinig naman si loko.
"Long time no see!" bungad ni unggoy, tinaasan ko lang ito ng kilay at sinenyasan na ipasok na yung mga bagahe nito sa likod ng kotse.
"You're such a b***h, that's why boys are scared of you," kumento niya sa inasta ko nang buksan ko na yung makina ng kotse ko, tinaasan ko ito ng kilay at tinignan siya.
"Should I kick you out of my unit and live in the street?" I asked him, I saw how he got scared of my question and shook his head in defeat.
"Kidding! I'm kidding! You're so sweet like a strawberry cake!"
Hindi ko na siya pinansin at nagmaneho na ako papunta sa condomenium na titirahan niya, hindi niya ako kinakausap kasi dapat lang, tuwing nagmamaneho ako, ayoko na may kumakausap sa akin maliban kapag usapang trabaho yan, alam na yan ng mga katrabaho ko.
Nang makarating na kami sa unit ko, siya na nagbitbit ng kanyang mga gamit kasi sakanya yan eh, ambag ko yung hatid sundo at paggamit sakanya ng unit ko, sayang kasi yung unit ko, inaalikabok na. Naglinis naman ako ng onti bago ko ito pagamit sakanya.
"Wow, looks so clean and white," kumento niya, nilapag ko yung susi sa kitchen table at umupo sa sofa at pinanood ko siya habang inaayos yung mga gamit niya.
"So? What did Alpha do to you this time? You don't usually go out of the country to do missions, you're a lazyass who rather go host clubs instead of doing work," I spoke to him, and he was surprised.
"How the f**k did you know I go to host club?!" he said with a shocking face, bullseye.
"Sino ba kausap mo? munggo?" sabi ko sa salitang tagalog, lalo ito nagulat at naguluhan, hindi kasi ito nakakaintindi ng linggwahe dito kaya gusto ko pagtripan siya.
Habang nagrereklamo siya dyan sa sulok, napaisip ako kung sasabihin ko ba sakanya yung pakay dito sa Pilipinas... pero hindi ko din alam kung alam ng dalawa kung ba't pinadala ako dito ng Alpha, minsan kasi iba ang pinaguusapan namin kapag kami lang magkasama.
"Marco, stop with your bullshit and come here," sabi ko, sumunod naman ito sa akin at umupo sa kabilang sofa bale magkabilaan kami, "what did Alpha do to you."
Sumandal muna ito at huminga ng malalim, "it's about the Bravo," umpisa niya na nagpaalerto sa akin, anong ibig niyang sabihin?
"Why?"
"Alpha informed me about your mission here in the Philippines and ordered me to be your assistant on that task while I do sidetracks here━Alpha's chores," he told me, I was silent.
"Alpha already expected this outcome from Bravo, I guess you could say I'm a backup crew?" he explains, I just looked at him then took something from the pocket of my pants and just threw it at him. He didn't flinch, he just stood there and caught it with his hand. It's a paring knife I took in the kitchen.
"Why?" he asks me with one brow arched. I took a breath and rest my head on the backrest of the sofa.
"I have Quebec assisting me on this, why the additional crew Feels like Alpha underestimates me on this." I rant.
"Nah, I don't think that's it..."
Naguluhan ako sa sinabi niyang iyon pero sinabi din niya na kalimutan ko daw sinabi niya, kinulit ko si Marco kung bakit niya yun nasabi pero inisnob na ako ng lalakeng ito kaya sinimangutan ko na lang siya at umalis na din maya-maya pagkatapos ko ipaliwanag sakanya yung mga bagay-bagay sa unit ko kasi hindi siya kasing modern at convenient katulad sa Japan. Kahit may pagka-high class, iba pa rin.
Habang nagmamaneho sa kalsada ay iniisip ko na ang mga kailangan kong gawin at mga kailangang pagusapan namin ng Quebec dahil napagdesisyon ko na maging tapat at pursigido ako na kahit papaano ay makumbinsi ang Bravo na bumalik sa organisasyon. Sumusunod lang ako sa utos ng matanda at hindi ako dapat madala ng emosyon niya.
Kaya nga naging kanang kamay ako ng Alpha, hindi makipagdramahan sa ibang tao kahit anak pa yan. Kung ano problema nung isa, sakanya na yan, wag niya ako idamay dahil lumilingkod lang ako. Sapat na yung emosyon na dinanas ko nung binatilyo at hanggang doon na lang. Tinapon ko na ang emosyon ko dahil sa trabaho ko at hindi madali yun sa akin.
Dumaan ako sa pagsubok at paghihirap para lang marating ko ang posisyon ko ngayon lalo na't isang karangal para sa akin na maging reaper ng Alpha...
Pagkauwi ko ng bahay ay dumeretso na ng kwarto at tinignan ang cellphone ko nang magring ito mula sa bulsa ng pantalon ko. Pagtingin ko sa caller ay napairap ako sa di oras at nagdalawang isip kung sasagutin ko ba ito o hindi?
Kapag hindi ko to sinagot, mangungulit ito sa akin kaya no choice, eh di sasagutin.
"Ow," bungad ko sa tumawag, rinig ko sa kabilang linya na nagulat ito.
[Hi! Hello! Uhh... ask ko lang kung busy ka ba ngayong weekends?] Tanong ni Jenny, yung dati kong kaibigan na nakasalubong ko sa mall.
Simula nung nagkita kami sa mall, magkachat na kami about sa bagay-bagay at dun ko na din natuklasan mga ganap ng ex ko at iba pang tao na hindi na worth mention sa buhay ko.
Is she asking me if I am free this weekend? s**t, alam ko ibig sabihin niyan...
"Why,"
[Ano kasi... may reunion batch natin and invited ka sa swimming party since part ka pa rin ng klase natin.] Paliwanag niya.
"You think I will go to the reunion? You sure?" sabi ko sa ingles, para magets niya pinupunto ko. Ayoko lang sa lahat ay nangingielam sila sa buhay ko, lalo na sa mga kaklase ko.
[Wala lang, baka gusto mo lang sumama pero kung pupunta ka, imessage ko sayo yung lugar.]
Pagkatapos ng maikling paguusap namin ni Jenny, chinat niya sa akin yung location ng reunion, pero hindi ko sineen, hindi ko na pinansin dahil may importante pa akong kailangan asikasuhin.
Umabot na sa ilang oras sa pagpaplano nang may dinaanan akong lugar na tyak na makakatulong sa akin, hindi na ako nagpaalam o ano kasi ako lang naman tao dito sa bahay at hindi ako isusumbong ng mga katulong dito kasi close ko na sila lahat. Isa siyang bar na patago sa, hindi agad-agad ito mapupuntahan ng iba dahil secluded at onti lang ang nakakaalam.
Bakit andito ako sa bar? Kasi magkikita kami ng Quebec. Oo, andito siya sa Pilipinas, simula nung pinadala ako ng Alpha dito sa misyon ko, inutusan din niya ang Quebec para maging kasangga ko dito kasi alam ng Alpha na magiging mahirap ito. Hindi ko alam kung bakit at nagalala ang matanda sa magaganap, sinabi ko naman ito sakanya na kaya ko naman mag isa kasi sanay na ako, pero sabi niya hindi daw at kailangan ko ang Quebec. Nung una naguluhan ako, pero hinayaan ko na lang, hindi naman hahadlang yung isa dahil taga abot lang naman ito ng impormasyon sa akin.
Pumasok ako sa isa sa mga private rooms dito sa bar at kita ko ang Quebec na nakaporma at naka maskara. Hindi ko kasi pwede makita ang mukha niya dahil patakaran iyon ng organisasyon at opisyales ito.
"Quebec," pagbabati ko at nanatiling tumayo sa harap niya, kahit gaano ito kaspoiled at may pasmadong bibig, kailangan ko ito bigyan ng galang kasi nga, may posisyon ito at isa lang akong reaper.
"Shikaru," pagbati nito pabalik at sinenyasan ako na umupo na sa isa sa mga sofa na andito.
"First of all," umupo ako sa tapat niya at tinignan ko ito nang magsalita ito, "Why did you introduce yourself as Wan in front of Bravo?" tanong niya.
"Personal reasons, he studies in the same school as me," tipid na sagot ko, nagreact lang ito at hindi na nagdada pa.
Hindi na kami nagaksaya ng oras at pinagusapan na namin ang kailangang gawin. Nagpapalitan kami ng ideya nang may sinuggest ang Quebec na nagpaisip sa akin.
"Why don't you involve him in one of your side tasks?" Suggestion niya.
"What do you mean," tanong ko, sumandal ito sa upuan niya at uminom ng kung ano.
May kinuha itong mga papeles mula sa case na dala nito at nilagay sa lamesa sa harap namin, "Be grateful because I found a disturbing case and it involves in your batch years ago, Shikaru," sabi niya na nagpagulat sa akin, hindi halata kasi nakamaskara ako.
"Enlighten me, " sabi ko habang binabasa ang bawat papeles.
"One of your classmates got themselves involved with shady businesses and this classmate has a connection━close connection to the Bravo's fraternity. It seems that Bravo is not aware of this situation so that is why I suggested you get him involved with the case and partner up or some shit."
Quebec explains more about the case involving my former classmate, one of my classmates back in high school. Seeing his face and name in the paper made me feel disgusted.
I know him.
Ito yung estudyante na nagpadala ng buong section sa guidance office. Nadamay lahat, inisa-isa ang mga estudyante tungkol sa rumor na iyon at sa huli walang ebidensya na nakuha, miski yung lalakeng iyon. Naalala ko pa kung gaano ako nabwisit sa pangyayaring iyon dahil sobrang busy ako nun dahil ako pa ang presidente ng Student Council at hinatak pa ako ng mga guro para lang sa rumor na yan. Oo, alam ko yung umiikot na balita pero hindi ko inaakala na mapupunta sa puntong damay ang buong section ng Grade 9, biruin mo, apat na section yan tapos kami pa yung first at honor section at sa amin pa nanggaling yung chismis. Ito din yung taon na andami kong pinagdaanan, yung chismis na kumakalat sa droga, chismis sa pagkakaibigan naming tatlo nila Jenny, tapos mas mainit pa yung balita sa amin ni Max, yung ex ko.
Nang makita ko ulit yung pagmumukha at pangalan ng adik na iyon ay lalo lang kumulo dugo ko dahil sa hirap at gulo na ginawa niya, tapos pagkatapos ng ilang taon malalaman ko na lang na totoo pala yung chismis na isa pala siyang drug drealer.
Ganito mapapala kapag marami kang pera, daming tukso na pwede mong magawa.