Chapter 14 Nakaugalian na namin na kapag may darating kaming bisita ay nag-uunahan kaming lumabas at salubungin ang mga dumadating. Madalas kasi naming mga bisita ay mga singers o kaya kilalang mga artista. Ngunit nang marating namin ang sala ay tumigil ako. Si Erin ang unang bumungad sa amin at sa likod niya ay si Mark Kym. Ang excitement na naramdaman ko ay napalitan ng hindi maipaliwanag na damdamin. Nakangiti si Erin sa aming lahat. Ibang Erin ang nasa harap namin ngayon sa Erin na kilala ko. Nagkatitigan kami ni Mark Kym ngunit mabilis kong ibinaling sa iba ang aking paningin. "Grabe, ang gaganda at guguwapo ninyo." Bungad ni Erin na maluwang ang pagkakangiti. Siya na din mismo ang lumapit sa mga kasamahan kong housemates. Nanatiling nakangiti si Mark Kym na nakamasid. Lalong naging