bc

PEDESTAL (COMPLETED)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
6.1K
READ
revenge
love-triangle
friends to lovers
drama
comedy
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
bisexual
first love
mxm
like
intro-logo
Blurb

Magkaiba ang mundong ating ginagalawan. Iisa ang ating pinagmulan ngunit magkaiba ang mundong ating tinatahak. Tinitingala ka, pinagpapantasyahan, kinikiligan, iniidolo bilang pinakagwapo at pinakamahusay na artista ng dekada... samantalang naiwan ako sa babang tumitingala sa iyong kasikatan. Ngunit paano ngayong hindi na lang isang fan ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita, alam kong iyon din ang t***k ng iyong puso. Ngunit paano magtatagpo ang mundo ko't mundo mo lalo pa't sa paniniwala ng lahat ng tao, nagmamahalan kayo ni Erin? Kailangan bang samahan kita sa mundo mo para lang tayo magkasama tayo? Kung pareho na ba tayo ng mundo ginagalawan, mapapansin mo na din kaya ako? Ipaglalaban mo na ba ang ating pagmamahalan o ipagpapalit mo ako sa natamo mong kasikatan? Paano kung maagaw ko ang ningning ng bituin mo, handa mo bang ipatalo ang mundo mo at samahan ako sa mundong alam kong liligaya tayong dalawa o pipilin mong ipaglaban ang pinaghirapan mong pedestal kapalit man nito ng pagkasira ng aking pagkatao. Isa lang ang kailangan mong piliing Pedestal? Ang pedestal na pinalilibutan ng kamera at mata ng iyong mga tiga-suporta o ang pedestal sa puso ko ngunit ipapangakong ibigay ang saya at buong atensiyon ko sa'yo?

chap-preview
Free preview
TROPA
PEDESTAL Lahat ng uri ng hirap napagdaanan ko na. Sa murang edad ay kailangan kong makipagsabayan sa paglalakad sa mga rebeldeng kasamahan ko umuulan man o katanghaliang tapat. Tinitiis ang gutom at pagkauhaw. Mga walang katiyakang mga paglalakbay. Matutulog na basa ng tubig ulan at pinapapak ng lamok iadgdag pa ang walang kumot o unan. Mahirap ang buhay ng batang rebelde. Wala akong nagiging kalaro. Pinagkaitan ako ng karapatan para i-enjoy ang buhay ng pagiging bata. Sa tuwing nilulusob kami ng mga sundalo, naroon ang takot na tamaan ako o kaya ang ang mga magulang ko at si kuya ng mga bala mula sa mga baril ng mga sundalo. Hindi matahimik ang aming buhay. Laging naroon ang panganib. Ngunit hindi kuwento sa pagiging batang rebelde ko ang sinasaklaw ng kuwento ng buhay ko. Hindi ang mga hirap na pinagdaanan namin nina Papa Pat at Papa Zanjo. Tulad ng lagi nilang sinasabi sa akin, kailangan ko nang kalimutan ang mapait na bahaging iyon ng aking buhay kahit madalas ay dinadalaw parin ako ng bangungot ng nakaraan. Sapat na ang kuwento ng hirap ng mga namumundok , ng aming ipinaglalaban at buhay ng isang military sa kuwento ng buhay ng mga umampon sa akin. Ang kuwentong ibabahagi ko ay buhay ko kasama ng lalaking minahal ko at ang mga pinagdaanan ko sa likod ng pinilakang tabing. Isang buhay na akala ko ay sa pelikula ko lang mapapanood. Isang palasak ng kuwento na hindi ko inakalang mangyayari din pala sa akin. Naging mabuti ang balik ng kapalaran sa akin. Sa tulong ni Papa Pat at Papa Zanjo ay napaghandaan namin ang eksamin ko sa Accelaration Program ng DepEd. Unang mga buwan ay Grade 3 ako sa edad na labindalawang taong gulang ngunit dahil sa sipag kong mag-aral at sa galing ng tutor na kinuha nina Papa Pat at Papa Zanjo, pagdating ng Marso ako na ay isa sa mga nagsipagtapos sa elementary. Simulan ko ang ating kuwento nang unang araw ko bilang Grade 6 sa edad na labindalawang taong gulang. Unang araw ko sa klase pagkatapos ng aking accelaration. Lahat sila magkakakilala na. Kahit sabihing isang karangalan ang makaklase nila ang isa sa mga pumasa sa acceleration, ang katotohanang galing ako sa Grade 3 at kaedad ko lang sila ay hindi iyon masiyadong nakakahugot ng kanilang atensiyon. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng isang madaldal at malikot kong kaklase. Siya yung tipong hindi ka na magdadalawang isip kung ano siya. What you see is what you get. Palaban at walang inuurungang bakla. Si Tzekai. Christian Carl ang totoo niyang pangalan pero ang gusto niyang itawag sa kaniya ay Tzekai. Siya lang naman ang kumakausap sa akin dahil siguro seatmates kami at wala na din lang akong ibang pamimilian na kakaibiganin pa kundi ang siya. Mas mabuti na iyon kaysa sa wala. May mga gusto nga akong mga kaibigan pero hindi naman ako pinapansin dahil siguro, laking bundok ako at hindi ko pa sila kayang sabayan sa mga pinag-uusapan nilang gadget. Kung hindi nga lang dahil kay Papa Pat at Papa Zanjo hindi siguro ako makakatuntong sa ganoong school. May pinapakopya sa pisara ang aming teacher nang naglabas si Tzekai ng notebook niya. Dinaanan ko muna ng tingin ang cover ng kaniyang notebook ngunit parang kilala ko kung sino ang naroon. Kilala ko ang ginunting niyang picture na iyon na idinikit niya siya cover ng notebook niya. Hindi ako maaring magkamali. Si Mak-mak. Hindi ko napigilan ang sarili kong kunin ang notebook ni Tzekai na nakapatong sa kaniyang arm chair. Tinitigan ang nasa litrato. Taglay parin niya ang kutis niya nang mga bata kami. May kakapalang kilay. Tamang tangos ng ilong, malusog na labi at malamlam na mga mata na sumasabay ito sa pagngiti ng kaniyang mga labi. Himinga ako ng malalim. Sa edad kong labindalawang taong gulang, may kung anong bugso ng damdamin na ako noong naramdaman. Hindi ko lang masiguro kung ano talaga iyon. "Crush mo din?" tanong ni Tzekai sa akin. "Crush? Anong crush? Kilala ko 'to e." Napakunot ako ng noo. "Siyempre naman 'no. Paanong hindi mo siya kilala e sumisikat na siya ngayon kahit halos isang buwan ko pa lang siya napapanood ay kinikilig na ako sa kaniya. Kokonti pa nga lang ang exposure niya sa TV pero sisikat din siya balang araw. Tandaan mo 'yan. Magiging president ako ng fans club niya." Kinikilig niyang kinuha ang notebook niya sa akin saka niya ito hinalikan. "Artista ba siya?" "Te, may TV ba kayo? Kaloka ka." "May TV kami pero hindi ako pinapayagan nina Papa na magbabad sa harap ng TV para manood. Gusto nila unahin ko ang pagrereview ko dati para sa aking acceleration pero ngayong pumasa na ako. Sigurado may oras na akong manood. Anong channel siya at anong oras ang kanilang TV Show?" "Kapamilya ka ba? Tuwing hapon ng Linggo, abangan mo siya. Naku kinikilig ako kahit nahahagip lang siya ng camera. Hinihimatay na lang ako." "Artista na pala siya?" Akala ko hindi malakas ang pagkakasabi ko iyon at dahil narinig ni Tzekai ay hindi nakaligtas sa pagiging madaldal niya. "Makapagsalita ka parang may nakaraan. Close kayo, te? Ewan ko sa'yo ha. Iba ang pakiramdam ko sa'yo. May something sa dugo mo na gusto ko. Hmmnn..sayang crush pa naman sana kita." Bumunot ako ng malalim na hininga. Kinuha ko ang notebook ko. Magsusulat na sana ako pero muling naglakbay ang aking alaala. Kilala ko siya. Hindi man maniniwala sa akin si Tzekai pero Grade 2, walong taong gulang ako nang unang nagkrus ang aming landas. Maaga kami noong pinauwi ng aming teacher at hinihintay ko si nanay. Doon kasi ako madalas sunduin sa malapit sa palengke at sag awing likod ay park. Naiinip akong naghihintay sa gilid ng daan at paikot-ikot ako sa isang post eng ilaw nang may batang tumatakbo hawak ang nakasupot na banana cue at tokneneng. Nang nakatapat na sa akin ay mabilis siyang nagtago sa mayabong na halaman. Sumenyas siya sa akin na huwag akong maingay sa pamamagitan ng paglagay niya ng hintuturo niya sa gitna ng kaniyang labi. Nagtaka ako. Ilang sandali pa ay may sumunod na tumatakbong humihingal na tinderang matabang babae. Huminto siya sa tabi ko na habol-habol ang kaniyang paghinga. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. "Boy, may nakita ka bang dumaan dito na may hawak na nakasupot na banana cue at tokneneng? Nakaputi siya ng sando at itim na short." "Nakita ko nga ho. Tumakbo papunta ho sa direksiyon nay an." Itinuro ko ang bahaging kaliwa para mailigaw ko lang ang tindera. "Akala ko kasi may pera. Nang inabot ko na ang bibilhin niya saka siya kumaripas ng takbo. Naku naman! Kahit bata ngayon hindi na pala talaga mapagkatiwalaan." Nanggigil ang matabang babae. "Makabalik na nga lang sa palengke. Buwisit na buhay 'to! Kakapiranggot na nga lang ang kikitain pagnanakawan ka pa!" Nang nakaalis na ang babae ay nilingon ko ang bata. Sinesenyasan niya ako para lumapit sa kaniya. Nagdadalawang isip ako para lapitan siya. Sabi kasi ni nanay, mag-ingat ako sa mga nasa patag dahil marami daw masasamang loob. Dahil sa nakita kong ginawa niya, sigurado akong isa siya sa mga masasamang loob na sinasabi ni nanay. "Hoy bata. 'Lika dito." Binawi ko ang tingin ko sa bata. Minabuti kong ibalik sa daan ang aking paningin, umaasang parating na si nanay. Kinamot ko ang tainga ko saka naglakad palayo doon sa tinaguan ng batang magnanakaw. Minabuti kong umupo na muna sa sementadong upuan sa park at binuklat ko ang libro ko sa Filipino. Alam din naman ni nanay na kung wala ako sa daan na naghihintay, maari niya akong puntahan sa park na nakaupo. Pagkabuklat ko pa lamang sa aking libro ay may umupo sa tabi ko. "Gusto mo?" alok niya sa akin sa hawak niyang nakasupot na banana cue. Hawak ng isang kamay niya ang tokneneng. Halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil puno ang bunganga niya ng isang buong saging. Tinignan ko siya. "Hindi ako kumakain ng nakaw." Maikli kong sagot. "Yabang mo naman. Porke nag-aaral ka lang. Saka ako naman ang nagnakaw di naman ikaw. Hindi na nakaw iyon kapag sa akin mo kinuha. Bigay ko na iyon sa'yo. Bayad ko lang sa tulong mo kanina sa akin." "Nakaw pa din 'yun." Sagot ko. Inilagay niya sa pagitan namin ang supot na naglalaman ng tokneneng. Kumuha siya ng isang stick ng banana cue. "Bakit nga pala hindi mo ako itinuro kanina? Salamat ha." Ngumunguya siya. Di pa niya nalulunok ang nginunguya ay kumagat na naman siya sa hawak niyang banana cue. "Sarap hmnmn! Sarap talaga!" ipinakita niya sa akin kung gaano siya sarap na sarap sa pagnguya sa banana cue. "Heto pa pala, may tokneneng pa ako!" Sumubo siya ng isang tokneneng at kinamot niya ang kaniyang leeg. Nakatingin siya sa akin habang ngumunguya. Sarap na sarap siya. Di ko napigilan ang hindi mapalunok. "Gusto mo? Sige na. Huwag ka nang mahiya." Idinaan niya ang isang tusok ng banana cue malapit sa ilong ko. Naamoy ko ang aroma nito. Kanina pa ako gutum na gutom dahil limang piso lang ang baon ko araw-araw. Kulang na kulang pa na pangkain ko sa umaga. Nagbabaon na ako ng kanin para sa tanghalian ko. Mula tanghalian hanggang hapon ay wala na akong kinain kundi uminom na lang ng tubig. Naglabas siya ng isa na namang tokneneng sa supot. Ipinakita niya sa akin ang kaniyang pagsubo. "Kuha ka na." Iniabot niya sa akin ang supot na may tokneneng. "Hindi ako gutom." Sagot ko. Pero pagkasabi ko palang doon ay tumunog na ang sikmura ko. Nagkatinginan kami. Binuking pa ako ng sikmura ko. Kanina pa ako naglalaway lalo pa't bumubukol na ang kaniyang bunganga sa dami ng kaniyang isinusubo. Ang tingin niya ay naging ngiti haggang sa napatawa siya sa akin. "Oh! Hayan, pagbigyan mo ng sikmura mo. Sabi sa akin ni nanay kapag daw di ka kumain mabutas ang tiyan mo kasi kung wala ng tutunawin ang tiyan mo, isunod niyang tunawin ang mga bituka mo. Ikaw din, baka mabutas ang tiyan mo at kung butas na iyan sigurado akong kapag kumain ka o uminom didiretso na agad sa puwit mo." "Ganun ba 'yun?" dahil sa laking gubat at bata. Madaling naniniwala. "Oo no. Saka yung tunog na ganon ng sikmura mo kanina, ibig sabihin daw no'n nag-uumpisa ng binubutas ang tiyan mo kaya may tunog. Sige na, dami nito oh, di ko maubos." Tumingin ako sa kaniya saka ko tinignan ang pagkaing iniaabot niya sa akin. Napalunok ako. Muli ko siyang tinignan. Nakangiti siya. Ngumiti na din ako saka ko kinuha sa kamay niya ang pagkain. Bago ko isinubo ay muli kaming nagkatinginan. Hanggang sa sabay na kaming kumagat sa hawak-hawak naming banana cue. "Sarap 'no?" kinindatan niya ako. "Oo nga. Sarap!" sagot ko. "Ced, hoy, mangopya ka na kaya! Para kang sira diyan. Ano bang tinitingala mo sa kisame? Nasa harap ang kinokopya natin hindi diyan sa taas. Pangiti-ngiti ka pa. Kopya na, mamaya buburahin na yung nakasulat sa pisara. Di mo pa nasisimulan magsulat oh." Tinignan ni Tzekai ang notebook kong wala pang naisulat kahit isang salita. Siniko niya ako. Nahulog ang ballpen na hawak ko. "Anong pangalan niya?" tanong ko. "Sino?" "Siya. Yung nasa cover ng notebook mo." Tumingin siya sa akin. "Hmnnnn..."Lumiit ang mga mata niya. Nilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko. "Umamin ka sa akin, girl ka din ano?" "Tinatanong ko lang ang pangalan girl na agad? Boy ako. Kababata ko 'yan kaya lang Mak-mak ang alam kong pangalan niya." "Mak-mak? E, Mark Kim Santiago ang buo niyang pangalan. Naku! Malapit nga sa sa Mark. Baka nga kababata mo siya. Cedrick ha, kung maalala ka niya at magkita kayo, pakikilala mo din ako ha." "Pakilala agad e, di nga ako sigurado kung siya 'yan." "Carl at Cedrick! Mangongopya kayo o magtsismisan!" puna ng teacher namin. Sabay kaming yumuko at nagkunyaring abala sa pangongopya. Nang di na nakatingin ang teacher namin sa amin ay saka kami nagkatinginan at humagikhik ng mahina. Kinahapunan si Papa Pat ang sumundo sa akin. "Kumusta ang unang araw ng Grade 6? May friends ka na ba?" "Okey lang po. May kaibigan na ho ako. Si Tzekai po." Sagot ko. "Bakit naman babae? Wala ka bang kaibigan na lalaki?" "Lalaki ho siya 'Pa." "Tzekai pero lalaki? Kakaibang pangalan. Sige, ipakilala mo na lang sa amin ng Papa Zanjo mo. Imbitahan mo siya sa bahay." "Opo. Sasabihan ko po siya." Napaisip ko noon. Halatang bakla si Tzekai. Paano ko siya ipakikilala kina Papa? Kahit pa alam kong ganun din sila ni Papa Zanjo ay parang naasiwa pa din ako. Nahihiya pa din ako noon. Suguro dahil iniiwasan ko din na isipin nila bakla din ako. "Pa, puwede ako mag-internet mamaya pag-uwi ko sa bahay? Kailangan ko lang magresearch." "Sige ba, aalis naman ako agad. Sunduin ko Papa Zanjo mo at nagpapasama para dalawin ang kuya niya. Basta alam mo na kung ano muna ang bawal sa'yo sa internet ha?" "Opo" sagot ko. Pagdating sa bahay ay kumuha lang ako ng sandwich sa kusina at dumiretso na ako sa study room. Wala din si tita Claire at lola kaya si Manang lang ang kasama ko sa bahay. Pagka-open ko sa internet explorer ay agad kong ini-enter ang pangalang Mark Kim Santiago sa search box ng Google saka ko sinelect ang images. Lumabas ang mga picture ni Mak-mak. Huminga ako ng malalim. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nahiwagaan ako kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Hindi kaya? Pero ayaw kong isipin. Sa tagal na hindi kami nagkita ay maaring namimiss ko lang siya. Nag log-in ako sa aking f*******:. May pending friend invitation, si Tzekai. In-accept ko na muna ang friend request niya saka ako ini-enter muli ang pangalan ni Mark Kim Santiago sa Search Box ng f*******:. Lumabas ang napakaraming Mark Kim Santiago. Naguluhan ako. Hindi ko alam kung alin doon ang totoo. May nakita akong Fan page niya. Ni-like ko iyon. Napangiti ako. si Tzekai ang napakaraming post sa wall ni Mak-mak. Napaisip ako, nababasa niya kaya ang mga message namin at post sa wall niya. May higit limanlibo na ang likers sa fanpage niya. Sa limanlibong iyon, kung magmessage kaya ako mapapansin pa niya ako? Maalala niya kaya ako? Siya nga ba talaga ang kababata ko? Huminga ako ng malalim. Nagprint ako ng limang pictures niya. Pagkatapos ko iyong ma-print ay pumasok na ako sa kuwarto ko. Idinikit ko ang isang cute na picture niya sa dinding ng kuwarto ko habang pinagmamasdan siya. Bakit naging ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? Gustong-gusto kong pagmasdan ang kaniyang mukha. Ang kaniyang ngiti. Muli akong dinala ng ngiti na iyon sa nakaraan. "Kuha ka pa nitong tokneneng. Sige na. Ubusin natin. Bukas dagdagan ko pa para mas mabusog tayo. Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin habang puno ng itlog ang kaniyang bunganga. "Cedrick." Maikli kong sagot. Kumuha ako ng tokneneng. "Ako si Mak-mak. Paano tropa na tayo ha! Dito lang naman ako tumatambay. Bago lang kami dito ni Mama. Sa Manila kami dati kaso mahirap ang buhay doon kaya umuwi kami dito sa Vizcaya pero mahirap din pala ang buhay dito. Nakikitira kami sa kamag-anak ni Mama ngayon kaso walang-wala din sila. Dahil walang pakialam si mama kung may makakain ako o wala kaya dumidiskarte na lang ako ng sarili ko para mabuhay. E, ikaw?" "Doon kami sa bundok nakatira. Hinihintay ko si nanay dito para sunduin niya ako dito. Wala kang tatay?" tanong ko. "May papa ako kaso ayaw daw niyang pangatawanan si Mama. May ibang pamilya daw kasi yung papa ko at naging katulong lang daw nila si Mama. Ewan ko kung totoo na artista daw ang papa ko. Kung artista siya di ko naman kilala. E, ikaw may tatay ka?" "Oo meron." Natigilan ako. Mahigpit na bilin kasi ni nanay at tatay na di ako magsasalita ng kahit ano tungkol sa amin. Hindi dahil batang snatcher o magnanakaw ang kaharap ko at nakikipagkaibigan siya sa akin ay aaminin kong batang rebelde din ako. "Buti pa ikaw, nag-aaral, ako ito, tambay. Dapat Grade 4 na ako ngayon e. Walang pampaaral si Mama sa akin kaya huminto ako. Anong grade mo na?" "Grade 2." Sagot ko. "Mas matanda pala ako sa'yo ng dalawang taon. Wala pa akong kabigan dito. Tayo na lang ang magtropa ha? Hihintayin kita dito araw-araw para may kasama akong maglaro. Okey lang ba? Sagot ko na ang miryenda natin." "Masama daw ang magnakaw. Okey lang naman na maglaro tayo. Itigil mo na lang yung ganito. Baka mahuli ka." "Laking Maynila 'to kaya huwag kang matakot. Matakot ka kung mamatay ka sa gutom. Wala akong aasahan. Kung di ko gagawin ito, hindi ako makakakain. Laging nasa sugalan si Mama, minsan lasing pa kung umuuwi. Yung mga kamag-anak naman ni Mama, grabe kung magtago ng pagkain nila. Buti pa nga yung aso nila nababatuhan nila ng buto, ako na kamag-anak nila wala." Nangilid ang luha niya. Nakaramdam ako ng pagkaawa. Walang wala din naman ako kagaya niya kaya wala din akong alam na itulong lalo pa't bata din lang kaming dalawa. Sasagot pa sana ako nang makita kong padating na si nanay. "Paano bukas na lang? Andiyan na si nanay." Tumayo ako at naglakad na palayo. Bago ako tuluyang nakalayo ay nilingon ko siya. Kumindat siya sa akin. Ngumiti ako. Kinabukasan ay hinintay ko na naman si Nanay sa gilid ng daan. Malayo palang ay nakita ko na ang mga kaklase kong laging nagbu-bully sa akin. Tinatawag nila akong kambing o kaya kalabaw. Dahil galing pa ako ng bundok, madalas putikan ako pagdating ko sa aming school kung tag-ulan. Kadalasan din dahon ng gulay at kanin ang ipinapabaon sa akin ni nanay. Minsan ay inagaw ni Kennet ang bag ko at pinagpasa-pasahan nila iyon. Natapon ang laman ng bag ko kasama ng baunan ko. Kumalat sa sahig ang laman nitong kanin at gulay. Napaiyak ako noon, hindi dahil sa wala na akong kakainin kundi dahil sa pang-aalipustang ginawa nila sa akin. Pinagtatawanan nila ako dahil sa aking kahirapan. Ngunit hindi ako lumaban. Kahit anong ginagawa nila sa akin, ayaw kong lumaban. Umiiwas na lang ako. Noong Grade 1 kasi ako, sinubukan kong lumaban pero pinagkaisahan nila ako. Wala akong kakampi. Madami sila, mag-isa lang ako. Kaya tinitiis ko na lang kung anuman ang ginagawa nila sa akin. Umiiwas ako kung kaya kong umiwas. At alam kong kapag makita nila ako nagyon ay kakantihin na naman nila ako. Magtatago sana ako sa likod ng malagong halaman ngunit nakita na ako ni Kennet. Nagtatawanan silang lumapit sa akin. "Nandito pala si kambing! Oh ano, daming d**o diyan oh! Kumain ka na muna! Tabi!" sabay tulak niya sa akin. Pinaghandaan ko ang tulak na iyon. Hindi ako natinag. "Lumalaban oh! Lalaban ka!" singhal niya sa akin. Nagtawanan ang tatlong kasama niya. Hindi ako sumagot. Sa araw na iyon ay punum-puno na ako sa pang-alipusta nila sa akin. Muli niya akong itinulak. Ngunit bago niya gawin iyon ay ubod lakas ko na din siyang itinulak. Hindi niya iyon napaghandaan kaya siya ang napaupong sumadsad sa damuhan. Mabilis siyang tumayo. Inambaan ako ng suntok ngunit mabilis akong umilag saka ko siya mabilis na sinipa sa tagiliran. Turo iyon sa akin ni kuya Jacko at kuya Zanjo. (Kuya pa ang tawag ko kay Papa Zanjo noon.) Lumapit ang isa sa kanila habang pumuwesto na din ang dalawa pa. Hinarap ko sila ng buong tapang. Malikot ang aking mga mata. Sinuntok ako ng isa ngunit dumaplis iyon at pumasok ang isinabay kong suntok sa kaniyang sikmura. Kinuha ni Kennet ang pagkakataong iyon para makatayo. Mabilis ang dalawang hawakan ako sa magkabilang braso. Galit na galit si Kennet na humarap sa akin. Inambaan ako ng suntok sa mukha. Bago dumapo ang suntok niya ay isang malakas na sipa ang aking pinakawalan ngunit hindi siya tinamaan. Mabilis na tumayo ang pangatlo at pinilipit nila ang kamay ko patalikod. Wala na akong magawa kundi hintayin ang pambubogbog nila sa akin. Nang itinaas na ni Kennet ang kaniyang kamao para suntukin ako sa mukha ay napapikit ako. Ngunit hindi iyon dumapo. May kalabog akong narinig. Pagbukas ko ng aking mga mata ay nakita ko si Mak-mak na hawak ang isang kamay ni Kennet patalikod at hinila niya ang buhok nito sa likod pababa kaya nakatingala siya. "Bitiwan ninyo ang tropa ko kung ayaw ninyong baliin ko ang kamay nito!" si Mak-mak. "Aray ko! Aray! Bitiwan ninyo siya!" nahihirapang bilin ni Kennet sa mga kasama niya dahil lalong pinilipit ni Mak-mak ang kamay nito at hinila ang buhok nito pababa kaya lalo siyang napatingala. Nang binitiwan ako ng tatlo ay binitiwan na din ni Mak-mak si Kennet ngunit pagkabitaw sa kaniya ni Mak-mak ay mabilis niya itong binigwasan ng suntok. Dumapo ang kamao ni Kennet sa pisngi nito ngunit bago makaulit si Kennet ay binigyan na ni Mak-mak ng sunud-sunod na suntok sa mata, nguso at nang bumagsak ay nagsitakbuhan na ang kaniyang mga kasama. Umatras si Kennet at nakita ko sa mukha niya ang takot. Lumapit si Mak-mak sa kaniya at padausdos naman si Kennet palayo. "Tandaan mo 'to. Kapag sinaktan mo pang muli ang tropa ko, baka hindi lang iyan ang matitikman mo sa akin. Ano ha! Lalaban ka pa!" singhal ni Mak-Mak. Mabilis na tumayo si Kennet at tumakbong hindi na lumingon pa. Lumapit sa akin si Mak-mak. Inakbayan niya ako. "Ano ha! Kita mo? Apat kontra dalawa napasuko natin sila! Wala ka lang kasi bilib sa akin e." Tinanggal ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. Tumingin ako sa pisngi niyang tinamaan ng suntok ni Kennet. Hinwakan ko iyon kasi namumula. "Masakit ba?" tanong ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Ngumiti. Nilayo ko ang kamay ko sa nakahawak niyang kamay sa akin. "Salamat." Matipid kong wika. "Wala 'yun. Tropa tayo e, laban ng isa, laban nating dalawa. Pagkain ng isa, isusubo nating dalawa. Ano, okey ba?" kumindat siya. "Ayos!" sagot ko. "Dyaran!" may inilabas siya mula sa kaniyang likod. "Kita mo to ha! Kita mo? Sarap nito. Nadekwat ko pa doon sa kabilang kanto. Abala yung ale na nagluluto kanina kaya di niya alam na nadekwat ko na ang nasa mesa niya. Nakatikim ka na ba neto?" "Ano 'yan?" tanong ko. Sa totoo lang pati nga ang tokneneng kahapon minsan ko lang iyon natitikman. Pangalawa palang kahapon. "Empanada 'to. Halika doon tayo at pagsaluhan natin ito. Alam ko gutom ka na." At doon nagsimula ang halos isang buwan naming pagkakaibigan ni Mak-mak. Madalas nakikipag-unahan pa ako sa pagtakbo palabas sa gate pagkatapos ng aming flag retreat para mas maaga ko siyang makita. Pagkatapos naming pagsaluhan ang kaniyang ninakaw at kung wala pa si nanay ay naglalaro kami ng habulan o kahit anong maisipan naming gawin. Minsan nga naiinip na ako sa school dahil gusto kong hilain ang oras para muli kaming maglaro. Di lang kasi yung masarap na pagkain ang habol ko kundi yung may nakakalaro ako. Yung maranasan kong maging masaya kasama ng isang kaibigan na halos kasing edad ko lang. Sa school halos walang gustong makipaglaro sa akin kaya sa recess madalas nanonood lang ako sa kanila. Sa bundok naman, ako lang ang bata doon. Kaya iba ang sayang naibigay sa akin ni Mak-mak noon sa akin. "Bukas magkaroon na tayo ng bola. Gamitin natin sa paglalaro. Di na ako masaya sa laro nating habulan saka tumbang preso. Dapat may bola tayo." Nakangiti niyang wika sa atin. "Magnanakaw ka na naman?" mahinang tugon ko. "May pera ba tayong pambili? Kung hihingi ako ayaw naman nila ibigay kaya nakawin na lang." "Masama 'yan. Huwag na lang. Baka mahuli ka pa." "Ako ang bahala. Wala ka kasing bilib sa akin e." Isang hapon habang hinihintay ko siya at si nanay ay nakita ko siyang tumatakbo kasunod ng mga tanod. Hindi na tindera ang humahabol sa kaniya noon, mga tanod na na may hawak na batuta. May hawak siyang bola sa kaliwang kamay niya at barbecue sa kanan. Ilang dipa na lang ang layo niya sa mga humahabol sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo ngunit mas mabilis ang mga humahabol sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan noon. Nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Gusto ko siyang saklolohan ngunit hindi ko alam kung paano lalo pa't mas bata pa ako sa kaniya. Nangilid ang aking luha. Hindi ko napigilan ang aking mga mata. Kinuha ko ang isinabit kong litrato ni Mak-mak sa dinding. Kung sana alam lang niya ang naging bunga ng ginawa niyang iyon. Kung sana nakinig siya sa akin na itigil na niya ang pagnanakaw. Ang tahimik na pagluha ay nauwi sa isang matinding paghagulgol dahil muling bumalik ang lahat na nangyari nang araw na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.1K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

NINONG II

read
633.2K
bc

The Sex Web

read
153.1K
bc

NINONG III

read
389.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
36.3K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
275.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook