Pedestal Chapter 6 Iyon na ang simula ng walang patid na communication naming ni Mak. Hindi man kami nagkikita dahil sa mga out of town shows at shooting niya ay panay pa din naman ang kaniyang tawag sa umaga at sa gabi bago ako matulog. Sa teleserye at mga commercials ko na lang siya muling nakikita. Sa mga interviews at guesting ko na lang muli naririnig ang kaniyang mga tawa at nakikita ang cute na cute niyang ngiti. Sobrang namimiss ko na siya. Bumabalik kami sa katotohanang, isa siyang bituin na kailangan ko lang tingalain. Suntok sa buwan ang mahalin siya ngunit umaasa akong darating yung araw na muli kong mahawakan at mayakap ang bituin na iyon. Kung hindi man ngayon ay maaring sa mga susunod na araw. Nagsimulang tumindi ang hangarin kung iyon mula nang binigyan niya ako ng pag-as