Chapter 20

1262 Words
Pagkatapos magkita nila Shikaru at ng kanyang kasamahan sa magaganap na misyon sa susunod na araw, hindi na ito nagaksaya pa ng oras at kinausap na ng dalagita ang kanyang nakakatandang kapatid na may dadalawin itong kaibigan at kinalaingan nitong magpaalam sa kanilang magulang na makikitulog ang dalagita sa bahay ng kanyang kapatid. Nagtaka naman ang kanyang kapatid dahil madalas na itong nagpapaalam sakanya kaya tinanong na ang dalaga. [Madalas ka na nagpapaalam sa akin, saan ka ba napunta? Ni hindi ka naman naguupdate sa akin kung saan lupalup ng Pinas pinupuntahan mo.] Tanong ng kapatid nito sakanya, tumikhim muna si Shikaru bago ito sumagot at kumanan sa isang daan. "Sa mga dati kong kaklase, magkikita kami ngayong weekends kasi reunion daw," paliwanag ng dalaga. Wala itong balak sumama sa dati niyang kabatch nung high school pero nang dahil sa pagtitipon nila ng Quebec, kailangan ni Shikaru umattend kahit labag sa kalooban nito. [What do you mean dating kabatch? Nung high school mo dito? Bakit? Akala ko ba ayaw mo na sila sa buhay mo?] Sabi ng kapatid, napatahimik ang dalaga sa sinabi ng kanyang kausap. Napatahimik si Shikaru sa sinabi ng kanyang kapatid kasi miski sa sarili niya na ayaw na talaga ito makasalamuha pa yung dating mga tao na sumira sakanya... Isa sa pinangako ni Shikaru sa sarili ay hindi na ito magsisinungalin sa kanyang kapatid dahil siya lang ang hindi humusga sa pinagdaanan niya at siya lang yung taong umintindi sakanya at nanatili sa kanyang tabi kahit magkahiwalay sila. Mga panahong kinailangan niya ng kausap, andyan ang kanyang kapatid para pakinggan ang mga hinanakit niya. Pagkatapos ipaliwanag ni Shikaru na iilang lang ang aattend sa reunion, pumayag na ang kapatid at tinapos ang tawag nila nang makarating na ito sa kanyang bahay. Pagkapasok ng bahay ay walang magulang na sumalubong at mga katulong lang ang bumati, dumeretso na ito sa kanyang kwarto at nagligpit bago itext ang kanyang dating kaibigan na si Jenny para kausapin kung ano gaganapin sa kanilang reunion. Natuwa naman si Jenny nang malaman na darating ang kaibigan niya at pinaliwanag sakanya ang mangyayari. Napagdesisyunan na sa bar na lang sila magtitipon sa isang rooftop ng isang pribadong gusali na pagmamay-ari ng dati nilang kaklase. Hindi na nakakagulat kay Shikaru na isang top-class ang magiging venue nila dahil mayayaman ang mga kaklase niya dati at dahil nagaaral sila sa isang high-class private school na pagmamay-ari ng kanyang magulang. Kailanman, hindi ito pinagmamayabang ni Shikaru na kung gaano din siya kayaman at may ilang kompanya pa na hawak ng pamilya niya. Hindi naiisip ni Shikaru na kanya ang mga sinikap ng kanyang magulang, tinuruan siya ng magulang na maging mabait, mapagtulungin, at mapagpakumbaba dahil iba't iba ang pinanggagalingan ng mga tao. Subalit hindi nakamit ni Shikaru ang bilin sakanya... Pagkatapos ng isang araw na pageensayo at paghahanda ni Shikaru na pumunta sa venue ng inuman nila at sa misyon nito, nagsuot lang ng simpleng damit kung saan makakagalaw ito ng maayos at kasabay ito sa dress code nila. May pagka bigatin kasi ang party na aattendan niya kaya kahit papaano may onting style sa damit niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Jenny, ang dating kaibigan neto na dadaanan na siya sa kanilang bahay para sunduin ito, napagdesisyunan din na sabay sila pumunta at para may kasama din si Shikaru dahil sa ilang taon na din itong walang komunikasyon sa dating mga kaklase. "Quebec," tawag ni Shikaru sa kanyang kasamahan sa misyon ngayong gabi, may ilang static ang narinig ng dalaga at inayos pa ang kanyang hikaw para makuhanan ito ng signal. [Present.] Sagot naman ng Quebec. "Marco." tawag naman ng isa pa niyang kasamahan na sinama niya sa huling minuto dahil gusto rin niya ito obserbahan ang bawat kilos nito kung gagawa ba ito ng kalokohan o hindi. [Already here in the venue, looks great and chill to be honest.] komento niya, tumango lang ang dalagita at huling beses na tumingin sa salamin sa condo na pinahiram niya sa kasama. Simple lang ang suot niya para makakilos ito ng maayos, black dress na may hiwa sa kanan at katamtaman lang ang taas ng kanyang takong dahil may katangkaran na din naman siya. Dumeretso na si Shikaru sa bahay ng kanyang kasama na si Jenny, ang dating kaibigan para isabay na ito papunta sa venue. Galak naman na makita ni Jenny ang susundo sakanya at masayang binati si Shikaru nang makapasok na ito sa loob ng kotse. "Hi! Excited na ako! Akala ko ako lang magisa dun kasi ang akward nun, promise!" Sabi niya, medyo nagtaka naman ang dalagita sakanya. "Why?" Tanong niya. "Ano kasi... tagal ko na din sila hindi nakikita at hindi naman kasi ako ganun kakilala sa school natin dati kaya hindi ko alam ano mangyayari." Natawa na lang ito sa sinabi niya at nagkwento na ng ibang bagay habang si Shikaru ay nagmamaneho. Kahit ayaw niya ng maingay habang nagmemenho ito, hindi niya ito pwede pagsabihan dahil hindi naman niya ito katrabaho o ano, isa lang itong kaibigan na gusto lang makipagbalikan sakanya. Kadalasan, tinutulak ni Shikaru ang mga taong gusto pumasok sa buhay niya, mapakaibigan o sa ibang kadahilan, ayaw na may nakakasaluha ito dahil hindi sila nagtatagal sa ugali na binibigay niya sa tao. Napapansin din niya ang effort na binibigay ng ilan na intindihin siya pero sa huli, nagsasawa sila na pakisamahan si Shikaru at unti onting lumalayo sakanya at nangiiwan lang ng sugat sa puso niya... Samantalang ngayon, parang naiiba si Jenny sa ibang mga tao na nakilala niya, kahit ilang beses na ni Shikaru na itulak ito papalayo, kusang bumabalik sa hindi alam na kadahilan. Isa ito sa mga taong kinamumuhiyan nung nakaraan kaya parang mabigat sa kalooban nito na bigla na lang ito susulpot at magpakabati sakanya. "Hindi nga pala ako magtatagal sa party," paalam ni Shikaru sa kasama. "Ahh sige, okay lang yan, at least nakasama kita." sabi niya, hindi na umimik si Shikaru sa sinabi ng kasama at dumeretso na sa venue. Nang makarating na sila at nagparking na sa malapit, huminto si Shikaru nang tawagin ito ni Jenny, nagtaka naman sa inasta ng kasama nang tinignan siya nito mula paa hanggang ulo. "Bakit," tanong ng dalagita, umiling si Jenny pagkatapos tignan ang suot ni Shikaru. "Parang may kulang sa damit mo, parang design," kumento ni Jenny sa pananamit ng kaibigan niya. Tahimik lang si Shikaru habang may kinakalkal si Jenny sa kanyang handbag at may inilabas dun ang isang pin na may disenyo na bulaklak, lumapit ito sa pwesto ni Shikaru at isinukbit sa kanyang damit ang pin at lumayo ito sakanya para suriin ang suot ng kaibigan. "Ayan! May buhay na damit mo!" kumento ni Jenny, tinignan naman ni Shikaru ang sarili sa isang salamin na malapit sa pwesto nila at kita dito ang buong itsura nito at kita ang bulaklak na nakasuknit sa may bandang dibdib nito. Hinayaan na lang ng dalagita ang disenyo sa kanyang damit na ginawa ng kaibigan dahil kapag tumutol ito, magtatampo ang kasama at baka tumagal pa sila sa labas ng gusali. Habang papunta sa venue may nakakasalubong na silang mga kakilala paakyat at halos lahat sakanila ay hindi namukhaan si Shikaru, nagtaka naman si Jenny nang di masyado tinuon pansin ang kasama kahit sinabi na sa mga kaibigan kung sinu sino ang darating. Tinignan naman ni Jenny ang kaibigan ngunit parang wala lang ito para sakanya, busy sa kanyang cellphone habang hinihintay siya. Medyo nagalala si Jenny sa magiging resulta ng pagtitipon na ito kung hindi siya pansinin ng mga tao at makipaghalubilo sakanya...

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD