Chapter 8 Nasa sasakyan palang kami papunta sa bahay nila ay aligaga na si Tzekai kung paano daw niya ipakikilala si Mark Kym na hindi pagkakaguluhan ng kaniyang pamilyang kahit may sinasabi sa buhay ay katulad din niyang adik sa mga teleserye. Pagdating namin sa kanila ay akala mo may kasalang nangyayari sa dami ng tao. Bago kami bumaba sa kotse ay pinigilan ko si Tzekai. "Sigurado kang graduation mo lang ito? Bakit andami mong bisita?" bulong ko. "Ganyan kami, hanggang sa dulo ng street na ito imbitado ni Mommy. Isama mo pa ang mga kamag-anak namin at mga kasama ni Daddy sa trabaho. Sige na, bumaba na kayo. Uyy, basta pasimple lang tayo ha? Huwag magpahalata para hindi dumugin si idol. Gusto ko tahimik lang tayo pumasok sa bahay. Alam mo naman ang mga kapitbahay namin, naku mga sabik