Chapter 13 Nang nagkakaharap na ang lahat at halos naipakilala na namin ang aming mga sarili sa isa't isa ay muling nangibabaw ang boses ni Kuya. "Housemates, pumasok na muna kayo sa inyong kuwarto at ayusin na muna ninyo ang inyong mga gamit. Habang wala pang nababawas sa bilang ninyo, kailangan dalawa ang magkatabi sa isang kama. Hanapin ninyo ang inyong mga pangalan na nakalagay sa ulunan ng mga kama. Ang kuwarto ng mga babae ay sa bahaging kaliwa at ang sa mga lalaki ay sa bahaging kanan" Utos ni kuya. Mabilis naming tinungo ang aming mga kuwarto ngunit natigila kami nang nagsalita si Tzekai na nanatiling nakaupo sa sofa. "Kuya, ih! Kainis naman kuya!" pagmamaktol ni Tzekai. May kasama pang pasipa-sipa ng paa. "Anong nagyari sa'yo Tzekai?" tanong ni kuya sa kaniya. "Kuya, bakit g